007

21 3 1
                                    

Hana's POV

Maraming nagtitinginan na mga estyudante dahil agaw atensyon ang dalawang mag kaaway na sina Emiko at Kenji. "Ano handa ka na ba huh? Emiko?" Sabi ni Kenji habang pinapaikot ikot ang kanyang wrists na parang handa na siyang makipagsuntukan.

Napasuklay sa buhok si Emiko at umirap pa. "Waste of time." Sabi ni Emiko in a bored tone. Susuntukin na siya ni Kenji pero nakaiwas siya tapos siniko niya pababa ang likod ni Kenji kaya napadapa ito sa sahig at tinapakan ni Emiko ang likod ni Kenji para hindi na ito makabangon.

Kahit na nakatapak na si Emiko, hindi nagpatalo si Kenji at bumangon. Sinipa niya ang paa ni Emiko kaya nadulas at napahiga sa sahig si Emiko at pumaibabaw naman si Kenji sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nito para sigurado siyang hindi makakabangon si Emiko.

Lahat ng babae na may gusto kay Kenji ay nag sigawan dahil sa ginawan niya. Kahit si Hayami na nasa tabi ko ay napatakip ng bibig at mukhang mag hahallucinate na dahil sa nakita niyang nakapaibabaw si Kenji kay Emiko. 

Tumigil lahat ng sigawan nang biglang may dumating na isang lalaki. Matangkad ,itim ang kanyang makapal na buhok at may bangs sa isang side pero yung isang part ng bangs niya ay kulay puti, siguro may nangyari sa kanya noong bata pa siya at hindi lang iyon gwapo siya.

"Kenji, stop this shit already. Akala mo ba nagmumukha kang cool sa ginagawa mo? You are not respecting a woman. It's not manly at all, you bastard." Sabi ng lalakeng dumating kay Kenji.

"But she kicked me a while ago! Hindi ko hahayaang ginaganon niya lang ako!" Sigaw ni Kenji sa lalaking kausap niya.

"And so what? Be a man. Be gentleman. Idiot." Sabi pa ng lalake.

"Pwede bang wag kang makialam dito Kaito? It's none of your business." Pagkasabi non ay umalis na yung lalake na ang pangalan ay Kaito. Pagkaalis naman niya bigla namang dumating ang isang babae na naka t-shirt at jogging pants. May salamin ito at may dala dala itong mga folder, medyo may edad na siya kaya masasabi kong guro siya dito sa eskwelahan na ito.

"Kenji. Anong kagaguhan yang ginagawa mo? Balak mong i-rape yung babae? Nakakadiri ka." Sabi ng guro kay Kenji at umakto pa na parang diring diri siya kay Kenji.

"What?! H-Hindi! Nagkakamali ka Tanaka-sensei!" Sabi ni Kenji at tumayo na. "Tsk tsk. Sumama ka saken." Sabi ni Tanaka-sensei na nauna nang umalis. Nagkatinginan naman ang dalawa, "humanda ka talaga sa akin, Emiko." Sabi ni Kenji bago lumisan at sumunod kay Tanaka-sensei. Tumayo na si Emiko at pinagpag ang uniform niya, lalapitan sana namin siya pero agad siyang umiwas nang makita niya kami.

Nagsialisan na ang mga estyudante ang iba naman ay nagbubulungan dahil sa nangyari. Marami namang nalungkot dahil napatawag si Kenji ng teacher. Deserve niya iyon bwisit.   Nagsipasukan na sa kani-kanilang mga room ang mga estyudante at pati na rin kami ay pumasok na.

-----

After one hour biglang nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko iyon mula sa pocket ko at tinignan kung sino iyon. Medyo nagulat ako nang makita ko kung sino ang nag message, napatingin ako kay Emiko na tumingin muna sa akin bago lumabas ng room. Nag message lang naman siya na mag meet kami sa coffee shop malapit dito, hindi ko alam kung bakit at hindi naman niya sinabi sa message ang dahilan.

"Hana, sabay tayo umuwi?" Pag aaya ni Hayami. "Pasensya na may lakad kasi ako ngayon." Sabi ko sa kanya, "lakad? Saan naman punta mo?" Tanong niya at sumandal sa desk ng katabi kong seat. "Nag message kasi si Emiko, magkita daw kami sa cofee shop diyan malapit sa school." Kwento ko at tinignan ang oras sa phone. 2:15pm na pala. "Bawal bang sumama?" Tanong ni Hayami

"H-Hindi ko al---" napatigil ako nang mag vibrate ulit ang phone ko. Nag message si Emiko.

Come alone.

I Will Wait for you In 1999Where stories live. Discover now