010

12 2 0
                                    

Hana's POV

Kasalukuyan akong nagpapahinga dito sa Staff's Room dahil break time namin. Napatingin na lang ako sa salamin na nasa tabi ko at kitang kita ang itim na bilog sa ilalim ng mga mata ko. Buset na Mitsuo yon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya.

Syempre kahit sino namang babae na biglang hinalikan ng isang lalake ay hindi rin makakatulog kaagad. Isusumpa ko talaga siya! At hindi lang iyon ang ginawa niya! Hindi niya ako ginising at iniwan ako sa bahay! Tapos nung naglalakad na ako at ilang tapak na lang ay ang restaurant na tska pa siya nagpakita sa akin at sinabing:

"Sakay ka na. Sabay na tayo pumunta."

At dahil doo mas nainis pa ako sa kanya. Kung kailan sobrang lapit ko na lang tska niya pa ako aayain ng ganon? Buset. Isusumpa ko talaga siya! "Hana..tara na. Tayo na ulit." Sabi ni Yui na nakasilip sa pinto. Tumayo na ako at nag ayos ayos sa harap ng salamin bago lumabas at tumayo sa pwesto ko kahapon.

Nang biglang may dumating na customer na naka all black na suot at naka mask pa! "Sir this way po." Inaya ko siya sa bakanteng upuan at doon siya umupo. Binigay ko sa kanya ang menu book at nag antay ng order niya. "Pasta na lang. Ito." Turo niya sa carbonara na nasa menu book.

"Sir Reo maari niyo bang tanggalin ang mask mo?" Sabi ko sa kanya at napatingin siya kaagad sa akin. "Kahit  na mag ganyan ka pa, makikilala kita. Wag mong maliitin ang memorya ko pagdating sa mga tao." Ngiting sabi ko sa kanya at inis niyang tinanggal ang mask niya.

"Argh ang init!" Reklamo niya at tinanggal na rin ang jacket niya. "Bakit ka ba kasi naka ganyan? Ano bang klaseng trip yan?" Tanong ko sa kanya habang sinusulat ang order niyang pasta.

"Tsk mind your own business. Faster. I'm hungry!" Sabi niya at sumunod na kaagad ako dahil gusto ko na kaagad matapos ang araw na ito! Ayaw ko nang makita yan! Kahit siya pa ang boss ng resto na ito ay ayaw ko siyang makita. Naiinis na ako sa kanya. Bwisit.

Dinala ko na sa kusina ang papel kung saan nakasulat ang order niya tska ako bumalik muli sa pwesto ko at ginawa ang trabaho. Habang nag aantay ng iba pang customer ay bigla akong kinalabit ni Yui na nasa tabi ko. "Tawag ka ni Sir Reo."

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis. Nilapitan ko na siya sa lamesa kung saan siya nakapwesto at tinignan ng masama. "Ano bang problema mo?" Iritang tanong ko sa kanya "pwede bang wag mo akong istorbohin dahil nag tatrabaho ako?" sabi ko pa sa kanya at aalis na sana ako nang bigla niyang hinila yung kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. "eto muna trabaho mo ngayong araw, bantayan mo ako." sabi niya at napanagnga naman ako sa hiling niya. 

"ahm para sabihin ko po sa inyo, ang trabaho ko dito ay maglista ng mga order ng customer. Hindi maging bodyguard mo!" binawi ko ang kamay ko na hawak hawak niya. "sino ba nag utos sayo na maglista ng order? hindi ba ang manager? manager lang iyon at ako ang boss." napatikom naman ako ng bibig sa sinabi niya dahil may punto naman siya sa sinabi niya. "hahawak ako dito para siguradong hindi ka aalis." sabi niya at hinawakan ang dulo ng apron ko habang ako ay walang magawa kundi ang tumayo ng nakatalikod sa tabi niya. 

Maya maya pa'y dumating si Mitsuo na may dala dalang tray na may order ni Sir Reo, nagkatinginan kami pero agad din akong umiwas dahil sumagi nanaman sa utak ko yung ginawa niya kahapon. Hinding hindi ko makakalimutan iyon dahil kinuha niya lang naman ang first kiss ko na hindi naman dapat sa kanya. Pagkaalis niya ay hindi pa rin bumibitaw si Reo sa dulo ng apron ko. 

"pwede na po ba akong umalis?" tanong ko sa kanya dahil rumarami na ang mga customers. "hindi pa pwede." hinila niya yung dulo ng apron ko at ramdam ko ang paghigpit niya ng hawak dito. Ano ba siya? bata? Wala na lang akong nagawa kundi ang bantayan siya hanggang sa umalis siya. Bumalik na ako sa pwesto ko pagkaalis niya, jusko sino ba namang matutuwa eh ginawa niya akong bodyguard niya? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Will Wait for you In 1999Where stories live. Discover now