⚠ Warning ⚠
*Night when Yoongi called Jimin*
Mula sa bote ng alak ay nalipat ang tingin ni Yoongi sa kaniyang cellphone.
"Hyung, you must call him," sabi ni Jungkook sa kaniyang tabi.
Tama, magkasama sila. Kauuwi lang ni Jungkook kasama ang kaniyang fiancee na American native. Nagkita sila ni Yoongi para makapag-bonding saglit.
Hindi na siya nagdalawang isip na idial ang number ni Jimin. He was worried, katatapos lang nilang mag-away noong nakaraang gabi. Nabasa niya rin ang diary nito.
Sa totoo lang ay lagi naman niyang nababasa ang mga sinusulat nito sa diary niya. Gabi-gabi naman talaga siyang umuuwi upang i-check ito. Hindi siya mapakali kapag alam niyang mag-isa si Jimin lalo na sa gabi. Alam niya ang takbo ng isip nito at kahit anong oras na maisipan nitong magpakamatay ay gagawin talaga nito.
Hindi totoong wala na siyang pakialam kay Jimin, hindi totoong pinababayaan niya ito. Gumagawa pa rin siya ng paraan sa mga bagay na hindi makakahalata si Jimin. Katulad na lang ng pagbibigay ng mga pagkain kay Jimin kung minsan, sa totoo lang ay kay Yoongi iyon galing.
Ang tanging totoo lang sa lahat ng mga sinulat ni Jimin ay ang hindi niya mahal ito. Hindi naman kasi talaga, oo inaamin niyang galit siya dito at sinisisi niya ito sa lahat pero hindi niya maiwasang mag-alala para sa binata.
Coz caring doesn't require love.
Matapos niyang ibaba ang tawag ay napatingin siya kay Jungkook at sa fiancee nito na nagtanong kung hindi raw ba matutulog si Jungkook sa kwarto ngayong gabi.
"Sorry, we'll drink all the soju tonight. C'mon, you sleep now. Goodnight." Jungkook told his fiancee.
Ngumiti naman ang babae sa kaniya bago tumingin kay Yoongi, "alright! Enjoy your stay here, Mr. Min. Feel at home, goodnight to you two." Sabi nito bago mabilisang humalik sa pisngi ni Jungkook at umalis.
Maraming pinagkwentuhan ang dalawa habang pilit na inuubos ang napakaraming laman ng bote ng soju.
Nagising na lamang si Yoongi sa alarm, nagmadali siyang umalis nang maalalang mayroon nga pala siyang meeting sa kanilang lawyer ngayong araw.
Tungkol sa annulment.
Samantala, habang nag-lilinis ng kalat ang fiancee ni Jungkook ay nakita niya ang naiwang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Nagvibrate ito kaya naman kinuha ito ng babae at tinignan.
Napatili ito sa nakita na siyang naging dahilan ng paglabas ni Jungkook sa banyo na katatapos lamang maligo.
"What's wrong?" He worriedly asked.
Dali-dali namang iniabot sa kaniya ng babae ang cellphone, it was a picture sent by Jimin.
"Damn, get the car keys now!" Utos niya sa fiancee niya.
Kinakabahan man at natatakot ay sumunod na lang ito habang mabilisang nagbihis naman ang isa.
Wala silang sinayang na oras at umalis kaagad ng bahay. Isang oras bago marating ang address na sinabi ni Yoongi sa kaniya kagabi.
Mabuti na lamang pala ay naitanong niya ito kagabi.
"Can you get my phone? Look for Jimin's number and call him." Utos niyang muli habang nakatutok sa pagmamaneho. Sa sobrang bilis ng kaniyang pagmamaneho ay halos lahat ng malampasan nila ay bumubusina, hindi na siya magtataka kung mamaya lang ay may pulis ng nakasunod sa kanila.
Wala siyang pakialam, his old friend needs him. Jimin needs Jungkook, because Yoongi can't come.
***
"Yes, Sir. Mr. Jimin visits earlier but he immediately walked-out."
Damn!
Hindi na alam ni Yoongi ang gagawin, he needs to check on Jimin yet the traffic was too heavy that his car can't even move.
Naiwan niya ang cellphone niya sa bahay nila Jungkook kaya't hindi niya matawagan si Jimin.
Kanina pa siya kinakabahan, hindi niya alam kung ano ba ang dahilan ng biglaang traffic, kung kelan namang nagmamadali siya.
Pumasok sa isip niya ang mga usapang possibleng narinig ni Jimin, no, baka mamis-interpret ito ni Jimin at may gawing masama. Kaya siya nag-walk out agad, hindi ba? Dahil malamang ay iba ang narinig nito.
"Damn!" Muli niyang sigaw bago tuloy-tuloy na pinindot ang busina ng kotse. Inis na inis na bumaba siya sa sasakyan at tumakbo sa sidewalk. Hindi na niya kayang maghintay, he needs to go to Jimin immediately.
Hindi siya nagsayang ng oras at tumakbo papunta sa direksiyon kung saan sila nakatira. Gaano pa katagal bago siya makarating?
Sana hindi pa huli ang lahat.
***
— ItsKimMiAh —
BINABASA MO ANG
Jimin, Do Not Fall In Love With Me (Yoonmin-COMPLETED)
Fanfiction"Jimin?" "Hyung..." "Do not fall in love with me." "Why?" "Just because." Jimin stayed still, not responding back. He made himself comfortable by placing his head on Yoongi's chest. Silence occupied the space between them, both of them staring at th...