Chapter Eighteen: Cave under the water falls

11 3 0
                                    

Chris' POV:

Pagkalito at pagkabalisa ang nababasa ko sa mga mata niya.

Isa lang ang pumasok sa isip ko.

Mayroon nga siyang hindi sinasabi sa akin.

Wala ba siyang tiwala sa akin? Am I not worthy enough to be trusted?

Hinawakan niya ang kamay ko kaya muli akong napatingin sa kanya.

"C-chris.." pagtawag niya sa pangalan ko. Kitang-kita ko pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.

"M-mahal mo ba talaga ako?" The only question that came out from my mouth na ikinagulat niya.

Natigilan siya sa tanong kong iyon at natahimik siyang bigla.

Nabalot ng kalungkutan at hinanakit ang puso ko.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko at tumayo, "Kausapin mo na lang ako kapag alam mo na ang sagot sa tanong na yan."

Iniwan ko siya doon nang wala akong nakitang kahit na anong reaksyon sa kanyang mukha.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa kanya ay nag-unahan ng tumulo ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.

Ganun lang ba kababaw ang nararamdaman niya para sa akin?

Wala siyang sinabi na kahit ano pero bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Sa tulin ng paglalakad ko ay napadpad ako sa kweba sa ilalim ng talon.

Hindi niya man lang nagawa akong sundan para bigyan kahit na konti lamang na eksplanasyon. Tatanggapin ko naman kahit na masaktan ako eh, wag lang iyong pagmumukhain akong walang kwenta.

Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal na mahal.

Hindi man lang ba niya nakikita at nararamdaman kung gaano ko siya minamahal? I will do anything for her! I can sacrifice everything even if I risk my own life for it. Ganoon ko siya kamahal.

I punch the tree in front of me out of frustration in myself.

Hindi pa ako nakuntento. Muli kong pinagsusuntok ang punong iyon gamit ang dalawa kong kamao.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

The pain in my heart hurts like hell.

I felt a mere pain in my hands, when I checked it I saw blood flowing from the wound.

Matinding hapdi ang nararamdaman ko mula sa mga sugat sa aking kamay ngunit mas matinding sakit ang idinudulot ng mga sugat sa puso ko.

I can't lose Bren. I don't want to lose Bren dahil hindi ko makakaya. Mamamatay ako kapag nawala pa siya sa buhay ko. Hindi kakayanin ng puso ko kapag nawala pa siya sa akin.

Mahigpit na pagyakap mula sa likuran ang saglit na nagpatigil sa aking paghinga at naging dahilan para bumilis ang pagkabog ng aking puso.

I turn around para makita kung sino iyon. To check if I'm guessing it right. To check if she's really the one who's with me right now. The one who's my heart is yearning for.

YOU WHO BRING LIFE TO MEWhere stories live. Discover now