Naka graduated na si Jerome sa course nya, habang si Haydee ay mag 3rd year na sa college. Noon pa man at pangarap na ni Jerome na makapag trabaho sa ibang bansa kapag ka graduate nya at ngayon na graduate na sya ay pinayagan sya ni Haydee na mag trabaho abroad dahil alam ni Haydee na pangarap yon ng bf nya.
Dalawang taon lang ang contrata ni Jerome sa Italy. Kung dati ang gusto nya ay doon sya mag wowork for good katulad nang mga magulang nya, nag bago iyon nang makilala nya si Haydee, kaya dalawang taon lang sya mag wowork sa Italy at babalikan na nya si Haydee.
Nung una ay araw araw silang ng tatawagan kahit mag kaiba ang oras nila. Pero dumating ang time na naging busy sila pareho kaya nag kakachat na lang sila sa messenger. Hindi nagtagal ay halos wala na din silang time para maka chat ang isa't isa. Ngunit kahit ganon ay iniintindi nila ang bawat isa.
~
*makalipas ang dalawang taon*
Graduation na ni Haydee. Kasama nya si Don Enrique na umattend sa ceremony. Sabay sabay nila sila Rica, Marie, Belle at Joyce.
Nililibot ni Haydee nang tingin ang venue tinignan nya kung nandoon na si Jerome, expected kasi nya na ngayon uuwi si Jerome. Pero wala pa sya.
Nang matapos na ang ceremony ay may lumapit kay Haydee, may dala itong flower's. Si Jerome
"Akala ko hindi kana dadating eh" sabi ni Haydee
"Pwede ko ba naman palampasin ang special day ng Mahal ko?" Sabi nya at niyakap si Haydee. Bumeso din sya sa kapatid nyang si Belle.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Haydee
"Inasikaso ko pa kasi ang restaurant na pagkakainan natin para icelebrate ang graduation nyo" paliwanag ni Jerome
"Mamaya na yang lambingan nyo tara na at nagugutom na ako" pabirong sabi ni Don Enrique.
Pumunta na sila sa restaurant na pina reserve ni Jerome.
♡♡♡♡♡♡♡
Hindi na umalis ulit si Jerome nag tayo nalang sya nang sarili nyang business, habang si Haydee naman ay nag tayo din nang sariling clothing company.
Doon na nag trabaho si Belle at Marie bilang Fashion Designer ng company ni Haydee. Si Rica at Joyce naman ay mas piniling mag trabaho sa ibang bansa para kumita nang malaking halaga.
Lumipas ang isa pang taon, naging successful si Haydee at Jerome sa mga business nila. Nag handa nang isang eleganteng dinner date si Jerome para kay Haydee. Habang nag di-dinner sila ay may mga tatlong musikerong tumugtog, ang isa ay tumutugtog ng Cello, ang isa ay Viola at ang isa naman ay Violin.
Nang matapos sila kumain ay tumayo si Jerome at inaya nyang sumayaw ng sweet dance si Haydee. Sa kalagitnaan bang sweet dance nila ay tumigil si Jerome, lumuhod sya sa harapan ni Haydee at tinanong nya ang dalaga nang "Will you marry me?"
Napa luha naman si Haydee at sinabi nyang "yes! I will marry you"
Pinunasan ni Jerome ang mga luha ni Haydee at hinalikan nya ito sa labi.
Napag kasunduan nila na next month na sila magpakasal inasikaso nila ang mga requirements.
Isang linggo na lang at ikakasal na sila. Nasa coffee shop sila ngayon kausap ang wedding planner nila. Ang gusto ni Haydee ay beach wedding at doon sila sa resort nila ikakasal.
After nila makausap ang wedding planner nila ay umalis na ito at naiwan silang dalawa sa coffee shop.
"Love, bukas dadating na sila mama at papa, susunduin kita bukas para makapag bonding tayo at maipakilala na kita nang personal" sabi ni Jerome
Hindi pa kasi nila nakikita ng personal si Haydee, as video call palang sila madalas makausap. Ngayon palang din kasi sila uuwi dito sa Pilipinas. Kung hindi pa ikakasal si Haydee at Jerome ay hindi sila uuwi dito.
"Sige love, hihintayin na lang kita." Sagot ni Haydee.
♡♡♡♡♡
Nasa mansion na si Haydee.
"Anak, naiayos ko na pala ang magiging kwarto nyo ni Jerome kapag kasal na kayo." Sabi ni nay Dolor
"Maraming salamat po nay, teka nay bakit ka po umiiyak?" Tanong ni Haydee nang makita nyang lumuluha si nay Dolor
"Wala anak, masaya ako para sayo. Parang kailan lang nilalaro kita, ngayon malapit kana ikasal." Sabay punas ng luha nya.
"Salamat nay, sayang lang po wala si mommy hindi nya ako maihahatid kay Jerome." -Haydee
"Kung nasaan man ang mommy mo, masayang masaya ton para sayo." -nay Dolor.
Kinabukasan ay nagulat si Haydee dahil si Belle ang sumundo sa kanya at hindi si Jerome.
"Oh bakit ikaw ang nandito? Nasaan ang kuya mo?" Tanong ni Haydee
"Nasa bahay" simpleng sagot ni Belle at walang reaction ang mukha nya.
Inisip ni Haydee na meron nanaman surprise si Jerome sa kanya. Excited sya na makita nang personal ang parents nang mapapangasawa nya.
Nang makarating sila sa bahay nila Jerome ay napatulala si Haydee sa nakita niyang tarpaulin. *we will miss you Jerome Lacsamana* at nakalagay din ang picture ni Jerome.
Napatingin sya kay Belle na nagtatanong ang mga mata, tuluyan naman napaiyak na si Belle. Pag pasok nila sa loob ay nakita nya ang kabaong na may picture frame mukha ni Jerome ang nandon. Hindi sya makapaniwala na ang lalakeng pinaka mamahal nya at pakakasalan nya ay wala na. Pilit nyang iniisip na hindi ito totoo, sinasabi nya as isip nyang prank nalang sana ito.
Lumapit ang mga magulang ni Jerome kay Haydee, hinagod ng mama ni Jerome ang likod ni Haydee at sinabing "umupo na muna tayo" nang maka upo na sila ay pinainom muna nila ng tubig si Haydee.
"Anong nangyare? Bakit ganyan? Pano?" Sunod sunod na tanong ni Haydee
"Pagka sundon nya saamin sa airport hinatid nya kami dito sa bahay, at dumiretso sya sa office nya dahil may tatapusin daw sya. Pauwi na sya nang nabangga ang minamaneho nyang sasakyan ng isang truck." Pinunasan ng mama nya ang luha nya at tinuloy ang pag kukwento "nadala pa sya sa ospital, nakausap pa namin sya ang huling sinabi nya saamin ay sabihin namin sayo na mahal na mahal ka nya ikaw lang ang babaeng minahal nya, at mamahalin ka pa din nya kahit sa kabilang buhay." Napahagulgol naman si Haydee sa mga narinig.
"Pasensya kana iha kung hindi namin naipaalam sayo kagabi, masyado nang malalim ang gabi noon kaya naisip namin na nagpapahinga kana." Sabi naman ng papa ni Jerome.
Araw araw naiisip ni Haydee ang masasayang araw nila ni Jerome, habang buhay nya dadalhin ang mga ala-ala na iyon.
Araw araw din syang dumadalaw sa puntod ni Jerome. Hindi na sya nag asawa pa, dahil para kay Haydee ay wala nang ibang lalake pa ang mamahalin nya. Tanging si Jerome lang ang lalakeng minahal nya at mamahalin nya habang buhay.
Si Don Enrique naman ay umuwi na sa mansion nila, at mas piniling samahan ang anak nya dahil alam nyang mas kailangan sya ngayon ni Haydee.
*********
A/N: Maraming salamat sa inyo mga miloves.... sinamahan nyo si Haydee hanggang sa huli.
Love love..
BINABASA MO ANG
November Rain (COMPLETED)
De TodoAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Pano kung isang araw nawala na lang sayo ang unang nag patibok ng puso mo?