Capitulo Quince

31 2 0
                                    


In this country that full of rebellions, we will fight.

We will fight for the happiness of everyone.

We will fight for the freedom, of our mother land.

Hindi mawala sa isipan ni Levi ang mga sekretong kanyang nalalaman. Pagkatapos ng siya'y iwan ng limang magkakaibigan ay hindi na ito muling bumalik sa kanyang pagtulog.

Sa halip ay, nakapangalumbaba itong nakatingin sa maberdeng kapaligiran, at nagmumuni-muni.

Nang dahil sa lunod na lunod ito sa kanyang iniisip, hindi niya namalayan na pumasok ng silid si Faith.

"Ang lalim yata ng iniisip mo? tungkol ba ito sa iyong nakita kani-kanina lang?"- malumanay na sambit ni Faith sa kay Levi na hindi kumikibo.

"Pasensya na sa aking inaakto, hindi ko lamang maiwaglit sa aking isipan ag aking mga nalalaman, sapagkat hindi kapani-paniwala, ngunit wla akong magagawa kundi ang itago ang mga lihim na ito"-deretsahang tugon ni Levi sa nangungusap na mata ni Faith.

Matapos ang pag-uusap na iyon nina Levi at Faith ay napagdesisyonan nang dalawa na umuwi na lamang dahil malapit nang maggabi, at baka sakaling sila'y mapagalitan pa ni Don Alfredo.

Hinatid ni Levi si Faith sa kanilang bahay, hanggang sa may trangkahan ng kanilang bahay. Hindi rin nagtagal si Levi sa bahay nina Faith, at dumretso na itong umuwi sa kanilang tahanan.

Nakatulala lamang na naglalakad pauwi si Levi,at hindi nito namalayan na nakapasok na pala siya sa kanyang silid.

Kahit anung pilit nitong limutin ang kanyang mga nakita at nalalaman ay hindi pa rin ito mawala sa kanyang isipan.

Sa halip na, isiwalat niya iyon sa buong sambayanan ay, napagdesisyonan niya lamang na ikuwento iyon sa kanyang kaibigan na si talaarawan.

Setyembre 5,1892

Ang Aking Talaarawan,

Ako ay may nais na ikuwento sa iyo mahal kong kaibagang talaarawan, sa mga nagdaang oras na ito marami akong natuklasang sekreto na hindi kapani-paniwala, ngunit hindi mo maakalain na totoo pala iyon.
Maituturing ko na isa ako sa pinakaswerte sa mundo, dahil may nakilala akong limang kababaehan na nagmula raw sa hinaharap. Hindi kapani-paniwala diba kaibigan?. Ngunit totoo itong ikinukuwento ko sa iyo.
At dahil ikaw lamang ang maasahan kong kaibigan, kaya ko ito ikinuwento sa iyo kaibigan, nawa'y itatago mo itong lihim kung ito.

Nagmamahal,

Maximus Leviticus




________

P.s
What will happen to the history if they will interfere the time?

Just keep reading, and you will find out the answer.

____

I'm really sorry for this lame update.

Even though this update is kinda boring, I'm still hoping that you enjoy.

___

Don't forget to click the button READ, COMMENT AND VOTE, para manotice ko po kayo.

Mi Corazoncito in 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon