Chapter 57: Suicide

1.1K 29 3
                                    

Good Genius 2
Written by RIP

~~~

Aux POV

(A/n: Play Sana by I belong to the Zoo)

Lutang at umiiyak kong nilandas ang daan patungo sa bahay.
Hindi ko makalimutan yung mga sinabi sakin ni Sam. Sobrang sakit.

Naisip ko tuloy, kung hindi ko kaya siya iniwan kami parin ba?
Kung hindi ko kaya siya iniwan masaya pa kaya kami?
Kung hindi ko kaya siya iniwan mahal niya pa kaya ako hanggang ngayun?
Kung hindi ko kaya siya iniwan siguro may pamilya na kami ngayun.

Ang dami kong naiisip ngayun. Ang daming katanungan sa isip ko.

Siguro nga kasalanan ko din kung bakit nawala siya sakin.

Iniwan ko siya kaya ngayun wala na siya.

Hindi na sya sakin.

Inihinto ko na ang sasakyan ko sa harap ng bahay. Dali dali akong pumasok sa bahay at nag tungo sa kusina saka kumuha ng beer at nag tungo sa kwarto.

Pag dating sa kwarto agad kong binasag ang vase na nandon. Sinimulan kong mag wala para mawala ang galit at lungkot na nararamdaman ko.

"BAKIT HINDI NIYA AKO HININTAY! BAKIT!" sigaw ko at napa upo at napa hilamos sa mukha sa sobrang frustrate.

"Nag balik ako para sa kanya..." Bulong ko at natawa.

"BUMALIK AKO PARA SA KANYA PERO TANGINA MAY IBA NA SIYA!" sigaw ko at pinag sisisipa ang pinto.

Kinuha ko yung beer at ininom iyon. Napa pikit ako ng may gumuhit sa aking lalamunan.

"Bakit.... Sam bakit..." Umiiyak kong tanong.

"Bumalik ka kung kelan tahimik na ang buhay ko."

"Bumalik ka kung kelan masaya na ako sa iba."

Natawa ako sa mga naalala kong sinabi ni Sam sakin kanina.

"Bumalik ako dahil mahal kita.." Sabi ko at ininom ulit yung beer.

"Bumalik ako dahil gusto kitang makasama." Muli kong sabi at ininom ang beer

"Sa loob ng dalawang taon na pag hahantay ko sayo..... Sa loob ng dalawang taon na sakit na naramdaman ko... Tatanungin mo ko ngayun kung mahal pa kita? Aux... Hindi na."

"Hindi na nya ako mahal..." Niyakap ko ang mga tuhod ko saka umiyak.

"Hindi na ako ang mahal niya."

"Sinong nag luto nito?"tanong ko

"Ako syempre"sabi niya at proud na proud na sinubuan ako

Kaldreta ang hinain niya one of my favorite

"Kaya pala di masarap"biro ko agad niya akong tinignan ng masama kaya natawa ako

"Dapat na ba ako matakot sa titig mo?"natatawa kong wika

"Hindi "seryoso siya kaya kinabahan ako"dapat matakot ka sa kung anong pwede kong gawin sayo"wika niya kaya napalunok ako

"Jo-joke lang naman eh ang sqrap kaya ng luto mo"wika ko at sumubo ng pagkain

Totoo naman eh masarap luto niya sadyang nag bibiro lang ako

"Dapat lang kasi pinag hirapan ko pa yan nag pabili pa ako kay CyL ng fresh meat sa grocery"wika niya kaya natawa ako

"I love you"

"I love you too"

"Pero galit parin ako sayo" malamig niyang wika

"I love you"

"I love you too "

"Basta galit ako"

"I love you"

"Wag mo ko daanin sa iloveyou iloveyou na yan kasi sasagot din ako ng i love you too i love you too"

Parang nong kailan lang nag I love you pa siya sakin. Bakit ngayun hindi na...

Parang kailan lang sinubuan niya pa ako ng kaldereta.

"Aux please lumabas ka jan! Mag usap tayo please wag mo kong iwan! "

Parang kailan lang nag makaawa pa siya sakin na wag siyang iwan.
Parang kailan lang sobrang saya pa namin. Parang kailan lang....

"Sana pala di nalang ako umalis... Sana pala di nalang kita iniwan." Umiiyak kong sabi saka natawa

Napa tingin ako sa paligid. Napa ngiti ako ng makita ko ang isang basag na bahagi ng Vase malapit sakin.
Kinuha ko yun at pinag masdan.

"Masaya na siya sa iba... Siguro masaya din siya pag wala na ko." Umiiyak kong sabi at tinapat ang hawak ko sa pulso ko.

"Ayoko na.... Ang sakit sakit na."

Pag kasabi ko non ay hiniwa ko ang pulso ko. Natawa ako sa sakit. Nakita ko kung pano umagos ang dugo.

"Bitch where are... WHAT THE HELL!"

Napatingin ako sa pinto. Nanlalabo na ang paningin ko

"Sam sorry.."

Everything went black.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook : Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon