Araw ng Sabado.. kumakatok si nanay Dolor sa kwarto ni Haydee. Yaya ni Haydee si nanay Dolor pero nanay ang tawag niya dahil para kay Haydee pangalawang ina niya si nanay Dolor, lahat ng event nya sa school ay si nanay Dolor ang palaging nandoon at nag sasabit ng paranggal kay Haydee. Mahal na mahal ni nanay Dolor si Haydee na parang tunay niyang anak. Dahil simula nang mawala si Donya Amanda ay siya na ang tumayong ina ni Haydee, at wala siyang sariling anak. Sa kanya din nag sasabi si Haydee ng mga hinanaing niya sa mundo.
"Haydee, anak gising kana" habang kumakatok sa pinto
"Nay, pasok po" nakapikit na sabi ni Haydee, nang makapasok si nanay Dolor ay umupo ito sa gilid ng kama ni Haydee at niyapos ang noo ng alaga. Yumapos naman ang braso ni Haydee sa hita ni nanay Dolor habang naka pikit padin.
"Anak nandyan ang daddy mo, hinihintay ka sa baba mukang aalis kayo." Sabi ni nanay Dolor habang hinahaplos ang buhok ng alaga
Napabalikwas naman si Haydee sa narinig, nagising bigla ang diwa nya. Sabik na sabik siyang makita ulit ang daddy nya, kaya kahit wala pang hilamos at mumog ay tumakbo na ito pababa upang puntahan ang ama.
"Daddy..!" Sabay yakap sa ama
"O bakit hindi kapa naka ready?" Tanong ni Don Enrique
Nangunot ang noo si Haydee at tumingin sa daddy nya na tila nang tatanong ang mga mata.
"Aalis tayo." Sabi ng daddy niya.
"Where we going dad?" Tanong ni Haydee
Inilabas ni Don Enrique mula sa bag niya ang dalawang pasaporte at first class plane tickets iniabot niya ito kay Haydee
"Oh my! Really daddy were going in France?" Namimilog ang mga mata niya, tila para siyang batang paslit na binigyan ng regalo
"Yes Haydee, I know I've been busy and I almost forgotten you. I'm sorry anak." Yumakap ng mahigpit si Haydee
"It's okay dad I understand. Mag gagayak lang po ako." Bumeso muna si Haydee bago gumayak.
Habang hinihintay ni Don Enrique si Haydee ay dinalhan sya ng kape ni nanay Dolor.
"Don Enrique, mag kape ho muna kayo" alok ni nanay Dolor
"Salamat ho, aling Dolor." -Don Enrique
Kahit na sobrang yaman nila ay hindi sila matapobre, mabait na tao si Don Enrique. Madami din siyang natutulungan. Ganon din naman si Donya Amanda noong nabubuhay pa. Napaka bait na tao nilang mag asawa kung kayat lumaki din si Haydee na mabait.
Noong nabubuhay pa si Donya Amanda, ay palagi silang pumupunta sa ibang bansa para makapag family bonding. Once a year sila lumalabas ng bansa tuwing bakasyon sa eskwela.
Madami rin silang foundation, ng dodonate din sila sa mga bahay ampunan. Si Joyce naman ay anak ng high school friend ni Donya Amanda, kaya pinag aral nila ito at naging magkaibigan sila ni Haydee at Marie. Tatlo sila kung tawagin ay tres Maria's.
Masaya silang pamilya. Ngunit isang araw ay nalaman nila na mayroong cancer si Donya Amanda. Stage 4 agad ang cancer niya at hindi ng tagal ay namatay na si Donya Amanda dahil dinamdam niya ang sakit nya. Lubusan ang pag pipighati ni Haydee sa pag kawala ng ina, at ganun din si Don Enrique.
Madami ang nalungkot sa biglaang pagkamatay ni Donya Amanda, simula noon ay ng bago na ang lahat. Palagi nasa opisina si Don Enrique at out of town kung minsan. Tila nakalimutan na nya na meron siyang anak. Dahil don ay lubusang lungkot ang naramdaman ni Haydee, para sa kanya ay parang nawalan din siya ng ama.
Mula noon ay nag bago na ang ugali ni Haydee, ayaw na niya makipag usap sa mga classmates nya tanging si Marie at Joyce na lamang ang kanyang kinakausap.
Nawala na din ang saya sa buhay nya. Naging independent siya, pero hinahanap hanap padin niya ang kalinga nang kanyang ama. Kahit ganon ay hindi siya ng tamin ng sama ng loob sa kanyang ama.
Inintindi niya ito, sa tulong nadin ng mga paliwanag at patnubay ni nanay Dolor . Mabuti na lamang at mayroon pang nanay Dolor ang natitira sa kanya.
Si nanay Dolor ang nag paka ama at ina kay Haydee. Siya ang laging nasasandalan at mapag dadaingan, kaya siguro na adopt niya kay nanay Dolor ang galit sa mga boys.
Niloko kasi si nanay Dolor ng dati niyang kasintahan kaya simula nun ay hindi na siya ng mahal muli ng lalake. Lahat din ng katulong nila sa mansion ay may masakit na karanasan sa lalake. Kaya ang tumatak sa isipan ni Haydee ay karamihan sa mga lalake ay manloloko.
Nang mag junior high school si Haydee, at madami na ang nag kakagusto sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Sinubsob niya ang sarili sa pag-aaral. Honorable student din siya kaya lalo siyang naging famous sa school.
Nang mg moving up na sila at nasa senior high school na siya, lahat nang mag kakagusto sa kanya ay pinapaasa nya. Sasabihin niyang boyfriend ba niya ito ngunit kinabukasan ay makikipag hiwalay na siya. Nakilala si Haydee sa bago niyang school bilang heartbreaker, pero madami pa din ang ngbabakasakaling mapa-ibig ang dalaga.
****
Nasa airport na sila Don Enrique at ang kanyang anak na si Haydee. Excited na si Haydee dahil makakasama na niya ulit ang daddy nya, na matagal na niyang namimiss.
Nang makarating ba sila sa France ay ng check in na sila sa isang five star hotel soon tig isa silang executive suite ng daddy nya. Same floor at mag katapat lamang ang room nila.
Nag pahinga muna sila sandali at umidlip muna. Ng magising si Haydee ay nag muni muni ito at inilibot ang mata sa kwarto. Napakalaki ng kwarto na ito, at napaka ganda. Ng punta siya sa terrace ng hotel room niya at ng yosi. Alam naman ng daddy nya na mag yoyosi siya, pero hindi niya ito ipinapakita.
Inenjoy ni Haydee ang bakasyon nila na iyon, lahat ng gusto nilang puntahan ay pinuntahan nilang mg ama.
***********
A/N: thanks mga miloves sa pagbabasa ❣
BINABASA MO ANG
November Rain (COMPLETED)
RandomAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Pano kung isang araw nawala na lang sayo ang unang nag patibok ng puso mo?