Asaan kaya rito ang kwarto ng dalawa?
And now Ezra's wondering kung paano nila nahanap nang mabilis ang kwarto niya dati. If she's thinking right, they might have searched all the girls room until they found hers. And she's about to do it too right at this moment.
Hawak ang mga susing ibinigay ni Abbygail ay tinungo niya ang pinakamalapit sa kinaroroonang pinto. Hindi niya malaman kung kakatok ba siya o bubuksan na lamang ito. Paano kung iba ang nandoon. Ano ang irarason niya at napadpad siya rito?
Idinikit niya ang tenga sa may pintuan habang nakikiramdam sa loob. Siguro naman ay pamilyar pa sa kanya ang boses ng tatlo. Kahit isa lamang ang mahanap niya ay ok na.
Ang ibang lalaki ay nasa may living room pa. Lima silang narito sa boy's teritory, ibig sabihin ay kailangan niyang maiwasan ang dalawang hindi kabilang. Mas madali sana ang lahat kung hindi pinili ng tatlo ang magkulong sa kani-kanilang kwarto sa oras na ito. Natiyempo pa talagang kailangan na niya silang makausap.
Dapat sana ay kasama niya ngayon sina Lindsay at Ciara pero naisip niyang baka mas lalo lamang silang mahalata kung marami silang pupuslit sa boy's teritory. She's planning to tell about it to the guys first at sila na ang bahalang magsabi sa mga kasama pa nilang babae.
Inutusan siya ni Abbygail na kausapin silang lima. Kailangan daw nilang pumunta sa laboratory building mamayang madaling araw dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanila.Pagkatapos ng eksena sa waterfalls ay hindi kaagad siya nakagalaw sa kina- uupuan kahit na nagsi-alisan na lahat ng mga tao roon. Maging si Jairo ay tumayo na rin nang walang pasabi, as if nothing happened he's involved at. Habang nakatunganga siya roon ay siya namang pagsulpot ni Abbygail.
Kahapon pa siya humahanap ng tiyempo subalit nahihirapan siya dahil laging may nakadikit sa tatlo. Kung hindi ang mga lalaki ay ang mga babae namang nagtatanong ng kung ano-ano sa kanila.
Wala siyang narinig na kahit anong ingay sa loob. Nagpasya siyang buksan na lamang ito kaysa naman tumunganga siya sa labas at may makakita pa sa kanya. Baka mamaya ay mag-akyatan na ang lahat ng mga lalaki. Pikit-mata niya ipinihit ang siradura.
Bigla siyang napamulagat sa nakita. Parang anghel na nakatihaya ito sa kama. Kalahati ng katawan nito ang natatakpan ng puting kumot. Wala itong saplot pang-itaas kayat kitang- kita niya ang magandang hubog ng katawakan nito. Namumutok ang mga pandesal sa kanyang tiyan.
Bigla siyang natauhan nang gumalaw ang anghel este ang lalaking natutulog sa kama. Tinakpan niya ang bibig saka marahang isinara ang pinto. Seriously, she's fantasizing over some random guy's body? Bigla niyang inalog ang utak at pina-alalahanan ang sarili na hindi iyon ang pakay niya. Hindi siya dapat maapektuhan sa ganoong kawalang-kwentang bagay.
Wala sa sariling binuksan ang sumunod na pinto habang ang isip ay naglalakbay pa rin sa nakitang tanawin.
Wala siyang kamalay- malay sa lalaking nagpupunas ng buhok sa may tokador na ang tanging saplot lamang ay boxer shorts at halatang kagagaling lamang sa pagligo.
Bigla namang napatigil sa pagpupunas ng basang buhok si Viel nang mamataan ang babae malapit sa kanyang pintuan. Nagulat ito sa pagsulpot ng babae. Bigla siyang napapikit at nang muling idilat nang mga mata ay naroon pa rin ang babae sa kinatatayuan. He's not hallucinating. Naisipan niyang lapitan ang babaeng hanggang ngayo'y tulala pa rin. Isinara na rin niya ang pintuan upang walang makakita na narito ang babae.
"Hey! Ready?" Aniya habang iwinawagayway ang kamay sa mukha nito. He's trying to pull some act sa nakatatawang hitsura ng babae.
Lalo namang nanlaki ang mga mata ni Ezra nang sa wakas ay bumalik ang nawalang katinuan at makita sa harap ang isa pang lalaking halos wala nang saplot. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya mismo ang kanina'y saglit na nasulyapan sa may kama. Those glimmering abs. Err.
BINABASA MO ANG
Just a Bad Day
RomanceHow would you fit yourself in a world and of people you barely know? In which through out your life, you've created your own world, distances and walls against people. How would you deal living with them for a span of time hiding the real you? What...