Five 🔫

9 0 0
                                    

"Ate Maria, tawag ka po ni Inay."

Isang buwan na ang lumipas simula 'nung magka-malay ako. Wala akong ibang pinag-kaabalahan kundi ang gumawa ng matinding plano kung papano pababagsakin ang kampo ni Fernan.

"Susunod ako, totoy! Sabihin mo kay Aling Sentya."

Bumalik na ang lakas ko. Alam na rin nila Aling Sentya ang nangyari sa'kin. Pero hindi lahat ng ikunuwento ko ay totoo.

"May humahabol po sa'kin Aling Sentya. Hindi ko po matandaan kung ano ang itsura nila. Siguro, kaya nila ako hinahabol dahil sa naging utang ng tatay ko na hanggang ngayon ay 'di pa nababayaran."

Isang napa-kalaking kasinungalingan. Sana mapatawad nila ako, 'pag nagka-taong malaman nila ang tunay kung pagkatao.

"Tawag niyo daw po ako, Aling Sentya?"

"Aba'y oo, Maria. Maaari mo ba akong samahan sa palengke kung okay lamang sa iyo?"

Napangiti ako sa kanya. Naa-alala ko ang tagpung ito. Minsan inanyayahan ako ni Inay na sumama sa kanya sa palengke, ng maturuan niya ako kung paano humingi ng tawad sa mga tindera sa palengke.

"Baka naman pu-pweding bente nalang 'to Aling Mauricia? Parang bago pa sa inyo, eh matagal na kung suki niyo. Araw-araw pa nga ako bumibili dito. Sige na."

Natawa ako sa naiisip ko. Kasalukuyan kaming sumasakay ng motor ni Aling Sentya, habang si Eric naman ang nagmamaneho.

Ewan ko lang, 'di ko palaging nakikita si Eric sa bahay. Ano kaya ang trabaho niya?

"Andito na tayo, Nay. Dito lang po ako mag-iintay sa inyo. H'wag po kayong magtagal sa loob."

Umalis na kami agad ni Aling Sentya. Tinungo agad namin ang meat section.

Marami-rami rin ang bumibili. Hindi ako mapakali, baka kasi may maka-kita sa'king kasamahan ko sa sindikato at matuluyan ako.

"Maria?"

"Po?"

"Pasuyo naman. Maaari mo bang kunin 'yung isang bayong naka'y Eric. Nakalimutan ko kasing bit-bitin kanina."

Tumango lang ako't umalis na. Hindi ko kabisado ang daan papuntang parking lot kung saan naka-park si Eric. Pilit kung tinatandaan ang bawat nadadaanan. Baka maligaw ako.

Insakto namang nakita si Eric sa 'di kalayuan na nakahawak ng telepono. Kumukunot ang noo niya habang mayka-usap sa kabilang linya.

I know evesdropping is not good, pero iba ang kutob ko dito. Pumanhik ako papunta sa kanya at sinisuguradong hindi niya ako namamalayan.

Nagtago ako sa likod ng kotse na naka-parada.

"Opo, boss. Maayos naman ang kalagayan niya. Opo. Bumalik na ang lakas niya. Sige po, boss Alex."

Napa-atras ako ng wala sa oras. Hindi ko namalayan na nasagi ko pala ang side mirror ng kotse dahilan upang tumunog ang alarm nito.

Agad na napalingon si Eric. Halatang hina-hanap niya kung sino ang nakasagi ng sasakyan.

Dali-dali akong lumuhod at dumapa. Pinipilit na isik-sik ang sarili sa ilalim ng kotse.

Nanlalamig ang buong katawan ko. Ramdam ko rin ang pawis na tumulo sa'kin noo. Kitang-kita ko ang paa na naka-tsinelas na si Eric. Pabalik-balik siya sa dinadaanan niya.

"Eric?"

Si Aling Sentya. Siya ang tumawag kay Eric.

"Nakita mo si, Marsya?"

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman ang tunay kung pangalan?

"Hindi Sentya! Kani-kanina lang tumunog ang alarm ng sasakyan habang kausap ko si, Alex."

Tumahimik bigla, "Ano ka ba naman, Eric! Hindi ka nag-iingat. Baka nakatunog na si, Marsya sa'tin. At ang masaklap pa ay, baka narinig niya ang pinag-uusapan niyo ni Alex."

Magkakasama sila. Paanong hindi ko agad namalayan?

"Kailangan nating mahanap agad si, Marsya. Dahil kung hindi, malilintikan tayo neto kay Alex. Sa atin pa naman 'yun ipinag-katiwala."

Umalis sila na natakbo. Narinig ko ang pag-andar ng motor habang unti-unti itong lumayo. Hanggang sa hindi ko na makita.

Dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kotse, mabuti nalang at hindi pa dumadating ang may-ari.

Lakad-takbo lang ang ginawa ko. Palinga-linga ako sa daan. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Masyadong malayo sa lugar kung saan ako galing.

Pinapara ko ang bawat sasakyang dumadaan, pero humaharorot lamang ito. Paano ako makaka-puntang syudad neto?

"H'wag kang kumilos ng masama kung ayaw mong masaktan."

Nanayo ang balahibo ko. Sa kalagitnaan ng daan, may isang mapangahas na lalaki ang tumutok ng baril sa'king leeg.

Hindi ako naka-galaw agad. Tinakpan niya ang bibig ko at hinila sa isang sulok. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Humahanap ako ng tamang syempo para makapan-laban ako sa kanya.

"Subukan mong gumalaw, at puputok ang baril na'to."

Tumulo ang malagkit kung pawis sa noo. Kinuha na niya ang pagka-katakip sa king bibig.

"Subukan mong sumigaw at pag-lalamayan ka."

Hinayaan ko siya sa ginawa niya. Gaya nga ng sabi niya, hindi ako gumalaw o sumigaw man lang. Kinap-kapan niya ang bulsa ko habang nakatutuk pa-rin ang baril sa'king leeg.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ko. Ipinasok ang kanang kamay sa damit ko. Hinawakan niya ang dibdib ko at dahan-dahang pinisil ito. Pumikit ako.

Hayop kang putang-ina. Nakita ko ang pag-tulo ng laway niya. Takam na takam sa ginagawa niyang panghihipo sa pwet ko. Hindi pa-rin ako umimik. Tinulak niya ako't nadapa ako.

"Hubad!"

Sigaw niya, habang nagtatalsikan ang laway niya. Halatang nakainom siya dahil sa amoy niyang alak. Pula ang kanyang mga mata.

"O-opo. Maghuhubad ako."

Sabi ko. Kunwari natatakot ako. Napangisi siya. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at sakto namang tinatanggal niya ang butones ng pantalon niya. Napangisi ako. Wrong move boy.

Hinagis ko sa ulo niya ang batong nakapa ko kanina lang. Nabitawan niya ang baril niya. Mas lalong lumapad ang ngisi ko. Dehado kana ngayon.

"Fuck you. Gusto mo patiwarik?"

Sabi ko sa kanya at dali-daling tumayo. Sinipa ko ang golden balls niya. Na ngayon ay basag na. Hinding-hindi na makaka-hulma ng kahit anong supling dahil ubos na ang semelya niya.

Pinulot ko ang baril niya at itinuon sa kanya.

"Paano kaya kung tapusin na kita ngayon?"

Lumaki bigla ang mata niya. Kaninang mabangis na mukha niya ay naging parang uhuging aso sa sobrang amo neto. Kinalabit ko ang baril at mas lalo akong napa-ngisi dahil rehistrado sa mukha niya ang labis na takot.

"Booom"

Sigaw ko. Pumikit siya. Natawa ako dahil dun. Hinampas ko ng napaka-lakas sa kanya ang baril na hawak ko. Nawalan naman agad ito ng malay.

"Mahina ka pala boy.!"

Itinapon ko sa mukha niya ang dala niyang baril at pinag-pagan ang aking sarili. Nakakatawa. Piliin niya dapat sana ang bibiktimahin niya.

Mabuti nalang at mabait ako ngayon. Tanging bayag niya lang ang pinagdiskitahan ko. Hindi 'yung buhay niya.

"Gago ka boy!"

Umalis na ako at dinurahan mo na siya bago ako tuluyang tumalikod. Nasayang ang oras ko sa'yong, punyeta ka!

---
shekaii💋

Guns for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon