Chapter five "Cute ka!"

122 8 0
                                    

-------

"Kung hindi ako dumating baka narape ka na!" sabe sakin ni Rain habang kumukuha ng ref sa tubig ko este tubig sa ref ko

"Tsss.. feeling mo lagi pag hinaharass ako ng tao rerapein ako e naku ang OA!"

"Ay anong tingin mo at pumunta yun dito makikipaglaro sayo ng barbie?! Sa tingin ko lahat gagawin nun para bumalik ka including raping you!"

"Hindi ganun si Riel ano?" pagdedefend ko. Oo hinaharass ako ni Riel but not to the point na kukunin nya ang kasariwaan ko. The hell bakit ang lalim kong magsalita

"okay sabe mo! But pinaban ko na din sya sa condo mo at kung gusto momaghain pa tayo ng TRO!"

"Wagna!" umiling iling ako habang hinahalo yung niluluto kong porksteak

"Gusto mo siguro lumalapit lapit pa sya sayo no babes? mahal mo pa e!" this time lumapit sya sa niluluto ko at tinitikman yun

"Mahal ko pa nga and so? Ayoko namang magpakatanga sa kanya!"

"Pwe ang pakla! marunong ka bang magluto? "

"Bakit nagrereflect yung pagkabitter mo sa min?" then I crosa my arms. Nagjojoke lang naman ako I know naman magkaibigan lang kami ng damuhong to though we are acting that sweet sa akin in front of everybody.

Hanggang di tumitigil si Riel di namin to ititilig so if di  titigisi Riel forever. Forevs din kaming magpapanggap ng laiterong to sa luto ko

"Ako bitter? Wowha? Kaninna nga lang dyan tsaka toyo o asin ok na yung pasasalamat sakin tutal mahal naman yung bigas!" pinoint ko lang sa kanya yung rice cooker ko at kumuha sya ng damakmak na kanin "On the second thought mapagtytyagaan na to!" kunwari pa e kumuha din naman ng luto ko

Sabay kaming kumain. Wala akong choice kundi sumabay sa kanya dahil gutom na din ako

"Maghanap ka ng lalaking di marunong kumain kasi hindi talaga kakain kain yung luto mo!"

"Hmp! ang yabang yabang mo talaga nakakainis ka!"

"Sabi if you are concern with the person tell her the truth, di ba di ba?" sabi nya sabay subo ulit nung kanin at ulam tsaka uminom ng maraming tubig. Ganun ba kasama yung luto ko?

Pag si Riel naman naku sarapna sarap sa luto ko paborito nga nya yan samantalang tong Rain na to kulang na lang ipangudngud sakin na dapat nasa basurahan tong niluto ko. Ang sama sama talaga nya -,-

"So concern ka sakin?"

"Because you are my girl friend!" feel na feel nyang pagkakasabi "Uy namumula sya I cant blame you ikaw ba naman ang girl friend ng isang Rain na katulad ko!"

'Oo Rain ka may bagyo pa nga... ang hangin soooobraaa!"

Hinugasan naman nya ang pinggan aba dapat lang kundi sa susunod na pumunta sya dito papagamitin ko na sya ng disposable plate at cups.

Humilata lang sya sa kama ko. Tama kama ko at nagmovie marathon lang kami o sya lang kasi sya lang naman yung nageenjoy sa pinapanood nyang movie na may mga saging mga minions ata tawag dun. kamukha nya mukhang alien

"Oh!" inalok nya ko ng popcorn. oo may popcorn pala syang dala popperoo pa nga halatang halata tuloy na pinlano nyang magmovie marathon dito e

"wag na nakakadilaw yang ng ngipin!"

"Arte. bakit di ka ba magtotooth brush?" nagface palm na lang ako at tinakpan yung mukha ko ng unan   "buksan natin yung aircon ang init kasi!"

ang kapal kapal nya talaga. Sana bayaran nya ang kuryente. Itutulog ko na lang to kesa mabwisit ako sa kanya

...

Pagmulat ko tumambad na agad sakin yung orasan shet 7 p.m. na pala -,- what the eff late na kami sa party

"Hey gising ka na pala!"

"Ay hindi tulog pa kaya nga nakamulat ang mata e.. sa susunod nga dont state the obvious!"

"Blah blah blah. Pag babae talaga ang daldal e. Magbihis ka na lang ng jeans at t shirt pate sneakers!"

"Late na tayo sa party and dress dapat ang isusuot ko going there ano?!" I rolled my eyes habang tinitiklop yung kumot na ginamit ko

"sabe mo nga late na di ba? Edi sa iba na lang tayo pupunta!"

"Hoy hoy san mo ko dadalhin?" tumayo na ko sa kama ko at tinakpan ang dibdib ko ng kamay

"Para kang tanga asa ka namang pagsamantalahan kita! Sa flat chested mong yan?" tapos tumalikod na sya, nilait pa ko ha?! feeling naman nya maganda katawan nya "magbihis ka na po tsaka pakitaas yung pajama mo polka dots!"

ay bastos hes pertaining to my panty. Polka dots ang panty ko and iniwan nya ko ng nakanganga literally

Nagsuot na lang ako ng dress ayokong magmukhang losyang at baka may lumapit sa kanya at landiin sya. After all hes mine for now. at ayoko ng may kahati

"bakit yan ang suot mo I told you the prescribe clothes!" ang conyo conyo talaga ng isang to parang bakla

"I want to stay fab and classy!"

"Bahala ka nga! Lets go!"

We went to Laguna particularly sa field ng Nuvali ano bang gagawin namin dito?

"umakyat ka!"

"what i am wearing a dresa baka masilipan ako no? nalimutan ko pa naman to wear a short!"

Pinapaakyat ba naman ako sa hood ng kotse nya at may open field movie marathon dito at hilehilera ang mga kotse at kadalasan magjojowa ang nandito

"Tsss kasi naman e!get inside my car first dun sa passenger seat may storage dun may boxer ako dun wear that!" aakma nasana ang bibig ko to say the word yuck "thats new dont worry!"

And then I did what he said

Pagbalik ko sumalampak na ko sa hood ng kotse nya and ang palabas e nakakatawa

Fine tawa ako ng tawa though there are characters that are so jeje pero maganda talaga thai movie na ATM

"Cute ka Reanne. ang cute mo pag tumatawa ka!" kikiligin na ba ko? "At the same time ang panget mo kitang kita yung ngala ngala mo!"

"Bwisit ka!"

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon