Hana's POV
Nakalipas ang isang araw at ngayon ay simula na nang OJT DAYS namin. Pumunta na kami ni Mitsuo kung saan kami mag O-OJT gamit ang sasakyan niya dahil pareho kaming nagmamadali kase late kaming nagising pareho. "Hindi mo kasi ako ginising eh." Sabi ni Mitsuo
"What? Anong hindi ginising? Duuuuh pareho tayong hindi nagising! Tapos ako sisisihin mo?! Maghunos dili ka nga diyan Mitsuo!" Sabi ko at napasapo na lang sa aking noo.
Nakarating kami doon at buti na lang ay hindi pa nagbubukas yung restaurant kung saan kami mag O-OJT. Pumasok na kami sa back door ng restaurant para makapag ayos na nang sarili. Sinalubong kami ng manager ng restaurant at binigay na sa amin ang uniform na gagamitin namin. Tinuro na rin niya ang locker na gagamitin naming dalawa. By the way, Filipino din ang manager ng restaurant na ito kaya maayos lang ang conversation namin kapag nag uusap.
Nag ayos na ako ng buhok, pinony-tail ko ang buhok ko at nag iwan ako ng kaunting buhok sa magkabilang gilid. Sinuot ko na ang uniform na white polo, black skater skirt at red na apron tska ko sinuot ang white sneakers na suot ko kaninang umalis kami.
Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin na nasa gilid ko. "Hmm okay na!" Masayang sabi ko at pumunta na ako sa office ng manager ng resto. Pagpasok ko ay nandoon na si Mitsuo na...
Sobrang gulo ng buhok.
Sinamaan ko siya ng tingin tapos ngumiti na nung tumingin na ako sa manager namin. Sinabi na niya ang mga patakaran at kung anong gagawin naming dalawa. Ang gagawin ko ay mag tatake ng orders at si Mitsuo naman ay assisstant sa kusina.
Pagkalabas namin ng office ay sinabunutan ko siya. "A-Aray! Bakit ba?!" Inis na sabi niya sa akin. "Tumayo ka ng maayos may gagawin ako sayo." Sabi ko at sumunod naman siya kaagad. Inayos ayos ko ang buhok niyang sobrang gulo, sinuklay ko iyon gamit ang kamay ko. "Ayan, better!" Sabi ko
"H-Ha?"
"Inayos ko yung buhok mo dahil ang gulo. Nakakahiya naman sa mga makakakita sayo baka akalain nila hindi ka marunong mag maayos ng sarili mo. Oh bakit ka namumula?" Tanong ko dahil sobrang pula ng mukha niya, "may sakit ka ba?" Tanong ko at hinipo ang noo niya pati ang akin. Nilapit ko ang mukha ko para maidentify kaagad ang pagkakaiba ng init naming dalawa.
"Hindi ka naman mainit..." sabi ko at lumayo na, "tara na. Buksan na natin yung resto." Sabi ko at lumabas na ng Staff's Room. Binuksan ko ang restaurant mula sa labas, pinalitan ko ang sign na open tska ako pumasok sa loob para kunin ang mga stand kung saan nakalagay ang menu namin at nilagay iyon sa labas.
Pumasok muli ako para ayusin ang mga upuan at iba pa. Pinunasan ko na rin ang mga lamesa. "Wow. Ang sipag naman." Napatingin ako sa entrance at nakita ko si Mitsuo na nakasandal sa pader. "Pwede ba huwag ka ngang tumatayo tayo lang diyan? Tumulong ka dito." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagpunas ng lamesa.
"Ako na diyan. Kumuha ka na nang nga plato na ilalagay dito." Sabi niya at inagaw niya ang pamunas na hawak ko. "Ayusin mo ah." Sabi ko bago pumunta sa kitchen para kumuha ng mga plato kaso pagdating ko doon ay sobrang taas pala ng lalagyanan ng mga plato.
Lumingon lingon ako kung may pwede ba akong mapagtungtungan at buti na lang may nakita akong dalawang upuan na magkapatong. Kinuha ko iyon at itinapat sa pagkukuhanan ko.
Tumapak na ako at sinubukan kong kunin pero hindi ko pa rin abot. Tingkad ako ng tingkad nang bigla akong madulas. "Ahh!" Napapikit ako sa takot nang maramdaman ko ng pagbagsak ko at may parang yumakap sa akin.
"A-Aray.." napadilat ako nang marinig ko ang boses na iyon. Napalingon ako sa likod ko at bumungad sa akin ang mukha ni Mitsuo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. "A-Ano? Ayos ka lang ba?" Tanong niya at hindi ako makapagsalita..h-hindi ko alam kung bakit.