ENDING

47 2 0
                                        

Dalawangpung taon na ang nakalipas mula nang mawala si Jerome sa buhay ni Haydee. November 13 kaarawan ni Jerome, may dalang bulaklak si Haydee, kasama niya ang isang dalaga at isang binata. Dumating din si Belle kasama ang asawa at mga anak nito.

"Kamukhang kamukha ni kuya ang kambal noh" sabi ni Belle kay Haydee

"Oo sayang nga lang hindi na nila nakita ang daddy nila, ni hindi man lang nalaman ni Jerome na magiging daddy na sya, dapat kasi sasabihin ko sa kanya na buntis ako nung araw na dapat susunduin nya ako sa bahay, pero ikaw ang sumundo." Bakas sa mukha ni Haydee ang sakit na nararamdaman nya. Kahit 20 years na ang nakakaraan at sariwa padin ang sakit at sugar sa puso nya.

"Haydee, okay ka lang ba? Parang may sakit ka namumutla ka" puna ni Belle

"Wala ito, may ubo lang ako" sabi ni Haydee

Nang matapos na sila mag salo-salo ay nag aya na sila umuwi.

"Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi?" Tanong ng dalaga kay Haydee

"Oo nga po mommy medjo mag gagabi na din po" sabi naman ng binatang anak ni Haydee

"Sige na Jemaica at Jeric, mauna na kayo dito na muna ako, sasamahan ko muna ang daddy nyo." Sabi nya sa mga anak nya. Kambal ang anak nila ni Jerome.

Madilim na ngunit nandun padin si Haydee biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Miss na miss na kita Jerome, ikaw lang ang lalakeng minahal ko, nararamdaman ko malapit na kitang makasama." Huling bigkas ni Haydee at unti unting dumilim ang paningin nya, at pumikit na lamang sya.

Hindi nag tagal ay bigla naman lumiwanag ang paningin nya, nakita nya ang isang lalakeng nakatayo sa gilid ng puno, hindi nya maaninag ang mukha nito dahil nasisilaw sya. Habang papalapit sya sa lalakeng nakatayo at unti unti nyang nakikilala ito.

"Jerome, Mahal miss na miss kita sabi ko na nga ba at mag kikita na tayo" patakbong lumapit si Haydee at yumakap kay Jerome.

"Mahal na mahal kita Haydee" sabi ni Jerome

Hanggang kabilang buhay ay nagmahalan sila. Hinding hindi na sila mag hihiwalay kailan pa man.

~THE END~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

November Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon