Capitulo Diecinueve

31 5 0
                                    

Natigilan ang mag-ina sa paglalakad papuntang palengke ng makasalubong nito ang mag-iinang hindi nila inaasahan.

Ag Pamilya Placido, kasama nito sa paglalakad ang kanyang anak na babae at ang panganay nitong lalaki.

Bumati ang mag-inang Placido, na ginantihan rin ng bati nina Donya Victorina at Senyorita Faith.

Lumapit ang panganay nitong si Senyorito Vicente Val at humalik sa kamay ni Donya Victorina, at kasunod naman sa kamay ni Senyorita Faith.

Halos matulala naman si Faith sa kanyang nasaksihan, at para itong napako sa kanyang kinatatayuan.

"Magandang umaga Donya Victorina,pati na rin sa iyo Senyorita Faith."

Hindi ako makapagsalita, ng marinig ko ang baritonong boses nito, at hindi ko maiwasang hindi mapatitig na palihim sa mapupungay nito mga mata.

"Anak! Hindi mo manlang ba babatiin pabalik sina Senyorito Vicente? Ngayon lang ulit kayo nagkita"- nagtatakang tugon ni
Donya Victorina

"Paumanhin iloy, marahil ay hindi ko na siya maalala, at naging makakalimutin ko na yata, paumanhin po"

"Ayos lamang po sa akin Donya Victorina, masilayan ko lamang ang mukha ng Senyorita, buo na ang aking araw."- nakangiting sambit nito sabay kindat sa akin.

Aba't tong lalaking to, sino ba ito sa buhay ng makalumang ako?

I don't know any single of him, ni wala nga akong hint kung anu siya sa buhay ko eh!

But who knows,

I don't know if he is Friend or a Foe.

But, deep inside of me, I should not trust him.

"Mahal kung kaibigan hindi mo manlang ba ako babatiin? Huwag mong sasabihin na hindi mo ako naalala"-nagtatampong wika ni Senyorita Cara, sabay yakap sa akin.

Hindi ako nakapagsalita agad, dahil hindi ko silang lahat kilala, at hindi ko rin alam kung anung mga papel nila sa buhay ko noon, at kung anong magiging papel nila sa modernong ako, ngayon.

Kaya naman ay, sinabayan ko na lamang sila.

"Ano ka ba naman mahal kung kaibigan, hindi naman kita nakalimutan eh, kaya huwag kanang magtampo, siguro hindi ko na maalala si Senyorito Val kasi sa tagal ba naman niyang nawala diba?, kaya huwag kanang magtampo, ika'y pumapangit."- mapagbiro kong wika.

Sumang-ayon naman ang lahat sa aking sinabi maging si Senyorito Val ay sumang-ayon rin.

"Haha, ikaw talaga kaibigan, mapagbiro parin"-mahinhin nitong tawa, na nakatakip pa ang ang abaniko nito sa tapat ng kanyang bibig.

Naku! sobrang hinhin naman nito. Kung ako yung tumawa? Rinig buong bayan sa lakas ko ba namang tumawa.

"Bago ko nga pala makalimutan Donya Victorina, ito nga pala imbitasyon para sa magaganap na Selebrasyon, dahil sa pagbabalik nitong aking panganay galing Englatera."- sabay lahad ng Donya sa dala dala nitong sobre at nagpaalam na rin ang mag-ina na sila ay may pupuntahan pa.

At kami naman ni iloy ay pumunta na ng palengke.

Hindi maiwasan ni Faith na sundan sila ng tingin at nagulat rin siya dahil nakatingin ri pala sa kanya ang Senyorito sabay ngiti ng makahulugan.

May kakaiba akong nararamdaman sa mga titig niya na hindi ko matukoy, kung ano ba yun kung panganib ba yun o ano?

basta nakakapanindig balahibo.


*****
Second Person

"Magsisimula na ang kanyang misyon"

******
"We need to meet Queen as soon as possible, we need to talk to her about our mission here"- kalmadong sambit ni Jerlz.

"I agree to her, we should talk to her,but maybe not now, we should stay where we at and wait for her signal."-balewala lang na tugon naman ni Brea.

Ang dalawa naman nilang kaibigan ay hindi na kumibo at nagkibit balikat na lamang.

*****
P.s
  Don't forget to hit the button
READ, COMMENT AND VOTE,
Muchas Gracias  Mi Readers,...

Mi Corazoncito in 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon