Capitulo Cinco

58 7 2
                                    


Natapos na nga kaming kumain nang hapunan, at umuwi na rin ang pamilya Pelaez, dahil pagabi na rin.

Pumasok na ako sa aking silid, dahil hindi pa naman ako dinadalaw nang antok ay umupo muna ako sa maliit na salumpuwit malapit sa bintana, nakabukas lamang ito, at kitang kita ang bilog na bilog na buwan at mga kumikinang na mga tala sa kalangitan.

Naudlot lamang ang aking pagmumuni muni nang may biglaang nagsalita sa aking likod.

"Napakaganda ng kalangitan, hindi bah?"

Hayy!!andito nga siya, hindi niya naman ako maibalik sa panahon ko, useless pa rin.

"Yeah!maganda nga, pero may mas gaganda pa diyan, kong ako'y iyong ibabalik sa kapanahunan ko."

Walang gana kong sambit sa kanya, sa totoo naman talaga eh.

"Hayy!!ako'y iyong pagpasensyahan binibining Faith, kong ikaw ay aking ibinalik sa nakaraan, ngunit ito ang naging takbo nang iyong tadhana, ang maibalik kita dito sa nakaraan."

Anu ba naman yan, tadhana na naman.

Puro na lang tadhana, pinaglalaruan mo ba ako tadhana?
Nakakasakal na ang ginagawa mo sa akin.

"Kung ako nga ay itinadhana na maibalik sa nakaraan, siguro naman andyan ka para gabayan ang bawat kilos ko,hindi ko alam kong anung gagawin ko, at kung bakit ba talaga ako pinadala dito, at bakit ako pa talaga ang nakatadhana."

"Ako'y iyong pagpasensyahan binibining Faith, sapagkat ako'y napag-utusan lamang nang nakakataas,at wala akong kakayahan upang tumutol."

Parang pinagsakloban ako nang langit at lupa dahil alam kong wala nga talaga akong magagawa.

"Pero, makakabalik pa rin naman ako sa hinaharap. Hindi ba?makakasama ko pa ang aking pamilya, makakapagtapos pa ako sa aking pag aaral di ba?"

nag-aalinlangan namang napatango ang bata,batid ko ng hindi rin ito sigurado kpng makakabalik ba talaga ako.

"Paumanhin binibini, ngunit walang kasiguraduhan kong ika'y makakabalik pa sa kasalukuyan"

Halos sabunutan ko na nga bata sa sobrang pag inis, siya itong nagdala sa akin, tapos malalaman ko nalang na walang kasiguraduhan na makakabalik ako?

Punyeta naman oh, nag-aarala ako.

"Gumagabi na po binibini, ikaw ay matulog na,akoy aalis na rin, paalam binibini, hanggang sa muli"

At bigla na nga naglaho lang bata.

Halos maupos ako na parang kandila sa aking kinaupuan, hindi ko matanggap ang masaklap kong tadhana, napakasakit isipan na may mga naiwanan akong pamilya sa hinaharap.
Dahil hindi pa naman talaga ako inaantok ay, kinuha ko na lamang ang bag na tanging ito na lamang ang aking nadala galing sa hinaharap. Binuksan ko ito at kinuha ang aking sketch pad, pati na rin ang aking pencil case.

Nang makabalik na ako sa aking kinauupuan kanina malapit sa may bintana ay, nagsimula na akong gumuhit nang isang babae nakaupo mismo sa tapat nang bintana na nakatanaw sa bilog na bilog na buwan at kumikinang na mga tala.

Nang matapos ko na itong ginuhit, ay nilagay ko na lamang ito sa aking lamesa.

"Sana, naman kakayanin ko ang pamumuhay nila sa panahong ito, sana naman hindi ako mahihirapan, baka ito pa ang magiging cause nang aking pagkamatay, Cause of Death : bored, baka ito pa ang maialagay nila sa mga libro nang kasaysayan, naku naman, nakakahiya😂😂"

Sambit ko na lamang sa aking sarili.

At hindi ko na lamang namamalayan na nakatulog na pala ako sa dami nang iniisip.

______
Don't forget to click Read,Vote, Comment.
Thank you guys.😉

Mi Corazoncito in 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon