Lumabas ako ng head quarters ng walang nakakita at nakaka-alam. Sinadya kung madaling araw ang pag-alis ng hindi nila ako matunugan.
Tumakbo ako ng mabilis dala-dala ang isang pack bag. Laman nito ay mga importanteng gamit ko gaya ng baril, first aid kit, flashlight at iba pa. Basta importanteng gamit ng isang myembro ng sindikato. Hindi ko na dinala ang damit ko. Marami naman ako nun s bahay.
Malayo-layo pa sa highway ang head quarters namin. Kahit madilim pa ay hindi ako nadapa. Kabisado ko na ang buong gubat. Natakbo na ako na makailang ulit sa gubat na ito. Noong training ko.
Napahinto ako sa pagtakbo ng may sasakyang papalapit. Nagtago ako sa isa sa mga puno. Umakyat ako ng mabilis. Siguro dahil sa adrenaline rush ay nakaakyat agad ako.
Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Si Alex at si Fernan. Anong ginagawa nila sa oras na ito? Saan sila galing? Tiningnan ko ang wrist watch ko, pasado ala una palang.
Nang makalayo na ang sasakyan at tuluyan ng mawala sa aking paningin ay dahan-dahan na akong bumaba. Malapit na akong makababa ng aksidenteng nabali 'yung sangang kinakapitan ko. Bumagsak ako sa lupa.
Nasapo ko agad ang bewang ko. Ang sakit. "Kapag minalas ka naman oh"
Tumayo ako. Nang subukan kung lumakad, napaluhod ako dahil sa sobrang sakit ng paa ako. Nabali yata ang paa ko.
"Sobrang clumsy mo talaga Marsya. Paano ka makakalakad ng maayos niyan? Ugggh"
Kinuha ko 'yung flashlight at first aid kit sa bag ko. Minadali kung gamutin ang sarili ko. Kailangan kung makaalis sa lugar na ito. Pupuntahan ko pa ang pamilya ko. Kailangan naming makalayo dito.
Paika-ika akong naglakad sa gubat. Hindi ko nalang ininda ang sakit. Ang importante makaalis ako dito.
"At saan ka pupunta? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Napahawak ako sa buhok ko ng may biglang humila sa'kin. Si Fernan, paano niya ako nasundan ng hindi ko namamalayan?
"Bitawan mo ako Fernan! Nasasaktan ako."
"Masasaktan ka talaga 'pag magpumiglas ka pa." Tinulak niya ako ng malakas dahilan para masubsub ako sa damo.
"Hulihin niyo yan. At siguraduhin niyong, hindi na yan makakatakas!" Sigaw ni Fernan na umalingaw-ngaw sa buong gubat.
***
"Kumain ka!" Abot ni Joel ng pagkain sa'kin.Nakakulong ako sa isang rehas dito sa HQ. Puro sugat at pasa sa katawan ang natamo ko kay Fernan. Pagkarating namin dito kanina, halos patayin na niya ako. Sa sobrang galit niya. Mabuti nalang at pinigilan siya ni Alex.
Si Alex ang naging taga-pagtanggol ko sa oras ng gaya nito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.
"Ayaw kung kumain."
Tinabig ko ang platong inabot ni Joel sa'kin. Halos manlisik ang mata niya ng matapun ang pagkain sa damit niya. Sasampalin na niya sana ako ng biglang dumating si Nicole. Ang isa at huling babae sa sindikatong ito.
"Subukan mong sampalin si Marsya at hindi ako mag-aatubiling paputukan yang bungo mo."
Mapang-hamon pero kalmado parin ang postura ni Nicole. Siya ang naging leader ng grupong kinabibilangan ni Joel. Samantalang, si Alex naman ang sa'min.
Nahahati kami sa dalawang grupo, una ang grupo ni Alex, pangalawa ang kila Nicole. Sa grupo namin ang ginagawa namin ay pumapatay ng mga malalaking tao. Gaya ng taong nasa posisyon. Halimbawa, congressman.
Sa grupo naman nila Nicole ay ang target nito ang pamilya o nasasakupan ng pinapapatay ni Fernan. Mas delikado pa'rin ang sa'min dahil kami mismo ang humuhukay sa sarili naming lamay.
BINABASA MO ANG
Guns for Hire
RandomGusto ko mang maniwala sa'yo pero hindi ko magawa. Sarili ko nga, hindi ko mapag-katiwalaan. Ikaw pa kayang hindi ko pa kilalang lubusan? - Marsya Samonte Date started: August 2019 Date ended: - Status: On HOLD Genre: Action-Romance Mature content ✔...