Capitulo Dos

122 12 3
                                    


Bigla na lang akong naalimpungatan,sa maganda kong pagkakatulog,dahil sa napakaingay na bulongan nang mga tao.

Teka!

Bulongan?

Natutulog?

Ako?

Teka nga, sa pagkakaalam ko, naglalakad ako pauwi, ng may kumalabit sa aking isang bat--ta.

Tama! yung bata.

"Anung nangyari, kay binibining faith,bakit siya ay nakahiga sa kalsada?"

"Nakita ko sya kanina naglalakad kasama nang kanyang tagapagsilbi na bigla na lamang siyang nawalan ng malay tao, marahil ay dala siguro nang napakainit na panahon."

Nang imulat ko ang aking mga mata, naaaninag ko ang mga kababaihan na nakakumpol palibot sa akin.

Nang tignan ko sila isa-isa, hindi ko mawari ang kanilang mga mukha, na sa palagay ko ay ngayon ko lamang sila nakita, at nakasuot pa ito nang baro't saya, na para bang sila'y nabubuhay sa panahon nang mga kastila.

Anu raw?

Baro't saya?

Panahon ng Kastila?

Nagpalinga-linga ako sa aking paligid, at dumako ang aking paningin sa isang babae na nakasuot lamang nang isang simpleng baro't saya, na nakatingin sa aking mukha nang tila nag-aalala.

"Señorita, ika'y ayos lamang?sapagkat ikaw ay bigla lamang nawalan ng malay tao habang tayo'y naglalakad,"

At ang kanyang pananlita rin ay kakaiba, parang pangsinauna ang datingan, kun siya ay nagsasalita.

"Who are you?"

Tanung ko sa babae,dahil hindi ko naman talaga siya kilala, at tyaka bakit ba sya nag-aalala?

"Mahabaging Diyos!anu po ang iyong winika, señorita, kayo ba ay naengkanto?"

"What the fuck are you saying? Hindi ako naengkanto, atyaka you don't know about english? what are you? If Im not mistaken, even a 5 years old kid can speak english, why can't you?"- irritable kong tugon sa tumawag sa aking señorita,tss'

"Diyosko! Maryusep, señorita, ano ba ang lenggwahe iyong winika, ako ay natatakot na sainyong tinuran, sapagkat hindi ko po kayo naiintindihan at ngayon lamang ako nakarinig na nagsalita nang ganung lenggwahe maliban sa wikang Español."

Kahit alam ko na, kung ano ang nangyayari, ay naglakas loob parin ako magtanong sa kanya, kailangan ko nang sagot sa mga katanungan ko, kailangan kong mahanap ang batang iyon, alam ko na siya mismo ang nagpadala sa akin pabalik dito sa nakaraan.

"Ah, anong petsa at taon na ngayon?"

Tila natigilan naman itong napatingin sa akin, at naguguluhan sa aking katanungan, ngunit sinagot niya rin ito, na

Naging dahilan upang tumigil ang pag-ikot nang aking mundo,at pinagsakluban nang langit at lupa, sa aking narinig.

"Mukhang iyong nakalimutan na ang taon ngayon señorita,ang petsa at taon po ngayon ay....

"Agosto 29,1892 po señorita, at ngayon po ang inyong kaarawan, nakalimutan nyo po bah?"

Mi Corazoncito in 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon