Seven 🔫

5 0 0
                                    

"Dalian mo! Bwesit!"

Tumunog ang pintuan. Alam kung may papasok at ayaw ko nang lumingon dahil alam kung sino ito. Wala narin akong sapat na lakas pa. Kahit hindi na naka-gapos ang katawan ko'y para paring nakagapos ito.

Mga yapak na papunta sa pwesto ko. Mga hayuk! Talipandas at walang kwentang tao. Kahit na nagpupuyos ang aking damdamin sa labis na galit ay wala parin akong magawa. Mamamatay ako, oo, darating ako sa ganyang punto pero hindi ngayon. Hindi pa! Gusto kung mabigyang hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko.

"Oh God!"

Anong drama na naman ba?

"Marsya? Are you okay?"

Pssh. Bobo ka rin noh? I rolled my eyes. Hindi ko pa-rin nilingon ang taong nasa likuran ko. Unti-unti akong umangat. I know. Hindi pa man din manhid ang pakiramdam ko.

"How are you feeling?"

Tila may sariling isip ang ulo ko't automatikong tiningnan ang taong bumuhat sa-kin. Mapait akong napangisi.

"Kayo rin ba? Kasabwat?"

Lumingo-lingo siya. Pa'ti na rin ang kasama niya ng tingnan ko sila isa-isa. A full of bullshit! I don't believe you. I want to say it. Pero walang kahit na anong salita ang namutawi sa'king bibig. Parang na pepe ako.

"So sorry, Marsya. Kung binantayan ka lang sana namin ng mabuti. Hindi ka sana nila mahuhuli."

Puno ng sinseridad niyang sabi habang nakatingin sa-kin. Unti-unti akong iniupo ng lalaking kumarga sa'kin.

"Aling Sentya."

Mas lalong nag-alala ang mukha niya ng tawagin ko siya. Tumulo rin ang luha niya sa mata. Is this for real o kalakip ang pag-papanggap?

"E-eric!"

"Hush now, Marsya. I know that you are tired. You better take rest and eat this food."

Hindi ko namalayan na may dala pala siyang pagkain. Nadala nga siguro ako sa emosyon ko kaya't hindi ko man lang namalayan.

Days, jump in so fast. Eric and Aling Sentya, helped me to regain my energy. Pabalik-balik sila sa kulungan ko at dadalhan ng pagkain at maiinum. At first, tinataboy ko sila. Pero sumuko na rin ako dahil hindi sila nagpapatinag. And I know, somehow they are not pretending. Ginamot din ni Eric ang mga natamo kung sugat sa kamay ng pang-aalipusta nila Joel at Cindy. Kitang-kita ko rin kung paano kumuyom ang mga kamao ni Eric at galit sa mga mata ni Aling Sentya ng malaman nila kung sino ang nanakit sa-kin. I felt home for a mean time. Nakalimutan kung hindi dapat ako basta-basta nagtitiwala.

"To tell you honestly, Marsya. I am Lyndon, Eric is just an alliby. I am right hand of Alex. Alam kung hirap paniwalaan pero, isa lang ang hangarin namin. Ang pabagsakin si Fernan."

Napatingin ako sa kanyang mga mata. Seryoso niya rin akong tiningnan pabalik. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, kung totoo nga bang nagsasabi siya ng totoo?

"Bakit mo 'to sinasabi sa'kin?"

Tumayo siya't tinungo ang pintuan ng aking kulungan. Bago pa man siya lumabas ay may sinabi siya.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon, Marsya!"

Umalingaw-ngaw ang pagsarado niya sa pintuan. He left me dumbfounded. Naguguluhan ako. Ano ka nga ba Alex? Anong sekreto niyo ni Lyndon.

"Sana, hindi mo nalang sinabi."

-

Walang Cindy. Walang Joel. Walang Fernan. Walang Eric-Lyndon. Walang Aling Sentya. Walang ni isang tao akong nakikita sa kulunang ito maliban sa akin. Naging tahimik ang isang linggo kung pamamalagi. Walang nanakit, walang bumubulyaw, walang nanghahampas at nanampal. Walang masasakit na salita. Tanging pagkain na masasarap at inumin ang inihahatid palagi. May additional dessert pa. Talagang, may taning na ang buhay ko dahil inaalagaan na ako.

Bumukas ang pintuan ng rehas na ito kasabay ng pagluwa ni Fernan. Ang taong kinasusuklaman ko. Lumapit siya sa akin na may matalim na tingin. Nakakuyom lang ang kamao ko, gusto ko siyang sugurin at suntukin. This is a bullshit!

"Kumusta ang buhay Prinsesa sa rehas na ito?"

Marahan siyang umupo sa tabi ko at inilagay sa likod ng tainga ko ang mga buhok na tumakas at napunta sa mukha ko. Mataman akong tiningnan na parang nanabik. Napasunod ang tingin ko sa labi niyang dinidilaan ito.

"Kung sana'y pumayag ka lang, Marsya na maging akin noon... Hindi mo sana dinanas ang hirap sa apat na sulok na ito."

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang daliri nito. Hinahaplos-haplos na parang isang mamahaling bagay na may interest sa kanya. Unti-unting bumaba ang daliri niya sa labi ko, pababa sa leeg ko.

"It's now or never, Marsya. Be mine."

Walang pasabi ay siniil niya ako ng halik. Napasinghap ako't mas lalong dumiin ang pagka-kuyom ng kamao ko. Tinangka kung itulak siya pero mas malakas siya kesa sa'kin. Mas lalo niya lang idiin ang halik at napahiga ako dahil sa pwersa niya. Kitang-kita sa alab niyang mga mata ang pagiging uhaw sa'king labi. Naging mas mapusom ang kanyang halik.

Tumakas ang kanina pang nagbabadyang luha sa'king mata. Ang kaninang mapusok ay unti-unting naging mahinahon. Ang mga kamay niya ay unti-unting gumalaw kahit saan parte ng aking katawan. I gasped for an air. Naging isang hudyat upang tuhurin ko ang kanyang Precious balls.

Sumisigaw na namimilipit sa sakit si Fernan habang hawak-hawak ang kanyang ginintoang pag-aari. I get the chance and punch him in his face and kick his ass too.

"Hayop ka Fernan! Wala kang kasing-sama."

Kitang-kita ko ang lumiliyab niyang galit. Wala na akong takot dahil sa nagpupuyos kung damdamin.

Nagkaroon ng komosyon sa labas at unti-unting pumasok ang mga alagad ni Fernan.

"What have you done?"

Nanlilisik na sigaw ni Joel at aktong sasampalin ako.

"H'wag, Joel. She's milady after all."

Tumayong kalmado si Fernan at parang wala lang nangyari. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa palapit sa kanya. Hinagkan ang aking kamay sabay ng pagsakal sa'king leeg.

"Don't mess up with me, Marsya. Even if your Milady, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka.!"

Sigaw niya habang mas lalong hinigpitan ang pagsakal sa akin.
Binitawan niya na ako ng makitang nawawalan na ako ng hininga at itinulak.

"Walang mananakit sa kanya. Igapos yan at siguraduhing hindi makakatakas."

Kumaripos sa paghawak sa akin ang dalawang alalay ni Fernan at binitbit ako sa isang silid. Malayong-malayo sa rehas na aking pinapahingahan. Isang malaking silid ang bumungad sakin. Magagarang kagamitan at malaking kama. Itinulak ako sa loob at ikinandado sa labas.

Sana'y pinatay niyo nalang ako.

---
shekaii💋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guns for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon