Hana's POV
Nagising ako at may napansin akong kakaiba. May gray na jacket na nasa ibabaw ko. Kanino to? Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at bumungad sa akin si Akio na may dala dalang tray na may cereal at gatas. "Akio, alam mo ba kung kanino to?" Tanong ko habang tinitignan tignan ang jacket.
"Kay Mitsuo siguro kasi hinatid ka niya dito at lumabas siya ng kwarto mo na wala na siyang suot na jacket at naka polo na lang." Hindi ko alam kung bakit biglang nag init ang mukha ko nang malaman kong kay Mitsuo to.
"Oh kumain ka na at hindi ka muna papasok ngayon dahil kailangan mong ipahinga ang paa mo." Sabi niya at nilagay niya sa lamesa na nasa tabi ko ang dala niyang tray. "By the way, baka hindi ako makauwi mamaya. Ganon din si Mom kaya ikaw lang mag isa dito. Magpagaling ka." Sabi niya bago pa man siya lumabas ng kwarto.
Hayami's POV
Kinabukasan, pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi pumasok si Hana siguro na rin ay dahil sa injury niya sa paa at si Emiko naman ay hindi na ako kinakausap o sinasamahan tuwing break time.
Ang totoo talaga niyan noong araw na iyon ay after recess ay klase nanaman ang kasunod at hindi pumasok sa klase na iyon si Hana kaya nag alala na ako kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase ay si Mitsuo kaagad ang napansin kong magisa lang at mukhang uuwi na kaya sa kanya ako humingi ng tulong.
Pero yung reaction niya, it's like na sobrang importante sa kanya si Hana or what. You can see his eyes are full of anger and worry. Wala namang sinasabi sa akin si Emiko kung napunta na ba dito si Hana or whatsoever, all I know is may gusto siya sa isang tao na nilandi "daw" ni Hana and I can't believe na si Mitsuo ang tinutukoy niya and for me, yun ang nagpapatunay na nanggaling na dito si Hana noon pa man. Because, Hana never flirts with other guys. Actually, she really hate guys.
Pagkatapos ng klase syempre wala nanaman akong naintindihan kase puro Hana, Emiko at Mitsuo ang laman ng utak ko. Masyado ako nabubulabog dahil ,duh first time ko lang napunta sa loob ng isang kwento at hindi lang iyon. It's in year 1999! Mygoodness ang layo ng nilakbay ko, from 2019 to 1999? Ka stress.
Uwian na at napansin kong palabas na si Mitsuo sa room niya kaya tinawag ko na siya, "Bakit?" Tanong niya, kailangan kong makuha ang mga sagot niya. Naguguluhan na ako. "Pwede ba tayong mag usap?"
"Ok. Antayin mo ako sa coffee shop sa tabi ng school." Sabi niya at lumisan na, siguro may pupuntahan pa siya or ipapasa. Ginawa ko ang sinabi niya, lumabas na ako ng school at pumunta na sa nag iisang coffee shop dito. Umorder na ako ng maiinom at makakain dahil gutom na gutom na ako. Pagkatapos ay naghintay ako ng ilang oras. Ang tagal naman non, saan ba nagpunta yon? maya maya pa ay dumating na si Mitsuo na naka pambahay.
Saan ba to galing? Sa bahay?
Umorder muna siya pagkatapos ay umupo na siya sa harapan ko. "Anong pag uusapan natin?" Tanong niya at sumubo ng tinapay gamit ang fork. "Kailan mo pa kilala si Hana?" Pagkatanong ko ay biglang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. "Kahapon lang," maikling sagot niya at nag sip sa kanyang kape.
"Pero bakit ganon ang reaksyon mo? The day when Emiko kidnapped her. Parang napaka importante sa--"
"Its obvious that I'm really worried because Hana is a girl and I can't just leave her behind." Sagot niya, oo nga naman, pero kase yung mukha niya. Ibang iba yon sa gustong tumulong lang!
"Mitsuo, maraming tanong ang bumabagabag sa akin please be honest!" Medyo tumaas na ang tono ng boses ko dahil na iistress na ako. The questions and answers is bothering me that much!
"Do you really want to know the truth?"
"So you are lying all along. Of course, I want to know everything. It's bothering me."