Nasa mansion nila Haydee ang mga kaibigan nya, inimbitahan nya ang mga ito para magpasukat at magagaya ng gown para sa darating na grandball.
"Haydee, wala kaming pambayad sa kanila" sabi ni Joyce
"Oo nga at mga sikat na designers pa ang kinuha mo " segunda naman ni Rica
"Sino ba nag sabi sa inyo na kayo ang magbabayad? Syempre ako nang bahala sa lahat." Sagot naman ni Haydee
"Masyado nang sobra sobra ang naibibigay mo sa amin Haydee, hindi ko na matatanggap yan" sabi naman ni Joyce
"Tumahimik nga kayo, basta ako na bahala sa lahat magpapagawa tayong lima at ako na ang magbabayad, para naman mabawasan kahit konti ang pera ko noh hahahahaha" pabirong sabi ni Haydee
"Nakakahiya sayo Haydee, ako na lang ang mag babayad ng sa akin pero sa iba na lang ako mag papagawa yung medjo mura lang." Sabi ni Belle
"Oo nga ako din" sabi ni Marie
"Kung hindi kayo papayag, hindi na lang din ako sasali sa grandball, kayo na lang" pag babanta ni Haydee
"Eto na nga eh magpapasukat na" sabay sabay na sabi ng apat
Kanya kanya silang pili ng mga designs samantalang sariling design naman ni Haydee ang kanya. After nila masukatan at pumunta sila sa isang mall para bumili ng mga accessories at ng bonding narin sila.
Pagkauwi ni Haydee ay nakita nyang nag aantay sa labas ng mansion nila si Jerome na may dalang flowers.
"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ni Haydee
"Bumibisita lang" sagot naman ni Jerome
"Sumakay kana muna dito sa kotche ko" utos ni Haydee
Sumakay nga si Jerome at binuksan na ni Haydee ang gate gamit ang remote control, malawak ang garden ng mansion kaya kailangan pa mag drive para marating ang mismong mansion. Pag pasok nila sa mansion ay nakisuyo si Haydee sa mga kasambahay na mag handa nag meryenda para sa bisita nya.
"Para sayo nga pala" inabot ni Jerome ang flowers at chocolate
"Para saan to?" Tanong naman ni Haydee
"Can you be my date on grandball night?" Tanong ni Jerome
"Sure, why not?" Sagot naman ni Haydee
"Yes!, thank you dahil pumayag kang maging escort ako" sabi ni Jerome
"No worries" nakangiting sabi ni Haydee
Nang umalis na si Jerome ay kinalabit ni nanay Dolor si Haydee.
"Bagay kayo anak" sabi ni nanay Dolor
"Kaibigan ko lang yun nay, tsaka isa pa wala ako tiwala sa mga lalake" sagot naman ni Haydee
"Pinag masdan ko kayo kanina, parang higit pa sa kaibigan ang meron kayo, ang mga tinginan nyo. Maaaring hindi mo pa narerealize sa ngayon" -nanay Dolor
"Nay, sa panahon ngayon ang mga lalake pare-parehas lang yan manloloko" sabi naman ni Haydee
"Anak, hindi. Hindi lahat meron pa din matitinong lalake
marunong mag mahal at sa tingin ko ganon sya sayo." Sabi ni nanay Dolor"Kita nyo nga po hindi na kayo nag asawa" sabi ni Haydee
"Iba ka, iba ako, iba ang kapalaran mo sa kapalaran ko, buksan mo ang puso mo anak, kapag naramdaman mong nagmamahal na ito at mahal ka nang taong ng papatibok nito, sundin mo anak wag mo papakawalan ang pagkakataon, dahil minsan lang dadating ang tunay na pag-ibig" pangaral ni nanay Dolor
BINABASA MO ANG
November Rain (COMPLETED)
CasualeAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Pano kung isang araw nawala na lang sayo ang unang nag patibok ng puso mo?