CHAPTER 3

48 2 0
                                    

Naka balik na ng pilipinas sila Haydee at Don Enrique. Inaya agad niya ang tatlo niyang mga kaibigan.

"I miss you girls...." at binigay na nya ang mga pasalubong nya sa tatlo.

"Thank you Haydee" sabay sabay ang tatlo.

"Next week sabay sabay na tayo mg pa enroll" sabi ni Haydee

"Hindi na ako makakapag enroll" sabi ni Rica

"Why.?" Tanong ni Haydee

"Nawalan na kasi ng work si papa, napag initan siya sa pinapasukan niya." Paliwanag ni Rica at mababakas sa mukha niya ang lungkot

"Ako na ang mag babayad sa tuition mo sasabihin ko din kay daddy na sa company na namin papasukin ang papa mo." Sabi ni Haydee

"Naku Hayd..." naudlot ang sasabihin ni Rica dahil ng salita agad si Haydee

"Shut up, I don't give you permission to talk." tinawagan niya ang daddy nya at sinabi niya ang tungkol sa papa ni Rica. Kinuwento din niya ang nangyari kala Rica. Pumayag naman si Don Enrique at natuwa pa sa anak, dahil tutulong ito sa kaibigan nya.

"Okay na Rica, papuntahin mo bukas ang papa mo sa company namin, at next week sabay sabay tayong apat mg eenrol" paliwanag ni Haydee

"Maraming salamat Haydee" niyakap niya si Haydee at pumiglas naman agad si Haydee

"Tama na, nakakairita kana!" Sabi ni Haydee

Naging ka close lang nila si Rica nung junior high school...

Flashback nung high school sila....

Nakita nila Haydee, Marie at Joyce ang isang babae na binubully nang isang grupo ng kababaihan apat sila sa grupo. Nilapitan ni Haydee ang mga nang bubully, aktong sasampalin sana ni Trish *leader ng grupo* si Rica nang salagin ni Haydee.

"Don't you dare ugly monkey" pagbabanta ni Haydee kay Trish

"Oh my, how dare you to call me ugly monkey." Sabi ni Trish at nakataas ang kilay

"Wag mo akong tinataasan ng kilay, baka bunutin ko yan lahat!" Pag tataray din ni Haydee

"Ano ba problema mo?" Tanong ni Trish

"Ikaw ang problema ko, ang panget mo kasi, lumayas ka sa harapan ko!" Sabi ni Haydee

Inambahan ng sampal ni Trish si Haydee pero sadyang mabilis si Haydee kung kaya't naunahan niya ito at dalawang sampal agad ang natanggap ni Trish mula kay Haydee.

Dahil sa sobrang pahiya si Trish ay tumakbo ito palayo kasunod ang iba pa niyang kagrupo. Binaling naman ni Haydee ang atensyon niya sa babaeng binubully..

"Classmate ka namin dba?" Tanong nya sa babae

"Oo miss Haydee" sabi ng babae. Kilalang kilala si Haydee sa buong campus dahil sa maganda ito at matalino.

"Bakit ka pumapayag na bullyhin ka nila?" Tanong ni Haydee

"Hindi kasi ako marunong makipag away, tsaka mahina ako." Paliwanag nya

"Ano pangalan mo?" Tanong ni Marie

"Ako si Rica, Rica Pascua." Sagot niya, ng pakilala naman sila isa-isa

"Simula ngayon, wala nang mang bubully sayo dahil sasama ka na saamin palagi okay.." sabi ni Haydee

"Salamat" ang ngumiti si Rica.

Mula nung araw na iyon ay naging kaibigan na nila si Rica..

**end of flashback**

Nagpatuloy sila sa pag kukwentuhan nila, maraming naikwento si Haydee tungkol sa pamamasyal nila ng daddy nya sa France. Habang ng uusap-usap sila ay meron dalawang lalake ang lumapit sa kanila, upang makipag kilala.

"Hi mga miss beautiful, anong mga pangalan nyo? Gusto ko malaman at pwede ba maki join?" Sabi nung isang lalake na sobrang hangin kulang nalang ay liparin na sila sa sobrang hangin nito.

"Hindi" diretsong sabi ni Haydee

"Suplada pare" sabi ng lalake na kasama nya "Alam mo bang ikaw lang ang tumanggi saakin? Lahat ng babaeng lapitan ko ay nag kakandarapa para lang makilala ako." Sabay hagod ng buhok

"Alam mo bang sa lahat ng nag pakilala samin, ikaw lang ang ayaw namin makilala? At sayo lang kami hindi intresado." Balik tanong naman ni Haydee at sabay nag tawanan ang mga girls

"Aba, akala mo kung sino kang maganda at akala mo naman gusto talaga kita makilala" napipikon na sabi ng lalake

"Then shuuuu!" Sabay senyas ng alis si Haydee

Lumapit ang guard at inawat ang mga lalake. Walang nagawa ang dalawang lalake kung hindi ang umalis na lang, dahil napahiya na sila kay Haydee.

Dumating ang araw na mg eenroll na sila, sinundo ni Haydee ang tatlo niyang mga kaibigan dahil mayroon naman siyang sariling kotse. Kinuha nilang course ay Fashion Designer maliban kay Joyce na Culinary Arts ang gusto.

Nasa classroom sila Haydee, Rica at Marie wala pa ang prof nila kaya ng uusap usap muna sila. Nang may lumapit kay Haydee isang babae classmate nila.

"Excuse me, hindi ba ikaw si Haydee Salazar?" Tanong ng babae

"Yes" tipid na sagot ni Haydee

"Pwede bang mag pa picture? Followers mo kasi aq sa Instagram gustong gusto ko kasi ung mga vlog mo." Sabi ng babae

Palagi din kasing ng bo-vlog si Haydee, Lalo na kapag meron siyang napuntahan na bagong lugar. Mahilig din sya mg post ng mga nagawa niyang designs. Madami siyang followers sa Instagram at facebook.

"Sure, ano nga name mo?" sabi ni Haydee

"Belle, Belle Lacsamana. Ang swerte ko naman at classmate kita" sagot ni Belle

"Nice name" puri ni Haydee ipinakilala din nya ang mga kaibigan nya

Nang matapos ang klase ay inaya nila si Belle at si Margo na classmate din nila na sumabay na sa kanila sa cafeteria para kumain, laking tuwa naman ni Belle. Madami ang gusto makipag kilalang mga boys kay Haydee pero hindi niya ito pinapansin.

Habang kumakain sila ay may lumapit kay Belle na lalake, at bumeso si Belle dito. Ipinakilala naman ito ni Belle sa kanila.

"Oo nga pala, kuya ko si Jerome, 3rd year na sya ang course nya ay Batchelor of Science in Computer Science" pagpapakilala ni Belle

"Hello nice to meet you" sabi ni Margo, Rica at Marie nakipag handshake ang dalawa samantalang dedma lang si Haydee tinignan nya lamang si Jerome at pinag patuloy na ang pagkain

"Nice to meet you too" naka ngiti nyang sagot

"Let's join us" sabi ni Margo, napatingin naman si Haydee kay Margo na nakataas ang kilay.

"Thank you, pero dun na lang ako sa kabilang table" sagot nya kay Margo

"Okay" sabi naman ni Margo

Nang matapos kumain si Belle ay nag paalam syang pupuntahan muna nya ang kuya nya.

"Ang pogi ng kuya ni Belle ha nakakaloka" sabi ni Margo, tinignan lang sya ni Haydee

"May napansin lang ako, kasi halos lahat ng classmate nating boys pati dito sa buong campus ay gusto kang makilala Haydee, pero itong kuya ni Belle dinedma ka lang." Kantyaw ni Margo

"I don't care" simpleng sagot ni Haydee

"I will give you a task, dapat magkagusto sau si Jerome bago mg end of school" sabi ni Margo

"What the heck, Margo" naiinis na sabi ni Rica

"Oh bakit, don't tell me na isang kagaya lang ni Jerome ang magiging katapat mo Haydee. I dare you Haydee." Sabi ni Margo

"Fine, task accepted." Taas noong sabi ni Haydee

"Are you kidding?" Tanong ni Marie

Ngunit wala na silang nagawa pa dahil tinanggap na ni Haydee ang hamon ni Margo. Napailing na lamang ang dalawa..

**********

A/N: thank you sa walang sawang pag babasa, don't worry mga miloves mag kakaroon aq nang pa premyo sa magiging loyal readers ko....

November Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon