Chapter Thirty One

44 4 0
                                    

"May mga sikreto na mas mabuti pang piliin na wag alamin kesa matuklasan at masaktan!"

------

"Masyado namg hapon. Uwi na tayo!" yaya ko kay Francis. Naglatag kasi kami dito sa garden nila at parang nagpipicnic. Tumayo na rin ako at inabot ang kamay nya

"Hay ang lambot talaga ng kamay ng magiging asawa ko!"

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Di registered yung number e

Everything that you have. Everything that you are enjoying! Lahat yan makukuha ko din so enjoy while still you can

"Reanne hey! Sino bang nagtext at natulala ka?"

"Nagtext ang Globe cut na daw unli ko!" sabi ko tsaka binulsa yung phone ko

"Reena smart po ang simcard mo at pano magkacut nakaline ka kaya!" napaface palm ako sa sa sinabi ni Francis. Bakit ba magsisinungaling na lang ako e mali pa "So tell me bakit nag iba yung expression mo?"

Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya yung phone ko at ipabasa sa kanya

"Baka wrong send lang!" sabi ko

"Baka nga!"

Naglakad na kami pabalik sa sasakyan. Mga four thirty na din ng hapon nun pero maliwanag pa

Pumasok kami ng bahay at busing busy ang mga kasambahay sa pagluluto.

"Francis basketball muna tayo sa may kanto!" yaya ni kuya Erciel

"Nagyaya sila Edisson e! Yung batchmate nyo ni Reena!"

"Sige kuya Saf magpalit lang ako mg pangbasketball, ayos lang ba Reena?" tumango naman ako

Umalis din agad sila hindi naman kalayuan sa bahay namin yung court. Di ko pala dala ang laptop ko kaya nanghiram ako kay mommy

Pumasok na ko sa kwarto ko at dun sa may study table pinatong yung laptop

Www.facebook.com

Ang daming bumati. Happy birthday at may pic sa mga kaclose ko. Happy birthday pag friend. At HBD pag di kilala

Nagbrowse lang ako ng newsfeed at leshe friend ko pala yung animal na yun

GRACE FERNANDEZ posted a new photo

Happy birthday to me thank you sa surprise @Rain Saxen I love you

-,-  magkabirthday kami?! WTF! At ano to? Pinapabalik nya si Francis sa kanya tapos maka I love you sya kay Rain.wagas. Palapa ko kaya sya sa aso namin >_<

"Anak! Pede bang ikaw na ang sumundo sa mga kuya mo sa court at malapit ng dumating ang lola mo?!"

"Sige po daddy!"

Nag ipit ako ng buhok at naglagay ng onting pulbo para naman hindi ako mukhang ubrero pag labas ko. Aner!

"Lopez!" napalingon ako sa tumawag sakin sa likod ko tapos inakbayan pa nya ko

"Uy Cruz kumusta?" tapos magappearan kami

Pinsan ko nga pala. Si Rave Rio Ruiz Cruz. Pinsan ko kay mommy. Hindi naman sya mahilig sa R ano?!

"Eto gwapo pa din! May abs na nga e! Kalaro ko nga pala mga kuya mo kanina tsaka boy friend mo umuwi na lang ako kasi tinatawag ako ni mama!"

"Mama's boy!"

"Good boy lang! Happy birthday nga pala! Hindi man ako invited pupunta pa din ako haha!"

"Gagi!"

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon