Chapter One: Stolen First Kiss

42 18 120
                                    

Brenda's POV:

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ang sarap sa pakiramdam. Parang unti-unting inaalis ang pangamba na aking nararamdaman.

It's 6 o'clock in the morning and Im already here in De Vera University. Alas nuebe pa ang simula ng klase ko. Napaagap ang pagpasok ko dahil nagising ako ng alas tres at mula noon ay hindi na muli ako dinalaw ng antok.

At gaya ng nakasanayan ko, mag-isa nanaman ako. People always said that you need to have a friend to help, accompany, and support you in everything that you do. Nakakatawa man isipin pero why would I need to have something like that. I dont need anything or anyone.

Masaya na ako sa buhay ko kahit mag-isa lamang ako. Humiga ako sa bermuda grass. I took a deep breath and closed my eyes.

Tumingin ako sa kalangitan at huminga ng malalim, "Hi mom! How are you up there? Me, I'm doing great here. Hindi man ito ang gusto mong mangyari sa buhay ko but still I'm doing great. Last year ko na po ito sa college at ilang months na lang po iyon at matutupad ko na ang pangarap ko." A tear fall down in my face,"Kung sana naging mabuting ama ang tatay ko edi sana magkasama pa tayo ngayon." Tears keep on falling, " Breathing the same air, eating the same food, laughing through the lame jokes, doing all the things like we used to."

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumikip ang paghinga ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

Napabangon ako at dali-daling binuksan ang bag ko at kinuha doon ang mga gamot ko. Isa-isa ko itong binuksan at sabay-sabay na ininom.

Matapos kong mainom ang aking gamot ay gumaan na ang paghinga ko. Muli akong humiga sa damuhan, pinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim.

FLASHBACK

Alas diyes y medya na ng umaga at ang lahat ay naka-focus sa kani-kanilang papel. Huling pagsusulit na iyon ng kanilang eskwelahan ngayong taon at ilang araw na lamang ay makakapagtapos na siya ng high school sa Saint Paul Academy. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mapupulang labi nang matapos niya ang lahat ng pagsusulit. Tatayo na sana siya para ipasa ang kanyang test paper sa kanilang homeroom teacher ng biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang palda. Kinuha niya iyon at pasimpleng sinagot. Itinapat niya ito sa kanyang tenga at itinago ito sa buhok niya para hindi makita ng kanilang guro.

"Bren? Brenda Angeli Castillo?", bungad sa kanya ng babae sa kabilang linya. Nanginginig ang boses nito kaya napakunot ang noo niya sa pagtataka. Bigla siyang kinabahan at napuno ang puso niya ng pangamba.

"Yes po. Sino po sila? ",tanging sagot niya na puno ng pagtataka.

Narinig ko ang paghinga ng malalim nito bago magsalita,"G-go to MMG Hospital immediately."she sob, "Si Gelai, your mom inatake siya sa puso Brenda. Please hurry... " Hindi na niya narinig ang sunod na sinabi nito dahil nabitawan na niya ang kanyang cellphone. Nanikip bigla ang kanyang dibdib at hinihirap siyang huminga. Unti-unting pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad na napansin iyon ng kanilang guro at agad siyang nilapitan.

"Castillo what's going on? ", takang tanong nito sa kanya.

"M-my mom..",napahawak siya ng mahigpit sa kanyang dibdib. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

"Her medicine! ",sigaw ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan.

Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. Maya-maya ay naramdaman niyang may sinubo sa kanya. Ang kanyang gamot. May lalaking nag-abot sa kanya ng bote ng tubig.

YOU WHO BRING LIFE TO MEWhere stories live. Discover now