Jiang Chen POV.
sa wakas uuwi narin si mama, na miss ko na talaga siya nang sobra, biglang nag vibrate yung hawak kong cellphone.
"Anak sorry di ako makakauwi muna ngayon, may kailangan ka pa ba? may pera ka pa? sabihin mo lang,"
nang mabasa ko ang text ni mama, sobrang na dismaya ako, tsk.. palagi nalang..na ikuyom ko ang kamao ko at napayuko nalang nang may biglang kumatok sa pintuan, agad akong tumayo upang buksan,
"Jiang chen pwede bang pumasok?" haharangan ko na sana ang pinto para di siya makapasok pero naalala ko maliit pala to, kaya ayun lumosot lang sa ilalim bago pa ako nakasagot ay agad na siyang pumasok bitbit ang dalawang supot nang plastic.
"Ano yan?" tanong ko,
"ah, mga pinamili ko, ngayon diba darating yung mama mo bumili ako nang mga kakailanganin mo, lalaki ka kaya alam ko na hindi mo alam ang bibilhin at tsaka pinili ko yung mga importante mahahalagang bagay para magamit mo sa pag uwi nang ma- " pinutol ko ang pagsasalita niya ang daming sinabi, simple lang naman ang tanong tsk.
"hindi ko kailangan yan, i uwi mo nayan " simple kong sagot.
"p-pero bakit? mali ba ang binili ko?"
"useless,dalhin mo nalang yan,"
"Bakit?, may inihanda ka na ba?" Baliwala niya sa sinabi ko.
"Bakit ko naman gagawin yon?"
"Ano? Ayaw mo na ngang tanggapin, ayaw mo pa sa binili ko!?"
"Oo, kaya umalis kana"
Sabay turo ko sa pinto at inabala ulit ang sarili ko sa pagbabasa."Ayoko!, bakit ba lagi kang iba at laging nang rereject sa ibang tao?, bakit Ayaw mo ba sa kanila dahil naiirita ka?-- naiirita karin sakin?-- alam mo ba na 'yong mama mo laging tumatawag sa mama ko para kamustahin ka, pumayat ka ba, nag kasakit, bat hindi ka nag rereply sa mga mensahe niya-- hindi mo ba nakikita? O nag bubulag-bulagan ka lang?!" Mahaba niyang litanya, na mas lalo kong ikinainis.
"Umalis kana- alis!" Sabay tulak ko sa kanya palabas sa pinto
, Sigaw niya sa labas at narinig ko ang mabibigat na yapak ng kanyang paa pa baba.
Ilang oras din ako dito sa bahay, mag isa, tahimik, at nangungulila
Kaya tiningnan ko ang picture namin ni mama.-----
Chen Xiao Xi POV
Kumakain kami ngayon sa mesa kasama si mama't papa, hanggang ngayon naiinis parin ako sa kanya..
"Hindi na naman pala makaka-uwi ang ina ni jiang chen.
BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA CHINESE DRAMA SERIES starring Hu Yitian and Shen Yue (Tagalog) ---- Nag Simula ito sa High school, ang mag childhood friend na sina Xiaoxi at Jiangchen na mag kapit-bahay na din. Si Xiaoxi ay isan...