003

13 4 0
                                    

Paggising ko ay bumungad agad sa akin ang puting kisame ng aking kwarto. "Oh gising ka na pala, Hana." Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Akio na gulo gulo pa ang buhok at nakapikit pa. "Do you remember anything? Bigla ka kasing hinimatay kagabi." Napabangon ako nung pagkasabi niya non. Ako? Hinimatay? Seriously? But wait. As I remember, may nakita akong lalake na nasa binatana at may narinig akong sinabi niya.

"Welcome back, Hana. I missed you."

"That guy..." bulong ko sa sarili ko dahil pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay umiiyak siya. Yeah, right, he is crying. But why? "Onee-san, maligo ka na at kumain ka na dahil papasok ka pa sa school."

Papasok ng school? "Wait! Akio!" Lumabas ako ng pinto para habulin siya at tinignan niya ako ng may pagtataka sa mukha. "Anong grade na ako?"

"Hmm Mom said that you are 2nd year college kaya mag ready ka na." Sabi niya and I'm 2nd year college? Wala pang K-12 sa panahon na to so does that mean na parang bumalik ako sa grade 12 kung taong 2019 to? Putspa akala ko naman makakapagbakasyon na ako.

Wala na akong ibang choice kundi ang mag handa na para sa pasukan. Paglabas ko ng cr ay nakahanger na sa closet ang uniform ko. Pero grabe ah, ang ganda ng uniform. Puting polo na may pulang necktie at papatungan ito ng kulay gray na blazer na may tatak ng school. Ang pangbaba naman ay maikling gray na checkered na palda. 

Pagkasuot ko nito ay pumorma porma pa ako dahil bet na bet ko talaga ang uniform. Sinuot ko na ang mahabang medyas na hanggang tuhod at nag sapatos na. Bababa na sana ako para kumain nang may napansin akong papel sa ibabaw ng lamesa ko kaya tinignan ko muna iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nung mabasa ko iyon. Ano to?

"Sana nakausap pa kita ng matagal.
                                        -Mitsuo"
Mitsuo? Sino yon?

"HANA!!" Halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Akio mula sa ibaba kaya nabitawan ko tuloy ang papel at dire-diretso nang lumabas ng kwarto.

Habang kumakain ay napansin kong hindi ko pa nakikita si Dad simula nung dumating si Mom kahapon. "Mom, nasan si Dad?" Tanong ko kay Mom na pinunasan muna ang labi bago sumagot. "Naiwan pa siya sa Taiwan for business. Nauna na ako dahil dito naman ako ngayon may aayusin." Sagot ni Mom at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay ihahatid daw ako ni Akio dahil hindi ko alam kung saan ang school na papasukan ko. Habang nasa loob ng sasakyan ay pumasok ulit sa isip ko ang nakuha kong papel mula sa taong nangangalang Mitsuo.

"Akio, may kilala ka bang Mitsuo?" Tanong ko sa kanya. Nagkaroon muna ng katahimikan bago siya sumagot. Why is there a silence? "May naalala ka na?" Medyo nagulat ako sa tanong niya.

"Naalala? Wala pa akong naalala. May nakuha kasi akong papel sa lamesa ko kanina at may nakalagay doon na "Mitsuo" kilala mo ba yun?" Tanong ko sa kanya dahil nagbabakasakali ako na baka kilala niya o kaibigan  niya. "A-Ah h-hindi. Alam mo wag mo nang isipin yon. Oh andito na tayo. Goodluck." Sabi niya at pinagbuksan pa niya ako ng pinto.

Paglabas ko nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. "Shocked? Wala eh. Alam mo naman si Mom diba? She always like this kind of schools." Sabi naman ni Akio nang mapansin ang reaction ko sa papasukan kong school. Eh paano ba naman kase, gate pa lang bongga na. "Pumasok ka na at baka malate ka pa and by the way, this school is for Filipinos kaya magkakaintindihan kayo and also may iba't ibang building diyan. Culinary ang course mo so doon ka sa building for only Culinary Students.  Bye." Sabi ni Akio at umalis na.

Si Akio sa ibang school siya nag aaral dahil balita ko ay ayaw niya daw dito. Eh bakit ako nandito? Eh ayaw ko rin naman dito ah. Wala na lang akong magawa kundi ang pumasok na lang sa mga gates. Pagpasok ko ay sobrang lawak pala nito, walang wala ang Pasig Catholic College dito. Parang mga pangmayayaman ang nandito, well, halata naman sa pagkakaayos ng school diba?

I Will Wait for you In 1999Where stories live. Discover now