Kabanata 16: TAKBO, B1 GANG! TAKBO!!

266 12 1
                                    

PRANING BOYS! Malakas ang bagsak ng pangalan ng grupong iyon sa pandinig ng apat na bata.

"Madali kaya natin silang mapapaalis sa bahay na 'to?" narinig pa nilang tanong ng isa sa grupo.

Sinagot iyon ng pinuno. "Gunggong! Kaya nga tinatakot natin sila para lumayas na!"

"Hindi kaya sila nakahalata, bossing?"

Ibig nang mainis ng pinuno sa kakulitan ng isang lalaking may kaitiman. Parang barnisadong kahoy ang kulay ng balat nito.

"Tsong naman! Kung 'yung mag-lolong taga-linis ng bahay, bilib na bilib na may multo. Sila pa kayang bagong salta." Nagtawanan ang apat na lalaki. Maliban sa pinuno.

"Magsitigil kayo!" sabi ng nito. At sunud-sunod nitong pinagbabatukan ang apat na alipores.

Pilit na pinigil ng apat na bata ang bumungisngis at sigawan ang limang lalaki ng... "Buking na namin kayo! Kayo pala ang may kagagawan ng lahat!"

"Dapat paglayas ng mga buwisit na 'yan, kasama na rin ang mag-lolo! Matagal na 'kong bad trip sa dalawang 'yon! Matagal na nating tinatakot, hindi man lang tumitigil sa pagpunta-punta rito tuwing umaga."

"Sabi ko kasi sa iyo, bossing, totodasin ko na e," sabat ng isa. Ito ang may tantalizing eyes sa grupo. Si Duling!

"Ugok! Wala sa plano natin ang pumatay! Kapag may masamang nangyari sa kanila pihadong mag-iimbestiga ang mga pulis dito! At tiyak ding mabibisto ang laboratoryo natin!" galit na sinabi ng pinuno. At malakas na hinampas sa ulo si duling. Lalo tuloy dumoble ang tingin ng loko.

"Puwede na sana ang mag-lolo dahil tuwing umaga lang naman nagpupunta dito. Pero itong mga bagong dating na mga kutong-lupa ang nakakaistorbo sa operasyon natin!" tuloy nito.

"Ano kaya ang racket nila at kailangang paalisin tayo?" bulong na tanong ni Boging sa katabi.

Kibit-balikat lang ang sagot ni Kiko kasabay ng pag-iba ng puwesto dahil namimitig na ang kanang hita nito sa pagkakaupo. Ngunit sa ginawa, nasundot ang ilong ni Kiko ng matulis na dahon ng halaman na kanyang pinagtataguan. Mapapahatsing ito!

"Huwag, Kiko. Pigilin mo," bulong ni Gino sa kaibigan.

"Haa... haaa.. hatsi---" sabi ni Kiko na hindi mapaglabanan ang pagbahing nang biglang pisilin ni Boging ang ilong niya.

Hay! Salamat at maagap na kumilos si taba. Kung nagkataon, mabibisto sila ng Praning Boys na nanunubok.

"Galing mo, Bogs," bilib na puri ni Jo sa kasama.

Ngunit bago nakasagot si taba ay parang tuksong kinagat naman ng langgam ang paa niya. Awtomatikong kinamot niya iyon. Ngunit sa ginawa'y hindi sinasadyang gumalaw ang mga dahon ng halamang pinagkukublihan!

"Ano 'yon?" tanong ng pinuno na bahagyang natawag ang pansin ng mga gumalaw na dahon.

Katahimikan. Nakikiramdam ang limang kontrabida.

"Tisoy, Duling, tingnan nga ninyo kung ano ang naro'n," utos ng pinuno na nakaturo sa pinagtataguan ng barkada.

Nataranta ang apat na bata nang makitang palapit ang mga lalaki sa dako nila! Mabilis na nagyukuan sina Gino at Jo. Si Kiko at Boging nama'y paatras na kumilos upang magkubli sa puno ng rambutan na nasa likuran nila.

Ngunit sa pag-atras nina Boging ay hindi nila natantiya ang distansiya ng puno mula sa kanila. Bumangga tuloy ang puwit ni taba sa matigas na puno.

Ang problema, malakas na tumunog ang chicharong baboy na nasa likurang bulsa ni Boging nang maipit iyon ng puno at puwit niya!

Ang problema, malakas na tumunog ang chicharong baboy na nasa likurang bulsa ni Boging nang maipit iyon ng puno at puwit niya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaipala'y hindi iyon naikaila sa Praning Boys.

"Bossing, may tao ro'n!" sigaw ng isa. "A-Anong gagawin natin?" Si Kiko. Nagkatinginan sila. Isa lang ang paraan. "Dalian n'yo! Balik tayo sa bahay!! Bilis!!!" utos ni Gino.

Paglabas nila sa halamang pinagtataguan, nakita sila ng limang lalaki.

"Bossing, ang mga bata!" hiyaw ng isa sa grupo.

"Habulin n'yooo!"

"Inangkopooo!" sigaw ni Boging dahil sa bigat ng katawan, ito ang nahuhuli sa takbuhan.

B1 GANG MYSTERIES Case File No.5: Rebulto sa Bahay na BatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon