CHAPTER NINETEEN

52 4 0
                                    

“Yung engagement Francis, di ba alam mo naming di na tuloy?”  tumango sya sakin “So galit samin ang pamilya nyo dahil di kami tumupad sa kasunduan!”

 

“Wag mong isipin sila mama ano ka ba?! Naiintindihan naman nila lalo at product din sila ng fixed marriage at ayaw din nilang mangyari yun satin!” simpkeng sagot nya habang kinakain yung ice cream na nasa harapan nya

Nasa ice cream parlor kami na yung pag-aari nya malapit dito sa school. Ang ganda pa din talaga nung place sobrang colorful

“Cis about dun sa sinsabi mong girl na mahal mo kumusta na kayo?”

 

“Ayos lang we are friends ^_^ gusto mo ba syang makilala?” tumango ako “Well she’s here just close your eyes at dadalhin kita sa kanya ipapakilala ko sya sayo!”

 

Ako naman si parang tangang sumunod at pumikit naramdaman kong naglalakad ako pero alam kong andito lang naman pa din kami sa shop

“Buksan mo na!” nagulat ako nang pagmulat ko e nasa harap ako ng isang malaking salamin ditto sa shop nya “Sya yung babaeng mahal ko ^_^!” nakita ko yung repleksyon namin sa salamin. Ang panget kop ala pag nagugulat at sya ngiting ngiti naman

“Wag ka nang magjoke Cis!”

 

“I’m not joking! Mahal kita Reena! Di ko alam kung kelan nagsimula pero sigurado akong mahal kita Reena!” pagcoconfess nya.  Sobrang ideal naman ng pagcoconfess nya at nasa harapan pa kami ng salamin uh “I love you Reena Anne Lopez!”

 

Tumalikod ako sa salamin at humarap ako sa kanila “Look Cis! Kakabreak lang namin ni Rain and ayokong gawin kang panakip butas I am not rejecting you but bigyan mo ko nang oras! Oras para mahalin ka!”

 

Niyakap nya ko at napatingin yung mga tao sa loob ng shop pero inignore lang namin

“I’ll make you love me Reena! And all those pain na naramdaman mo kay Rain, it will fade away!” bulong nya sa tenga ko

Naglalakad ako sa corridor ng school daladala ang gamit ko para sa next na klase ko. May klase pa si Francis e kaya eto ako nagiisa. Si Kristine naman malelate daw sya at sinermunan pa sya ng mommy nya dahil sa igsi ng paldang suot nya kaya ayun nagabala pa syang magpalit

“Reanne!” familiar yung boses na tumawag sakin. Pano hindi magiging pamilyar eh siya yung taong mahal ko at sya rin yung taong dahilan kung bakit ako nasasaktan hanggang ngayon.

Lumingon ako dahil dapat isipin nyang wala na kong pakealam sa kanya. Isipin nyang hindi na ko nasasaktan isipin nyang hindi sya kawalan

“O Rain yung sa project ba sa humanities?, just contact our leader at wag ako ang tanungin mo dahil wala akong alam dun!” sabi ko tsaka nagpatuloy nang paglalakad. Kung kakausapin ko pa sya lalo baka hindi ko mapigilang yakapain sya kasi kahit nasasaktan ako mahal ko pa din ang lalaking mayabang na yun

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon