Chapter 67: Ate Snow White

1.1K 32 0
                                    

Good Genius 2
Written by RIP

~~~

Mabel POV

After 3 weeks.

"Kailangan na natin siyang ipa rehab." Dinig kong sabi ni ate Jillian. Napa tingin ako sa loob ng kwarto kung saan nag uusap silang lahat.

Tatlong lingo na ang naka lipas pero hindi parin nila na kukukombinsi si ate Snow White na mag pa heart transplant.

Na move na din muna ang kasal nila Ate CyL at kuya Sam.
Sabi nila hanggat hindi pa daw gumagaling si Ate Snow White, hindi dae sila mag papakasal.

Umalis ako sa pinag tataguan ko saka nag tungo sa harap ng pinto ng kwarto ni ate Snow White.

Sabi nila, wag daw kaming papasok ni ate Lisa dito sa kwarto ni ate Snow White kasi baka magalit samin si Ate Snow White. Pero gusto kong makita si ate Snow White.

Tumingin muna ako sa kaliwat kanan saka binuksan ang pinto at sumilip. Naka upo si Ate Snow White sa kama niya at sobrang lungkot niya.

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni ate Snow White saka sinarado ang pinto.

Nag lakad ako papunta sa tabi ni ate Snow White saka siya niyakap.

Halatang nagulat siya pero ngumiti lang ako.

"Ate Snow White, i miss you." Sabi ko at tinignan siya.
Tama nga sila, ang daming nag bago sa kanya. Namayat siya at nawalan ng buhay.

Ngumiti siya pero halatang pilit.

"Anong ginagawa mo dito Mabel?" Tanong niya. Ngumiti ako saka niyakap siya.

"Wala po, na miss lang po kita. Simula po kasi nong magkita tayo noon sa airport di na kita muling nakita non." Sabi ko at tinignan si Ate Snow White saka kinuha yung suklay na putol sa tabing kama at pumunta sa likod niya saka sinimulang suklayan ang buhok niya.

"Ate Snow White, namiss ko pong suklayan yung buhok niyo." Sabi ko habang sinusoklayan yun.

Tahimik lang si Ate Snow White habang sinusuklayan ko siya. Tinirintas ko iyon saka muling humarap sa kanya.

"Yan... Ang ganda niyo na po ulite ate Snow White." Sabi ko saka nang halungkat ng gamit niya.

Kinuha ko yung wipes, pulbo at concealer saka isang lipstick.

"Ate Snow White, ayus lang po bang make upan kita? Na miss ko po kasing lagyan kayo ng pulbo sa mukha." Sabi ko. Naka ngiti siya habang tumango tango. Agad kong minake upan si Ate Snow White habang nag kwekwento ako ng masasayang ala-ala naming dalawang magkasama.

Ng matapos na, agad kong tinignan si ate Snow White.

"Yan ang ganda ganda niyo po hihi." Sabi ko saka binigay sa kanya yung isang maliit na salamin. Kinuha niya naman iyon at tinignan ang sarili sa releksyon. Ngumiti siya.

Nakita kong hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya sa gilid kaya kinuha ko iyon.

"Ate Snow White, naalala niyo po ba yung sinabi niyo sakin noon? Na masamang pinag hihintay ang grasya? Bakit nyo po pinag hihintay ang grasya ngayun?" Tanong ko. Huminga siya ng malalin saka kinuha ang plato niya at kutsara.

"Samahan mo kong kumain?" Tanong niya.

"Opo basta ubusin niyo po yan ha." Sabi ko. Tumango tango siya saka sinimulang kumain. Habang kumakain siya, hinanap ko yung gamutan nya. Turo kasi samin ni nanay non na pag may sakit ka. Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain.

Ng makita ko na yun agad ko yung kinuha saka bumalik sa harap ni ate Snow White.

Natigilan siya ng makita ang hawak ko.

"Ate Snow White, naalala niyo ba nong may sakit ako kayo ang nag alaga sakin." Sabi ko saka binuksan ang gamutan.

"Ngayun naman po ako naman po ang mag aalaga sa inyo." Sabi ko saka ngumiti.

"Mabel... Ayokong inomin yan." Sabi niya kaya nag pout ako.

"Ang daya naman po, nong may sakit ako lagi niyo kong pinapainom ng gamot na ayaw ko tapos ngayun ikaw naman po yung may ayaw akala ko po ba wala kayong inuorungan?" Tanong ko. Natawa siya at kinuha ang gamot na hawak ko saka binuksan at ininom. Napa ngiti ako sa nakita ko.

"Inutusan ka ba nila na pumunta dito?" Tanong niya. Agad akong umiling.

"Hindi po, sa totoo nga po nyan pinag bawalan nila kami ni ate Lisa na pumasok sa kwarto niyo kasi daw baka magalit ka samin. Narinig ko pa nga po kanina na malala ka na daw po, kailangan ka na daw pong iparehab. Ayoko pong mangyare yun sa inyo." Sabi ko at tumango.

"Ayoko pong mawala kayo kasi mahal na mahal ko po kayo ate Snow White." Sabi ko at naiyak.

"Pag gising ko noon sa hospital kayo ang una kong hinanap, pero wala kayo."sabi ko  saka lumapit kay ate Snow White at niyakap siya.

" ate Snow White alam ko pong magagalit kayo sa sasabihin ko pero.. Please po sana pumayag na po kayong magpa Heart Transplant. Kahit hindi ko po alam ang gagawin don sa inyo alam ko namang ikakaligtas niyo yun."sabi ko at humagulgol sa kanya habang yakap siya.

"Ibalik niyo na po yung ate Snow White ko na masiyahin at malakas. Sobrang miss na miss ko na po kayo." Umiiyak kong sabi. Naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan sa buhok.

"Mabel... Please wag pati ikaw--"

"Ate Snow White okay lang sakin kahit magalit kayo sakin, ayoko pong mawala kayo. Ayoko pong may mangyare sa inyong masama. Please po ate Snow White pumayag ka na po, sobrang nag tampo ako sayo nong iwan mo ko tas ngayun hindi ka papayag." Umiiyak kong sabi habang yakap siya.

"Mabel!" Napa tingin kami sa tumawag sakin. Si Kuya Sam kasama sila Ate Lisa, Ate CyL, Ate Jillian at mga magulang ni ate Snow White.

Nakita ko kung pano punasan ni ate Snow White ang luha niya saka ngumiting hinawakan ang pisnge ko at tumango tango.

"Sige... Papayag na ko..  Pumapayag na kong magpa heart transplant."

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon