Nasa cafeteria si Haydee kasama si Belle hinihintay nila sila Rica at Marie, si Margo naman hindi nila alam kung nasaan. Nang biglang kumapit ng mahigpit si Belle kay Haydee.
"Ouch, let me go nasasaktan ako.!" Inis na sabi ni Haydee kay Belle dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso nya. Pero natigilan si Haydee nang makita nya ang itsura ni Belle, namumutla ito at tila nahihirapan huminga.
"Belle, what happened?, answer me what's going on?" Natatarantang tanong ni Haydee, pero tila hindi sya naririnig ni Belle dahil hindi talaga maka hinga si Belle.
"Help!, anyone please help us dalhin natin sya sa clinic." Pasigaw na sabi ni Haydee
Naidala nga si Belle sa clinic sa tulong ng isang estudyante na nag buhat sa kanya. Nanginginig padin si Haydee sa nangyare. Dumating naman si Jerome sa clinic.
"Nasaan si Belle?" Bungad nyang tanong kay Haydee, pero hindi makapag salita si Haydee.
Lumabas naman si nurse Jen at kinausap si Jerome.
"Jerome, nandito kana pala tatawagan pa lang sana kita para ipaalam ung nangyare kay Belle" sabi ni nurse Jen
"Kumusta sya?" Tanong ni Jerome
"Okay na sya, inatake lang sya ulit ng asthma nya kailangan nya lang mag pahinga." Sagot ni nurse Jen.
"Salamat nurse Jen." Pasasalamat ni Jerome
Kumuha ng tubig si Jerome at binigay kay Haydee, napansin kasi nyang nanginginig padin ito.
"Eto tubig, uminom ka muna. Salamat nga pala at dinala mo dito si Belle" sabi ni Jerome
Kinuha naman ni Haydee ang tubig at ininom, agad namang naubos iyon ni Haydee at mukhang kulang pa, kaya kinuhaan ulit sya ni Jerome ng isa pang basong tubig, at ininom ulit yon ni Haydee.
"Thank you." Sa wakas ay nag salita na si Haydee
"You're welcome" sabi ni Jerome
"What's going on? I mean ano nangyari sa kanya?" Tanong ni Haydee kay Jerome
"Meron kasi asthma si Belle, palagi talaga sya inaatake especially pag napapagod, kaya nga kilala na sya ni nurse Jen dahil nakakailang atake na sya since nung mgpasukan." Paliwanag ni Jerome
"Tinakot ako ni Belle, how dare is she! kaya pala minsan wala sya sa klase o kaya bigla na lang sya mawawala." Bakas sa pananalita ni Haydee ang pag aalala
"Pasensya kana ha, kung nag alala ka" sabi ni Jerome
"It's okay, sino ka pala bakit mo pala kilala si Belle?" Tanong ni Haydee, sa totoo lang kasi nakalimutan na ni Haydee ang itsura nang lalakeng lumapit kay Belle nung last time. Hindi nya kasi tinignan ang itsura nung time na yun, nawala naman sa isip nyang may kuya nga pala si Belle.
"Kapatid ko si Belle, hindi mo kasi ako pinapansin nung nakita ko si Belle na kasama nyo, nilapitan ko sya nun, pero ikaw diretso ka lang na kumakain." Sabi naman ni Jerome
"Ano pangalan mo?" Tanong ni Haydee
"Jerome" sagot ng binata
"Ah okay." Sabi lang ni Haydee
"Haydee, salamat ulit sa pag dala dito sa kapatid ko." Sabi ni Jerome
"Pano mo nalaman pangalan ko?" Tanong nya
"Palagi ka nya kasi binabanggit, idol na idol ka kasi nya, gustong gusto nya ang mga videos mo, actually kaya nga ayan ang course nya kinuha nya kasi na inspired sya sa mga design mo." Sabi ni Jerome
Ngumiti naman si Haydee sa nalaman.
"Baka may klase kana?" Tanong ni Jerome
"Wala naman, hihintayin ko maging okay si Belle, bago ako umalis." Sabi ni Haydee
BINABASA MO ANG
November Rain (COMPLETED)
RandomAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Pano kung isang araw nawala na lang sayo ang unang nag patibok ng puso mo?