One🔫

19 1 0
                                        

"Pinapatawag ka ni Boss"

Napalingon ako kay Cindy. Ang kanang kamay ng Boss naming si Fernan. Ewan ko lang kung anong nakita niya kay Cindy na ito eh mas malakas pa naman ako sa kanya. Palibhasa'y malandi.

Nakapa-meywang siya sa may pintuan. Halos lumuwa na 'yung dibdib niya. Halos lumabas 'yung kaluluwa dahil sa suot niyang hapit na hapit na walang kasing-iksi sa katawan. 'di naman dapat niya ipaglandakan sa'kin na siya na 'yung gifted!

Para siyang isang patay na bumangon galing sa hukay dahil sa sobrang puti ng mukha. Inubos yata 'yung harina ni Aling Nene na kapitbahay namin na may bakery. Ke'puti-puti ng mukha, ang itim naman ng leeg.

Hindi ako bitter ha. Pero talagang nakakatawa lang. Idagdag mo pa 'yung para siyang sinampal ng mailang beses ng demonyo dahil sa sobrang pula ng pisnge niya. Na-sobrahan yata ng paglagay niya ng asweti. Nakakatawa!

"Susunod ako"

Inantay ko munang sumara 'yung pinto. Tsaka ako tumawa ng tumawa. Nakakatawa talaga si Cindy. Maganda na naman siya, pero bakit ginagawa niyang katawa-tawa ang itsura niya. Haha

Lumabas na ako't pumunta na sa Boss naming si Fernan. Nakaupo siya sa paborito niyang upuan. Nakatalikod sa akin.

"Pinapatawag niyo daw po ako?"

Inikot niya ang upuan at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda mo talaga Marsya, pero ang tanga-tanga mo!"

Napaatras ako sa bigla niyang pagsigaw. Nakakatakot ang itsura niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinila niya ako pero gamit ang buhok ko. Nasasaktan ako.

"Ilang ulit ko bang sasabihing 'wag kang papalpak." Natumba ako dahil sa lakas ng impak ng sampal niya. Sinampal niya ako. Ang sakit-sakit.

"Bakit buhay pa 'yung Romualdez na 'yun ha?" Halos lumabas na 'yung mga mata niya dahil sa galit. Makikita mo ang mga ugat sa gilid ng mga mata niya.

Tumayo ako at yumuko. Pinipigilan kung umiiyak kahit gusto ko. Hindi dapat ako iiyak. Hindi niya dapat nakikitang mahina ako. Ayaw niyang may umiiyak. Mas lalo niya lang sasaktan pag 'ganon. Kahit na babae ka pa. Hindi dahilan ang pagiging babae.

"Sa pagkakaalam ko po Boss, napa-patay ko siya."

Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Fernan. Hinila na naman niya ako. This time, sinuntok na niya ako. Sinuntok niya ako sa tiyan.

Napaubo na ako ng dugo. Biglang bumukas 'yung pinto. Iniluwa doon si Alex. Dali-dali siyang pumunta palapit sa'kin.

"Ninong? Tama na po. Ako na pong bahala kay Marsya."

"Siguraduhin mong titino 'yang si Marsya, Alex!" Sigaw ni Fernan bago lumabas ng pintuan. Padabog niya pang isinara ito. Galit nga siya.

"Okay ka lang?"

"Minsan bobo ka! Syempre, hindi! May mas o-okay pa ba sa kalagayan kung 'to?"

Natawa naman siya sa pangbabara ko sa kanya. Itinayo niya ako at pinaupo sa malapit na upuan.

"Wala talagang magandang naidudulot ang pag-bogbog ni Ninong sa'yo. Mas lalo ka pang naging pilosopo." Palingo-lingo niyang sabi sa'kin

Hinampas ko siya sa may balikat. Pero syempre, mahina lang.

"Tingnan mo'to! Ang brutal mo talaga kahit minsan. Talaga bang babae ka Marsya?"

Natawa nalang ako sa kanya. Kung hindi lang siguro mabait 'tong si Alex, iisipin kung may gusto 'to sa akin. Sobra siya kung mag-alaga sa'kin. Siguro, inaalagaan niya ako dahil may pakinabang pa ako.

Pumunta siya sa drawer malapit sa may sink. Kinuha niya 'yung first-aid kit. Gaya ng dati, gagamutin niya na naman ako. Itong si Alex, masyadong pa-fall!

Ginamot niya sugat ko. Pina-inum niya rin ako ng gamot, nang hindi ko masyadong maramdaman ang sakit ng sugat ko. Pagkatapos niya akong gamutin, inihatid niya ako sa kwarto ko. Magpahinga daw muna ako.

Malaki ang head quarters namin. Kompleto na lahat dito. May kanya-kanya rin kaming kwarto dito at sa bawat kwarto may kanya-kanyang paliguan. Dito kami natutulog kung kina-bukasan ay may misyon kami.

Misyong pumatay ng inosenteng tao. Kung nakakasagabal sa plano ni Fernan, siguradong 'di na sisikatan ng araw. Kung demonyo ang tingin niyo sa'kin, may mas demonyo pa sa'kin. Si Fernan.

Walang alam ang mga magulang ko sa trabaho ko. Akala nila isa akong call center agent kaya palagi akong wala sa bahay pag-gabi. 'yun ang sabi kung trabaho sa kanila, para mapag-takpan ang tunay kung trabaho. Oo, nakokonsensya ako sa pagsisinungaling na ginagawa ko, pero para 'din naman sa kanila ang ginagawa ko.

Hindi ako masamang tao pero parang gan'on na rin. Ginagawa ko lang naman 'to dahil para sa maintenance ng pagpapagamot ni Mama. Buwan-buwan ay nag-papa dialysis siya sa sakit niya.

Alam kung mali ang ginagawa ko. At alam ko rin sa sarili ko na nasa katinuan ako sa tuwing may ginagawa ako. Nagpalamon ako masyado sa pera.

Graduate ako ng Criminology pero sa kasamaang palad, hindi ako nakapasa ng Exam. Limang ulit na akong nag-exam pero parang ang swerte-swerte ko talaga. Hindi siguro para sa'kin ang pag-pupulis. Hindi pa naman lampas sa kalendaryo ang edad ko, pero parang iba ang guhit ng palad ko.

I was down back then when I meet Alex. Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako o nagkataon lamang. Nasa hospital si Mama 'non. Ewan ko kung kanino niya nalaman. Pinahiram niya ako ng pera. Pero may kapalit. Wala na namang libre sa panahon ngayon. At first, nag-aalangan ako pero linunuk ko ang pride ko ng biglang nag-anunsyo ang doctor ni Mama na mag-sasagawa siya ng isang major operation para maisalba ang buhay ni Mama.

Tinanggap ko ang pera ni Alex upang madugtungan ang buhay ni Mama. Labag man sa loob ko pero ito lang ang tanging paraan na alam ko. Sumama ako kay Alex. Nagpatangay ako sa kanya. He trained me. Tinuruan niya ako sa mga bagay na hindi ko alam. Sabi niya sa'kin Legal ang trabaho niya. Naniwala ako. Nagpa-uto ako.

Nang nahasa na ako sa pag-gamit ng baril. Nang tumalas na ang pakiramdam ko sa paligid. Nag alam ko na kung ano ang gagawin, 'don niya lang sinabi sa'kin kung ano talaga ang trabaho niya.

"Guns for hire"

---
shekaii💋

Guns for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon