Day I

56 5 2
                                    

Note: Hi! I just like to inform you guys (if ever there is someone out there reading this crap) na hindi ito continuation ng previous chapter. This is some sort of flashback and a lil background 'bout Ezra.

PS. I have edited some grammatical errors from the previous chappies. At kung may nagbabasa man nito please do inform me of my mistakes. Thankies.

-----

Marahang itiniklop ni Ezra ang binbabasang libro. Total Quality Management. That's the title of the book she's reading. She's a Business Administration Student. Dati ang gusto niyang kunin ay Psychology but as what the saying says, Nothing is constant in this world except change, so here she is.

Dati gusto niyang pag-aralan ang bawat galaw ng tao, kung ano ang kahulugan ng simpleng pagkurap o pagkumpas ng kanyang kamay. She wanted to read whats goin' on their minds. She wanted to understand kung bakit ganoon sila or whats bothering them. Pero she realized na wala palang kwenta iyon. When you're in the world of business, you can be anything in this world. Pwede mong kontrolin kung ano ang magiging pananaw sayo ng tao. It all revolves in money. It all speaks authority and power. Sa isang bansa, hindi ang pangulo ang pinaka-makapangyarihan kung hindi kung sino ang naghahari sa stock market. Kung sino ang may pinakamalaking sakop na korporasyon at kung sino ang may pinakmalaking shares of stock.

2:30 pm na, ayon sa kanyang phone clock. Dalawang oras din siya dito sa library para mag advance study kaya lamang ay  nagrereklamo na ang kanyang puwet kaya naman napagpasyahan niyang sa condo na lamang niya ipagpapatuloy ang ginagawa.

Iniisip niya ang mga gagawin niya pagka uwi. Assignments? Kakain. Ulam? Ano kaya ang lulutuin niya? Hmmm. Matulog muna kaya siya?

"Saavedra!"

Hindi na niya kailangan pang lingunin kung sino iyon. The bitch is here again. Pagod na siya sa pagharap dito. No, nginingisihan niya lamang ito kapag minumura o nilalait siya nito. Fighting back is cheap, fighting back means you're like them or worse than them. Its so unrespectful. Kaya naman kapag sinisita siya nito ay palagi lang niya itong nginingisihan dahilan para lalo itong mainis sakanya.

Akala niya ay magiging maganda na ang takbo ng kanyang araw dahil hindi ito pumasok kanina.

Hindi siya huminto sa pagtawag nito. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglalakad, gracefully in a chin up manner. Kilala siya sa kanilang department. Wealth? Yes, her parents were shareholders of their school. This maybe the main reason kung bakit nirerespeto siya ng marami and of course she won't let them degrade her.

Para sa lahat, siya si Miss Perfect. Maganda, Matalino, Mabait, Mayaman. A basis that everyone had been used to. Oo, walang pinagkaiba sa ibang paaralan at sa lipunan. Hinahangaan siya ng lahat. Her aura and personality speaks authority, something in her is intimidating.

At ang tumawag sakanya ay ang ultimate 'hater' slash 'enemy' niya sa school. Ciara Jianne del Prado. Naiirita siya sa presensya nito. Well, hindi lang naman siya ang niinis dito. Noong una ay hindi niya pinapansin ang pagsusungit nito sakanya. Wala siyang paki alam but Ciara doesn't play fair.

Ciara has always been regarded as the second best, the second choice at siya ang dahilan noon. Kaya naman gumawa ito ng paraan para masira ang reputasyon niya. She blackmailed her and she hated that she agreed with her condition. Mula noon ay ito na ang nangunguna sa lahat- be it academics or extra curriculars. And she doesn't care about it. All she cares is her reputation at ang sasabihin ng mga tao sakanya.

Una nitong hiniling ay ang hindi niya pagsali sa pageant dahil magkakalaban sila and so didn't she. Hinayaan niya itong manalo roon. Like she said, she doesn't care about anything at all, except for her reputation. She allowed everything to happen and finally Ciara now owned the crown. She's always the best in  everything pero hindi pa rin ito nakukuntento and she keeps on bugging Ezra. Hindi nito matanggap na ang kinahuhumalingan niyang lalake ay nagbigay ng attensyon kay Ezra. It was on their freshmen days when a guy approached her. Subalit kakatawag pa lamang nito ng pangalan niya ay sinupalpal na niya agad ito. She's not into boys. And there she saw how Ciara got hurt for the guy. Lalong nadagdagan ang galit nito sakanya.

Just a Bad DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon