Capitulo Seis

67 6 2
                                    


Kinabukasan nagising ako sa ingay nang tandang, kinuha ko ang aking cellphone na nasa ilalim nang aking unan at tiningnan kong anung oras na bah.
At 4 am pa lamang at ang iingay na nang mga tandang.

Itinago ko na nga ang aking cellphone sa loob nang aking maliit na pack bag.

Dahil hindi naman ako makabalik sa aking pagtulog ay napagdesisyonan ko na lamang na pumunta ng banyo para makaligo na.
Nang matapos na akong maligo at mag ayos nang sarili, ang suot kong baro't saya ay napakasimpli lamang ngunit eleganteng tingnan, may mga disenyo itong iba't ibang kulay nang mga paro paro, at ang aking mahabang buhok na hanggang beywang ay sinuklay ko lamang, nang matapos na akong mag ayos nang sarili ay lumabas na ako ng aking silid.

Palabas na sana ako nang tumambad sa aking harapan si Maria halatang nagulat ko na bigla bigla ko na lamang binuksan ang pintuan .

"Sus maryosep!Señorita ako'y iyong ginulat"

"Pasensya ka na Maria"

"Wala iyon Señorita, halina pala kayo sa hapag, ikaw ay hinihintay na ng iyong iloy at amay, nang sa gayong sabay na raw po kayong mag almusal"

Sumunod na ako kay Maria na pumunta sa hapag at naabutan ko sina iloy at amay na nagkakape.

"Magandang umaga po iloy, amay."

Bati ko sa kanila sabay halik sa kanilang pisngi.

"Magandang umaga rin sa iyo anak."

Sabay na sabi nilang iloy, at amay.

"Sige na, kumain kana anak."

Ngayon ko lamang napapansin na magkamukhang magkamukha sina iloy at ang aking totoong ina sa hinaharap,at pati na rin si amay, kuhang kuha niya rin ang mukha ng aking ama.

Hindi ko na namamalayan na napatitig na pala ako sa kanila,bigla na lang ako napabalik sa huwisyo ng biglang tumikhim si amay.

"May nais ka bang puntahan anak?"

"Ahm...maglilibot lamang siguro ako nang ating hacienda amay."

"Ayy, mabuti iyan anak, ng sa gayong makapag ehersisyo ka naman."-sang ayon rin na tugon ni iloy.

Nagpatuloy na rin ako sa pagkain nang tinapay, nang may biglang nagsalita sa may bukana nang aming hapagkainan.

"Magandang umaga po Don Alfredo at Doña Victorina."-sabay mano kina iloy, at amay.

Aba't kinalimutan ba naman daw akong batiin. Tss'

"Magandang umaga rin sa iyo hijo, Maxi, anung sadya mo at naparito ka sa aming tahanan ng ganito kaaga?"-seryosong tanung sa kanya ni amay.

Oo nga ang aga aga nambubulabog na.

"Anu po kasi, pwede ko po bang ayain si Señorita Faith, maglibot?"-nahihiyang turan nito, na hindi manlang makatingin sa kanyang pwesto sa halip ay nakayuko lamang ito.

Aba yayayain daw ako, ni hindi niya nga ako binati eh.

"Ayy Oo naman hijo, diba Mahal? Papayagan mong maglibot sina Maxi at Faith?"-tanung nang kanyang ina na parang kampante talaga itong kasama niya si Levi.

"Oo naman hijo, maaari mong isama ang aking anak, basta't siguraduhin mo lamang na ibalik mo siya bago magtakipsilim."-maawtoridad nitong wika.

Bakit napapansin ko, na magkahawig at magkaugali rin sila nang tunay kog magulang sa future?

Possible rin kayang nag time travel ang magulang ko?

Base of my observation, lahat ay tugma sa kong anu ang katangian ng magulang ko sa future,

My instinc says that there are my real parents that came from the future generations.

But how come? Nakapagtime travel sila? Dinala rin ba sila ng bata iyon dito?

But how come, na hindi nila ako kilala bilang modern Faith, but instead the makalumang Faith?

There must be the secret hidden between the two old.

I should figure it out.

_____
READ, VOTE AND COMMENT THANK YOU

P.S. pasensya na sa wrong grammar ko huh, please don't judge my grammar if ever na meron man kasi im not perfect as well as you so Don't judge me please.
Thank you for your consideration, i highly appreciated it.

Mi Corazoncito in 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon