Chapter 50: Kahit Di Mo Alam

1K 39 4
                                    


Good Genius 2
Written by RIP

~~~

Aux POV

(A/n: Play Kahit di mo alam by December Avenue)

Nakatingin ako sa labas ng bahay ni Sam, pinag mamasdan ko mula dito ang kanyang masayang repleksyon kasama si CyL. Sobrang saya niyang tignan habang yakap yakap si CyL.

Parang dinudurog ang aking puso sa aking mga nakikita. Una sa airport, pangalawa dito mismo sa bahay na ibinigay ng aking ama sa kanya.

Kung may isa man sa inyo ang mag tatanong kung anong pakiramdam, pwes ako na ang nag sasabi. MASAKIT.

Nasasaktan na ako kahit di niya alam. Nasasaktan na ako ng sobrang sobra.
Makita ang lalaking pinaka mamahal mo na masaya sa ibang babae ang pinaka masakit para sakin.

Ako yun eh, ako yun dati eh. Saakin siya masaya dati. Ako yung yakap niya dati. Saakin niya pinapakita ang pag lalambing niya dati. Ako ang humahalik sa kanya dati eh. Pero ngayun iba na. Iba na ang nag papasaya sa kanya. Iba na ang kayakap niya, sa iba niya na ipinapakita at pinaparamdam ang pag lalambing niya, iba na ang hinahalikan niya.

At ang malala pa. Sa best friend ko pa. Si CyL.

Kung ako pa siguro si Bad Genius siguro nasugod ko na sila at sinabunutan na si CyL. Pero wala na eh. Wala na si Bad Genius, kasi simula ng dumating si Sam sa buhay ko unti unting nag laho ang sungay ko.

Unti unting nag bago ang pananaw ko sa buhay.
Yung dating happy pill ko iba na ang kapiling.
Yung dating happy pill ko ngayun nagiging dahilan na ng kalungkutan ko at ang malala pa, ang puno ng mga sakit na nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim saka yumuko at doon lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Pang ilang beses ko na bang umiyak ngayung bumalik na ko sa Pilipinas?

Akala ko pag balik ko makakasama ko ulit si Sam. Parang nag kamali ata ako.
O sadyang huli na ako.

Sinimulan ko ng tumalikod mula sa bahay nila Sam at saka humakbang ng dahan dahan palayo don.

"Aux?" Napatigil ako sa pag hakbang. Kumabog ang puso ko at lalo akong naiyak ng marinig ko ang boses ng lalaking kanina lang ay masaya kasama ang best friend ko.

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at mula don nakita ko si Sam na nakatayo sa harap ng gate nila.
Naka white t-shirt siya at naka Pantaloon.

"H-hi." Awkward kong bati saka ngumiti at pinunasan ang mukha ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at lumabas sa gate nila saka lumapit sa akin. Pinag masdan ko lang siya ng maka lapit siya sa akin.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Gusto kong bumalik sa nakaraan kung saan ako pa ang kinababaliwan niya.

Huminga ako ng malalim saka tumawa

"Haha na...naligaw kasi yung driver ko. May appointment kasi ako sa...sa wedding organizer ko, dito din siya naka tira... Ang kaso di ko mahanap yung...yung bahay niya." Pag sisinungaling ko.

"Ganon ba? Ano bang address niya? Samahan na kita." Sabi nya.

Pinag masdan ko ang mata niya.
Dati saakin lang yan ngumingiti. Ngayun parang iba na ang kaharap ko.

"Aux?" Tawag niya.

"Ah I'm sorry ano nga ulit yun?" Tanong ko

"Yung address ng wedding organizer mo?" Sabi nya.

"Mahal parin kita street block 1 lot 4 phase 3." Sagot ko na ikinakunut ng kanyang nuo.

"Joke lang hahaha. Nakalimutan ko na. Siguro sa ibang araw nalang." Sabi ko at ngumiti.

"Namumugto yung mata mo. Umiyak ka ba?" Tanong niya.

Umiling ako saka ngumiti.

"Hindi kinagat lang yan ng lamok kagabi haha " sabi ko at kinuha ang isang invitation sa bag ko at inabot sa kanya.

"Pumunta ka sa kasal ko ha." Sabi ko at naka ngiting inabot sa kanya ang invitation letter. Agad niya naman itong tinanggap at naka ngiting tumango.

"Congrats nga pala. Kelan na ba?" Tanong niya.

"Next week Monday." Sagot ko

"Congrats ha sige pupunta kami don." Sabi niya

Pinag masdan ko ulit ang kanyang mga mata nag babakasaling baka may bakas ng pag seselos don pero wala. Wala akong nakita.

"Sam!" Napa tingin kami sa tumawag sa kanya. Mula sa likod niya naka tayo si CyL habang naka tingin sa amin.

"Babe" bati ni Sam saka tumingin sakin.

"Sorry i have to go." Sabi niya at lumapit kay CyL. Mula sa kinakatayuan ko pinag masdan ko lang kung pano yakapin ni Sam si CyL.

Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng tumalikod pero mas pinili kong ipamukha sa kanila na hindi ako nasasaktan kahit na ang totoo ay sobrang sakit na.

Huminga ako ng malalim saka humugot ng lakas para tumalikod sa kanila. Ng magawa ko ng maka talikod sa kanila ay doon bumagsak nanaman ang luha ko.

Nag simula akong humakbang palayo sa kanila habang lumuluha. Sa pag kakataong ito ay binilisan ko na ang pag hakbang hanggang sa makarating ako sa sariling kotse ko. Binuksan ko ang drivers seat saka doon pinag patuloy ang pag iyak.

Makita ang lalaking pinaka mamahal mo na kayakap ang kaibigan mo. Shit double kill yun para sakin.

Bakit ganon? Ang unfair. Ang unfair ng buhay!
Ang sakit sakit na sobra
Pero bakit kahit na sobrang sakit na mas pinipili ko parin siya.

Oo nanjan naman si Lerwin pero iba eh. Mahal ko kasi si Sam. Mahal ko siya kahit hindi na ako.
Mahal ko siya kahit iba na ang mahal nya.

"ANG DAYA DAYA MO! ANG DAYA DAYA MO SAM! ANG DAYA MO!" sigaw ko sa loob ng kotse ko saka hinampas hampas ang manebela

Isinandal ko ang aking ulo sa manebela saka inuntog untog ang ulo ko don.

Pwede bang mamatay nalang ako? Pwede bang mawala nalang ako?
Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon