Two 🔫

6 0 0
                                    

"Dalian mo Marsya. Hindi mo ikinaganda ang pagiging mabagal."

Kailang ulit ko nang linibot ang buong oval. Masyadong mataas na ang araw. Ang sarap ng kalmutin sa mukha netong si Cindy. Siya kaya 'yung tumakbo dito ng paulit-ulit? Hindi 'yung salita ng salita lang siya eh wala namang ginagawa? Porke't haliparut, dikit ng dikit kay Fernan.

"Tama na 'yan. Good to see you improving Marsya. Magpahinga ka muna."

Tinapik ni Alex ang magkabilang balikat ko. Tinanguan ko lang siya. Inabutan niya naman ako ng isang bote ng tubig. Nakaka-duda talaga ang kinikilos mo, Alex!

Sumulyap naman ako kay Cindy. Ayon, 'di na maipaliwanag itsura ng mukha niya. Haha . Walang epekto kay Alex ang pag-papa cute niya. Umirap pa siya sa'kin. Sabihin ko kaya kay Fernan ang pag-tataksil ni Cindy sa kanya? Haha. H'wag nalang! 'di naman ako kagaya niyang sip-sip masyado.

Umalis na ako ng Oval. Masyadong mainit. Pinagpagan ko muna ang sarili ko. Maalikabok. Siguro, maliligo ako ng bonggang-bongga mamaya.

"Marsya?" Si Joel. Kasabayan ko sa pagpasok sa sindikato. Siya, hindi nabilog ang ulo na gaya ko. Kagustuhan niya talagang makapasok sa sindikatong ito. Sabi niya pa sa'kin na matagal na niya talagang maka-pasok sa ganitong klase ng trabaho. Samantalang ako ay napilitan lamang. I have no choice naman, ako lang ang sumsuporta sa pangangailangan ng pamilya ko.

"Bakit? May kailangan ka Joel?" Patuloy parin akong naglalakad. Sumunod naman si Joel sa'kin. Hindi alintana ang tirik na araw.

"Tatlong taon na Marsya simula ng mapasok tayo dito. Anong plano mo?"

Napatigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya ng maka-buluhan. "Walang plano Joel! Ayaw kung mapahamak ang pamilya ko. Gusto ko pang mabuhay."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. This time, mas binilisan ko na. Hindi ko na hinintay pa si Joel.  Nang makahuma si Joel, humabol siya sa paglalakad sa'kin.

"Alam ko na alam mo Marsya. Kahit magtagal man tayo dito'y isusunod parin nila tayo kay Ken."

Nagulat ako. Pero hindi ko pinahalata sa kanya. Paano niya nalamang sila ang pumatay kay Ken? Hindi ko naman sinabi sa kanya ang nalalaman ko.

"Oo, alam ko Marsya." Magkasabay na kaming naglalakad ni Joel. Palinga-linga siya aa paligid bago siya magsalita ulit.

"Narinig ko si Fernan at Cindy kahapon nag-uusap malapit sa banyo." Napahinto ako't hinila ko si Joel palapit sa'kin at hinalikan sa labi ng makita kung parating si Cindy. Hindi ko iginalaw ang labi at gayon din ang ginawa ni Joel. Magkalapat lang ang mga labi namin.

Medyo nagulat pa nga siya. Pero alam kung naintindihan niya agad ang ginawa ko.

"So, kayo na pala? Alam niyo na mang bawal ang syota dito hindi ba?"

Mapang-uyam na tugon ni Cindy sa'min. Habang diring-diri siyang naka-tingin sa'min.

Inilayo ko na ang labi ko kay Joel. "Walang kami Cindy! 'wag kang masyadong malisyoso. Gusto ko lang malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Joel sa'kin."

Tumaas ang kilay ni Cindy na nakatingin sa'kin. Naghihintay sa sasabihin ko. Habang lumaki naman ang mata ni Joel. "Na titigilan na niya ang kakasunod sa'kin. Kapag hahalikan ko siya."

Umalis na ako. Pero bago paman ako makapasok sa head quarters ay liningon ko si Joel. Sininyasan kung 'dun kami sa kwarto ko mag-usap. Tumango na naman siya bilang sagot.

***

"Ipapatay niya daw tayo. Syempre, pagkatapos na ng misyon."

Napasuntok ako sa side table ko. Mga walang hiya sila. Tiningnan ko ang masaganang dugong umagosa sa kamay ko.

"Bago nila ako mapatay, papatayin ko muna sila"

Nang-gagalaiti kong sigaw. Hindi ako natatakot sumigaw dahil hindi naman maririnig ang boses namin sa labas. Hinawakan ako ni Joel sa magkabilang balikat. Medyo kumalma ako sa ginawa niya.

"Kumalma ka. Hindi ito ang tamang panahon na ipa-ibabaw ang init ng ulo. Mag-plano tayo Marsya." Itinuro niya ang kama, at umupo doon. Tumabi ako sa kanya.

Umalis na si Joel pagkatapos naming mag-usap. Nagplano kami gaya ng sabi niya. Labag man sa kalooban ko ang magtiwala, pero naniwala ako sa kanya. Wala namang kahina-hinala sa kanya. Wala din naman sigurong masama kung pagkaka-tiwalaan ko siya. Kahit ngayon lang.

Patungo akong garden upang makapag-isip-isip ng mabuti ng may makita akong dalawang anino ng tao. Lumapit ako doon sa may anino, nagtago ako sa likod ng puno. Hindi nila ako mapapansin dahil medyo lumalalim na rin ang gabi. Tanging ang buwan nalang ang nag-bibigay ng liwanag sa daan.

Hindi ko maaninag ang mukha dahil madilim na pero kilala ko ang boses ng dalawang taong nag-uusap sa di kalayuan.

"Oo, napaniwala ko siyang kakampi niya ako. Nakakatawa nga siya. Tatlong taon na siya sa sindekato pero hindi niya parin alam ang utak ng mga tao. Talagang susunod siya kay Ken. Sa kaibigan niyang lampa."

"Kay daling utuin ng babaeng 'yun. Hahaha"

Si Joel at Cindy. Walang hiya ka Joel. Traydor ka.

"H'wag kang mag-alala Cindy, ako ang papatay kay Marsya upang wala ng maging hadlang sa plano natin. Gagawin ko ang pagpatay sa kanya gaya ng pagpaslang ko sa kaibigan niyang si Ken."

Tumawa siya na parang demonyo. Ganon din ang ginawa ni Cindy.

Natutop ko ang sariling bibig. Hayop ka Joel. Ikaw pala ang pumatay kay Ken, hindi! Kayo pala ni Cindy ang may pakana ng lahat ng 'to. Humanda ka Joel. pagbabayaran mo ang lahat. pagbabayaran mo ang pagpatay kay Ken.

Umalis na ako sa pinagtataguan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masugod ko silang dalawa. Kailangan kung mag-plano.
Hindi pweding magpadalos-dalos. Hindi pu-pweding magpadala sa init ng ulo. Dapat pag-isipan ng mabuti ang gagawin.

Bago ko tuluyang nilisan ang lugar, lumingon muna ako sa pwesto nilang dalawa. Mga haliparot. Nag-hahalikan na para bang wala ng bukas. Nakaka-diri silang dalawa. Pero bagay na bagay sila. Mga ahas.

Pag-sisihan niyong pinatagal niyo pa ang pag-patay sa akin. Pag-babayaran niyo ang pagpatay sa kaibigan ko. Kay Ken. At ipina-pangako kung, bago ako ay kayo muna ang mauuna.

---
shekaii💋

Guns for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon