008

15 2 0
                                    

"Hana...dito ka lang nagmamakaawa ako." Sabi ng isang lalaking nakayakap sakin ng mahigpit. "Wag mo akong iwan." Nakakarinig na ako ng paghikbi at nakaramdam na ako ng pagbabasa ng balikat ko.

"Dito ka lang. D-Dito ka lang." Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya. Sinubukan kong pigilan ang sarili kong umiyak pero huli na ang lahat, tumulo na.

Emiko's POV

Nakatingin lang ako kay Hana na kasalukuyang nakahiga sa bed dito sa clinic dahil hinimatay siya kanina. "Bakit kaya siya hinimatay? Hindi kaya may naalala na siya?" Rinig kong sabi ni Hayami na nasa tabi ko lang at mukhang natataranta na. Napatingin kaagad ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "May naalala? Don't tell me...alam mo na?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin. "Hoy." Kinalabit ko siya para tumingin sa akin, "Oo. Alam ko na ang lahat. M---" napahinto siya siya sa pagsasalita. "Umiiyak.." sabi ni Hayami, "Ha?"

"Si Hana...umiiyak." napatingin kaagad ako kay Hana na umiiyak habang natutulog siya. She's dreaming. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung anong napaginipan niya kasi alam ko na. "Mag c-cr lang ako." Paalam ko kay Hayami at lumabas na nang clinic.

Hayami's POV

Pagkatapos lumabas ni Emiko ay pinagmasdan ko lang si Hana na umiiyak. Ano kayang napapaginipan nito? Ilang sandali pa ay dahan dahang bumukas ang kanyang mga mata. "Hana?" Tawag ko at napatingin naman siya sa akin. Hindi ko alam pero yung tingin niya..parang sobra siyang nasaktan.

"Hayami.." bumangon siya at tumingin sa akin ng...malungkot. "hindi naman ako mawawala diba?" Pagkasabi niya non ay tumulo nanaman ang luha niya pababa sa kanyang pisngi. "B-Baket mo naman naitanong yan?" Tanong ko sa kanya

"Napaginipan ko kasi na mawawala ako." Mahina niyang sabi pero sapat lang para marinig ko iyon. "Mangyayari ba yon?" Tumingala siya sa akin na mamula-mula ang kanyang mga mata. "Syempre hindi. Hindi ka mawawala." Sagot ko, "walang mawawala." Ngiti kong pang sabi sa kanya at pinunasan na ang basa niyang pisngi.

"Umuwi na tayo." Aya ko sa kanya at agad naman siyang nag ayos ng sarili at lumabas na kami ng clinic nang makasalubong namin si Emiko na para bang pagod na pagod at kinakabahan siya.

"Oh anong nangyari sayo?" Tanong ni Hana "a-ah wala. Uuwi na ako." Tapos niyang sabihin yon ay umalis kaagad siya sa harapan namin. Ano kayang nangyari?

Hana's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka move on sa napaginipan ko pero it's just a dream. Hindi naman lahat ng panaginip nagkakatotoo diba? Panaginip lang naman iyon at isa lamang imahinasyon.

"Bakit ka ba hinimatay? Kumakain ka naman ng maayos diba?" Tanong ni Hayami habang naglalakad kami palabas ng school. "H-Hindi ko rin alam. Bigla na lang akong nahilo nung makita ko yung babae na yon." Sagot ko

"Babae? Sino naman iyon?"

"Hindi ko kilala. Naka all black siya na suot at mukhang hindi siya taga dito sa school natin."

"Ano ba itsura?"

"Hindi ko nakita dahil nakatalikod siya." Sagot ko, "kapag nakita mo ulit sabihan mo kami kaagad ah. Sige dito na ang daan ko, mag iingat ka ah." Sabi niya at kumakaway sa akin habang papalayo siya.

Maglalakad sana ako kaso may babae na nasa harapan ko ngayon. Siya yung babaeng nakita ko. Naka itim na long sleeve polo siya, skirt na itim, may suot na medyas na hanggang tuhod at naka rubber shoes. Maiksi ang kanyang wavy na buhok at may bangs din siya. 

"S-Sino ka?" Tanong ko at napakapit ng mahigpit sa bag ko. "Darating ang araw na maalala mo ang lahat at mang iiwan ka ulit." Sabi niya at umalis na kaagad ng hindi man lang sinagot ang tanong ko. Anong ibig sabihin niya? Maalala ko ang lahat...at mang iiwan ulit ako? Ulit? Kelan naman ako nang iwan? Ang daming weird na nangyayari ngayon.

I Will Wait for you In 1999Where stories live. Discover now