"Wala ka bang balak sagutin ang tawag ng boyfriend mo?, kanina pa yan nakaka ilang tawag na sya" puna ni Rica kay Haydee
"Wala" simpleng sagot ni Haydee sabay hihit sa sigarilyo "hindi ko sya boyfriend, sinabi ko lang naman na boyfriend ko sya para lang umasa sya. But I didn't mean it duh..."
"Grabe ka talaga Haydee hindi kaba naaawa sa mga pinapaasa mo?" Tanong ni Joyce
"Hindi.! At pwede ba nandito tayo sa bar ngayon para mag saya hindi para interviewhin ako!" muling humithit ng yosi si Haydee
"Hay nako, kesa pinoproblema nyo yan sumayaw nalang tayo" suggest ni Marie
At sumayaw na nga sila. Si Marie ang pinaka close ni Haydee sa kanilang magkakaibihan, dahil mula pagkabata ay mag kaibigan na sila mag kumpare kasi ang mga daddy nila. Ninong ni Marie si Don Enrique
Si Rica naman palagi nya sinusunod ang mga sinasabi ni Haydee dahil malaki ang takot nya dito lalo na pag nagalit.
Si Joyce naman ay paaral ni Don Enrique *daddy ni Haydee* pero kahit scholar nila si Joyce at hindi mayaman tulad nya ay kinaibigan padin sya ni Haydee. Mabait padin naman si Haydee, palaban lang sya yung tipong hindi mag papaapi.
Habang sumasayaw sila ay meron lumapit na gwapong lalake kay Haydee at inaya nya itong sumayaw. Nakipag sayaw naman ang dalaga, hindi maitatanggi ang kagandahang taglay ni Haydee at ang hubog nang katawan nyang sexy. Kung kayat madaming kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya.
Nang mapagod sa kakasayaw ang grupo nila ay umupo muna at uminom, naki join din sa kanila ang lalakeng nakipag sayaw kay Haydee.
"I need to go in restroom for a while, who wants to go with me?" maarteng tanong ni Haydee
"Me" sabay sabay na sabi nang tatlo
"Okay let's go."
Habang nasa rest room ang mga girls ay naiwan naman mag isa ang lalakeng nakasayawan ni Haydee sa table nila. Hindi nag tagal ay bumalik na ang mga girls, pero bago sila makarating sa table nila ay isang binata ang sumalubong kay Haydee at may binulong ito sa kanya.
Pag ka upo nila ay agad nag sindi ng yosi si Haydee at kinuha nya ang drinks nya'ng red wine, pero hindi nya ito iniinom, hawak hawak lang nya. Tumingin sya sa lalakeng gwapo na nakasayawan nya, nakatitig ito sa kanya tila ba hinihintay nya kung ano gagawin ni Haydee sa drinks nya.
"Do you really think that you can fool me?" Naka ngising tanong ni Haydee sa binata, tumayo sya at dahan dahan nya'ng binuhos ang red wine sa ulo ng binata ang ibang girls ay nagulat sa ginawa ni Haydee
Napabalikwas ang binata at sabay sabing "Damn what is your problem?"
Humithit muna sya ng yosi bago ng salita
"You think I do not know your intention?"What the hell you talking about?" naiinis na sabi ng binata
"You shut up" sabi ni Haydee samantalang hindi padin maka get over ang tatlo sa nang yayari
Lumapit ang mga bouncer sa table nila at tinanong si Haydee kung ano ang problema. Kilala nang lahat ng staff sa bar na yon ang grupo nila Haydee dahil madalas sila doon at ninong ni Haydee ang owner ng bar.
"Etong lalakeng to nilagyan nang gamot ang drinks ko, akala nya siguro walang nakakita sa kanya at akala nya walang magsasabi sa akin." Mahabang paliwanag ni Haydee
"What!? No that's not true, you b*tch" dipensa nang lalake
"Liar" at binigyan nang malakas na sampal ni Haydee ang lalake. hinawakan agad ng mga bouncers ang lalake.
May isang binata ang lumapit sa table kung saan nandoon sila Haydee, ang binatang yon ay ang lumapit at bumulong kay Haydee.
"I saw him *sabay turo sa lalakeng hawak ng mga bouncers*, nilagyan nya ng drug ang baso ni miss Haydee, kaya sinabi ko agad kay miss Haydee ang nakita ko." Paliwanag nang binata. Ngunit pilit padin nag papalusot ang lalake.
Kinaladkad palabas nang mga bouncers ang lalake at dinala sa police station upang ireport ang nang yari. Hindi na nag aksaya nang oras sila Haydee sa police station matapos nilang mag bigay nang statement, ay bumalik na sila ulit sa bar at pinag patuloy ang party party nila na naudlot dahil sa lalakeng yon.
"Nakakaloka ang nang yari." Sabi ni Marie
"Buti nalang talaga at matalas ka Haydee" -Rica
"See, that's why I don't trust boys, for me isa lang silang toys.." sabay inom si Haydee
"Nakalimutan mo na ba na lalake din ang nag ligtas sayo." Tanong ni Joyce
"Kapag hindi ka tumigil, papatayin ko tong yosi ko sa bibig mo." Pag tataray ni Haydee.
Kinabukasan ay masakit ang ulo ni Haydee dahil sa hangover, pumunta sya sa kitchen nila para kumuha ng malamig ba tubig.
"I heard what happened last night" isang tinig na pamilyar kay Haydee ang kanyang narinig
"Dad!? " Sabay kayap at beso sa daddy nya
"Kaya kampante ako na wala sa tabi mo, dahil alam kong kaya mo na protektahan ang sarili mo." Saad ng daddy nya
"But I still need you at my side daddy." Yan ang gusto sabihin ni Haydee, ngunit iba ang lumabas sa bibig nya "of course dad, kaya ko talaga."
"Aalis din ako ulit maya-maya" paalam ng daddy nya
"Okay dad, just take care always." Sabi nya ngunit taliwas sa bugso ng damdamin nya dahil ang totoo, miss na miss na nya ang daddy nya. Gusto nya mg stay pa nang matagal ang daddy nya, pero palagi nalang out of town. Bihira na nga umuwi tas saglitan lang, matagal na ang dalawang oras ba pag lalagi nya sa mansion nila.
"Oo nga pala naka pili kana ba ng University na papasukan mo?" Tanong ng daddy nya
"Yes Dad!" Tipid na sagot
"Okay kung ganon, sigurado kanaba talaga sa course mo?" Muling tanong ni Don Enrique
"Yes, you know that I really love fashion, so that's why I want to take Fashion Designer " bata palang si Haydee ay talagang nagiliwan na nya ang Fashion at pag dedesign ng mga damit. Kagaya nang kanyang ina.
"Manang mana ka talaga sa mommy mo." Sabay hinagkan sa noo ang anak
"Si Joyce, parehas ba kayo nang kukunin?" Tanong ni Don Enrique
"Sana pero mas gusto nya daw mag Culinary arts. Hindi ko naman sya pwedeng pilitin sa hindi nya gusto. Pero si Marie at Rica same kami ng course." Paliwanag ni Haydee
"O sige na, aalis na ako." Paalam ni Don Enrique
"Dad.? Pwede bang next time sabay naman tayo mg breakfast, lunch at dinner?" May lungkot sa boses ni Haydee
"I'll try" niyakap nya ang anak at umalis na
Naiwan nanaman mag isa sa bahay si Haydee. Oo nga't napakayaman nila pero hindi padin sya lubusang masaya dahil mag isa lang sya. Kung kaya minsan ay napapaisip sya. "Kung buhay kaya si mommy ganito padin ba? O baka masaya kami, ilang mga kapatid kaya meron ako?" Ang lagi niyang naiisip.
************
A/N : miloves..... sana nagustuhan nyo :* :*
Love love hehey
BINABASA MO ANG
November Rain (COMPLETED)
RandomAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Pano kung isang araw nawala na lang sayo ang unang nag patibok ng puso mo?