Chapter Twenty Seven

42 6 2
                                    

"Yuhooo tapos na ang finals!"

"Yehey parteeey!"

"San mamaya? Inom na lang pre?"

Ang iingay nang mga kaklase ko ako naman zombie pa. Nagpuyat din ako no para dito?! Di nga pala namin kaklase sila Francis sa last period kaya kami lang ni Kristine ang andito tsaka yung lesheng Grace na yun

Bakit nga ba kacourse namin yun?! Ilalaglag na lang yun sa eroplano pag nagkataon tsk

"Bhes c.r. Lang ako ha wiwing wiwi na ko e!"

"Sige Reanne lakad na inatayin na lang kita dito sa room!" tumango naman ako sa kanya at talagang di na kinaya ng pantog ko kaya nagtatakbo na ko papuntang c.r.

Paglabas ko may impaktang nanalamin. Di kaya sya natatakot sa sariling pagmumukha nya? Buti si nabasag yung salamin

"Andyan ka pala RECYCLER!"

Ako recycler wtf?! Pinagsasabi nito

"Tsss.. Busy akong tao wala kong balak patulan ka!" tumalikod na ko. Tinatamad kong awayin sya, ano!

Gusto kong magmuni muni bago ko harapin ang mga hayop sa manila zoo pero mas mukha namang hayop si Grace. Isa syabg hipon na unggoy

"Pagkatapos ko kay Rain napunta sayo pagkatapos ko kay Cis napunta sayo! Pati ba naman modelling career ko gusto mong makuha? RECYCLER ka talaga ano?! Nabubuhay ka sa tira tira ko! Para kang pulubi nabubuhay sa oplan tawid gutom!"

*pak*

"E gaga ka pala e! Ano bang pinuputok ng butse mong gaga ka e nasayo na nga si Rain ah, masaya ka na? Masaya ka na?"

*Pak*

Sinampal naman nya ko

"Hindi pa kasi di ko pa nakukuha lahat sayo!"

"Anong nangyayari dito?" si Ruan, buti na lang andito sya at si Grace naman e nagtatakbong palayo

"Di pa tayo tapos!" pahabol ko sa kanya

Kilala naman nyang si Ruan ang anak ng may ari ng eskwelahang to kaya siguro natakot

"anong nangyari Reanne?"

"Ewan ko dun sa babaeng yun! May sapi ata ganun ba ko kaganda  para kainsecure-an nya *sabay flip ng hair*"

"So funny Reanne! Ay pede bang wag tayo dito sa tapat ng c.r. Mag usap!"

"awkaward?"

"Ang panghi e hahahaha!" tapos pumunta kami sa may bench sa may fountain basta inuman yun ng tubig ayos pa malamig "Si Lian kasi e pinipilit na kausapin kita at kamustahin si Summer!"

Ah si uling pala ang kinukumusta? "bakit di kay kuya kamustahin?"

"Maarte kasi ang kapatid ko ayaw itext anh kuya mo at baka daw mabigyan ng ibang meaning! Natatakot syang mahulog sa kuya mo baka masaktan sya e ako nga nahulog sayo nasaktan na pero ayos lang ganyan ang tunay na pagmamahal , nagmamahal kahit walang kapalit! Tsss mga babae talaga kakaiba!"

"Huh?" napaawang yung bibig ko sa sinabi nya. Hindi ko man nadigest ang sinasabi nya pero naiintindihan ko naman. Ano? Ay leshe pati ako nadadamay sa kaguluhan ni Ruan

"Nevermind! Buti pa ang chicken nuggets e ikaw slow.... Aray naman aray aray..." pinagkukurot ko nga. Mapang asat na bata e

"bornday ko sa Saturday pero magcecelebrate daw kami after finals so bukas na yun!"

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon