Brenda's POV:
Panay ang buntong-hininga ko. Tapos na ang operasyon ni Chris at andito na siya sa private room kung saan siya dinala ng mga tao kanina na nag-asikaso sa kanya. Nang matapos ang operasyon ay agad kaming nilapitan ni Doc. Jayden at sinabing maayos naman daw ang naging operasyon ni Chris. Medyo nahirapan lang siya sa pagtanggal ng bala dahil tumama iyon malapit sa puso ni Chris. Nagkaroon ng internal bleeding ng dahil doon pero salamat sa diyos at naisugod agad si Chris sa ospital at naagapan agad ang pagdurugo nito.
Napaigtad ako ng biglang bumukas ang pintuan ng hospital room ni Chris at pumasok doon ang isang babae na nasa mid 40's. Dire-diretso iyong lumapit sa kamang kinahihigaan ni Chris. I guess hindi niya ako nakita. She seems familiar. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya pero nakita ko ang side view face nito. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang matandaan kung saan. Hindi kalaunan ay may isa pang lalaki na pumasok. Nakatungo iyon habang naglalakad kaya hindi ko nakita ang mukha nito."Did you talked to his doctor? What did he said? Is my son in a critical condition? Tell me!" Histerikal na asik ng babae na puno ng awtoridad ang boses.
"Will you shut it! How can I talk when you're talking too much! My God Clara, hindi ka pa rin nagbabago." Bulyaw naman ng lalaki dito.
"How can't I? Seeing my son in this condition?" Pumiyok ito sa huling salita. "I know I'm not a perfect mom to him but he's my son. He's my flesh and blood. Sinong ina ang matutuwa kung nasa ganitong kalagayan ang anak niya? Sabihin mo nga sa akin Christopher! "
Pumailanlang ang ringing tone ng aking cellphone na ikinatigil ng pag-aaway ng mga ito. Napunta ang atensyon nila sa kinaroroonan ko. Masasamang tingin ang pinukol ng mga ito sa akin.
Patay!
Naramdaman ko ang pamumutla ng aking mukha nang mamukhaan ko kung sinong babae ang nasa harap ng hospital bed na kinahihigaan ni Chris.
Si Madam Dean. Ang may-ari ng University na pinapasukan ko. Namin.
"Ms. Castillo, will you answer your phone, dahil kung hindi paki-patay na lang. And please lumabas ka muna at may pinag-uusapan kami nitong lalaking ito." Basag nito sa pagkakatulala ko.
Nataranta ako bigla. Nagmamadali akong lumabas sa kwartong iyon. Muntik na akong madapa dahil natapid ako sa sarili kong paa sa sobra kong pagka-taranta.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa nang makalabas ako at agad na sinagot iyon.
"B-brenda, nasaan ka?" Inis na tanong ni Nanay Cynthia sa kabilang linya. "Nabaril ka na ba?"
"P-po?" Tanging lumabas sa bibig ko dala ng gulat at pagkabigla.
"A-ang ibig kong sabihin ay kung maayos ka lang ba ngayon? Hindi ka man lang ba nasaktan?" Tarantang muling tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
What's wrong with Nanay Cynthia? Siya ba talaga itong kausap ko? Parang gustong-gusto niya na mapahamak ako..
Ipinilig ko ang ulo ko mula sa isiping iyon. Bakit naman ako pag-iisipan ng ganoon ni Nanay Cynthia e sobrang mahal ako nun. Bata pa lang ako siya na nag-aruga at nagpalaki sa akin. Baka naman mali lang ako ng nadinig.
YOU ARE READING
YOU WHO BRING LIFE TO ME
FanfictionNaramdaman mo na bang masaktan ng sobra dahil nawala sa iyo ang pinakamahalagang tao sa buhay mo? At bigla ka na lamang abandonahin ng taong sobrang pinagkakatiwalaan mo? Naranasan mo na bang mawalan ng pag-asa at naisin na lamang na mawala sa mundo...