"Inuulit ko, Marsya. Sa oras na matunugan ka nila, wala na akong magagawa pa. Hangga't maaari, lumayo ka. Ako ng bahalang umaliw sa kanila. Siguraduhin mong hindi ka nila mahahanap, dahil pag nahanap ka nila. Katapusan mo na."
Napatingin ako kay Mang Sandro. Puno ng pagtataka at pagduda. Nagsalita siya ulit.
"Ayaw ko nang makita pa ang pagmu-mukha mo, Marsya."
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Mang Sandro. Halos mabingi ako dahil sa narinig kung isang malakas na putok galing sa hawak niyang baril na nakatutok sa'kin.
Parang nag-slow motion lahat. Nakita ko ang papalapit na bala ng baril sa'kin. Ito na ba 'yun? Ito na ba ang katapusan ko?
"Magaling, Sandro."
Narinig ko ang boses ni, Alex bago ako mawalan ng malay.
***
"Bili na! Bili na kayo mga suki!."Nagising ako sa isang napa-kaingay na lugar. Dahan-dahan kung ibinuka ang aking mga mata. Hindi pamilyar sa'kin ang paligid. Ibang-iba sa'king pinagmulan.
"Ilan sa'yo, suki?"
Isang Ali na panay ang kaway sa harap ng isang babae. Nakabitbit ito ng isang maliit na basket sa kanyang braso.
"Aray!"
Bigla nalang ako nakaramdam ng pananakit sa may balikat. Kumirkirot na parang may tumutusok.
"Naku, Ineng! 'Hwag ka munang bumangon. Haru jusko, dumu-dugo yaong sugat mo."
Tila nag-panic ang Ali habang may hinahanap sa kanyang harapan.
"Eric, anak! Kumuha ka ng dahon ng hilba. Bilisan mo. Gising na si Nene. Dumu-dugo 'yung sugat niya."
Biglang sulpot naman ng isang lalaking 'di kakisigan pero sakto lang ang taas neto.
"Opo, Inay! Saglit at babalik ako agad."
Tumahimik ang kaninang maingay na paligid. Parang nabingi ako sa sobrang tahimik. Unti-unti kung nararamdaman ang pag-hihili. Na-aantok ako.
"Ineng, kumapit ka. 'Hwag kang bibitaw. May awa ang panginoong diyos." Narinig ko pa ang sabi ng Ali, bago ko naipikit ang mata.
***
"Gising kana pala, Ate."Biglang bumukas ang pintuan dito sa kinahihigaan ko. Sampung minuto na ang nakalipas ng magising ako. Kahit pilitin ko mang gumalaw, hindi ko naman maigalaw ng maayos dahil sumasakit lalo 'pag ipinilit ko.
"Nasaan ako?"
Kumurap-kurap ang batang nasa harap ko bago tumakbo palabas. Nakakatakot ba ang hitsura ko?
"Ineng, kumusta ang pakiramdam mo?"
"Nasaan ako?"
Inulit ko ang tanong ko kanina sa bata. Hindi ko man lang binigyang pansin ang tanong niya sa'kin. Bagkos, sinagot ko siya ng tanong din.
"Nasa Sta. Barbara ka, Ineng. Nakita ka ng anak kung si Eric sa may dalampasigan. Ano bang nangyari, Ineng? Puro sugat ka daw ng makita ka ni, Eric."
Umiwas ako ng tingin. Masyadong presko pa para sa'kin ang nangyari.
"Naiintindihan ko, Ineng. Siguro, hindi ka pa handa. Nga pala, may dala akong sopas para sa'yo. Kainin mo habang mainit pa ito."
Tiningnan ko ang sopas na inilapag niya sa may mesa. Nagutom ako bigla. Nakakatakam ang amoy nito.
"Salamat po."
Tumango lamang ito at aktong aalis na. "Sandali lang po."
"Bakit Ineng? May kailangan ka?"
Tumikhim mo na ako bago magsalita, "Anong araw na po ngayon?" Ngumiti siya sa'kin bago tinungo ang kalendaryong naka-sabit sa may likuran ng pintuan.
"Ano ngang araw ngayon?" Kinakamot-kamot niya ang ulo niya habang tinuturo ang kalendaryo.
"Sabado ngayon, Ineng. Tama, Julyo 25 ngayon."
Lumaki bigla ang mata ko.
"Ibig po bang sabihin, tatlong buwan na niyo akong natagpuan sa dalampasigan?"
Alanganing tumango ang Ali. I sighed in disbelief. Paano nangyaring antagal ko atang natulog?
Umalis na ang Ali. Isinarado niya ang pintuan. Kinain ko na agad ang sopas. Siguro, dapat na mag-palakas ako. Masyadong matagal na akong nagpapahinga. Siguro, nag-aalala na ang pamilya ko sa'kin. Kumusta na kaya sila Inay? Sana nasa mabuti silang kalagayan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tiningnan ko ang orasan na nakapaskil sa loob ng kwartong tinu-tulugan ko.
Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang naglakad. Hindi pa-rin ako fully recovered. Nakakaramdam pa-rin ako ng kunting kirot sa balikat.
"Ang aga mo naman atang nagising, Ineng?"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng Ali sa harap ko.
"Naiihi po kasi ako. Saan po ba 'yung banyo niyo po?"
Ngumiti siya sa'kin. Itinuro niya kung nasaan ang banyo. Sinamahan niya pa ako. Medyo nahihiya at naiilang ako kasi sila ang tumolong sa'kin pero 'di ko naman sila ka-ano-ano.
"Ako si Aling Sentya, Ineng. 'Yung bata kahapon, 'yun si Totoy. Ang panganay ko namang anakay si Eric. Dalawa lang sila dahil namatay si Erika na kambal ni Eric sa isang aksidente."
Ngumiti siya sa'kin. Parang sinasabi niya bang, okay lang ako. "Ahmm. Sorry po sa nangyari sa anak niyo. Ako po si Ma--"
Napatigil ako. Dapat ko bang sabihin ang tunay kong pangalan?
"Ma? Ma ang pangalan mo, Ineng?"
"Ayy hindi po. Yun po 'yung tawag nila sa'kin. Maria po kasi ang pangalan ko."
Pinag-krus ko ang daliri ko sa kamay ko na nasa likod. Pasensya na po Aling Sentya kung nag-sinungaling ako. Pero, kailangan.
"Ahh. Ganon pala. Kumusta kana pala Maria?"
Naninibago ako sa pag-tawag niya. "Ahm. Okay na po ako." Minsan tinatawag niya ako, dahil bakit 'di daw ako sumasagot pag tina-tanong niya ako. Ang dahilan ko lang, 'di ko masyadong narinig.
Sinusubukan kung kilalanin si Aling Sentya kung mapag-kakatiwalaan ba. Pero, wala namang kaduda-duda.
"Nasaan po ang Mister niyo, Aling Sentya?"
Tumigil siya sa pagsasandok ng kanin at tumingin sa'kin.
"Ahh. Si Sandro? Matagal na siyang patay, Maria. Na-aksidente sa trabaho niya. Isa kasi siyang contractor sa bayan."
Napatingin ako ng mabuti kay Aling Sentya, hindi naman siya mukhang nagbibiro.
"SANDRO VASQUEZ po ba ang tunay na pangalan ng asawa nyo?"
Umawang ang labi niya habang nakatingin pa-rin sa'kin.
"Paano mo nalaman, Maria? Kilala mo ba ang asaw ko?"
Natutup niya ang kanyang bibig at mistulang parang gripo ang umagos sa mga mata niya.
"Naku! Pasensya na po Aling Sentya. Hindi ko po kilala ang asaw niyo. Nagkataon lang po na nabasa ko sa dyaryo ang pangalan niya."
Hinimas-himas ko ang likod niya. Kailang ulit na ba ako nag-sinungaling ngayong araw?
"Akala ko kasi, anak ka sa labas ng asawa ko dahil kilala mo siya. Pasensya kana Ineng. Sa Hormones lang 'to. Alam mo na, menopausal stage na ako."
Napatawa ako dahil sa sinabi ni Aling Sentya. Pinahiran na rin niya ang luha niya. Hindi ko akalain na pamilya pa pala ni Mang Sandro ang makaka-kupkop sa'kin. Siguro, plinano niya lahat ng 'to. Sana mali ang iniisip ko. Sana lang.
--
shekaii💋
BINABASA MO ANG
Guns for Hire
عشوائيGusto ko mang maniwala sa'yo pero hindi ko magawa. Sarili ko nga, hindi ko mapag-katiwalaan. Ikaw pa kayang hindi ko pa kilalang lubusan? - Marsya Samonte Date started: August 2019 Date ended: - Status: On HOLD Genre: Action-Romance Mature content ✔...