Chapter 59: Please

977 32 2
                                    

Good Genius 2
Written by RIP

~~~

Aux   POV

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Sam sakin ng malalim niya na muntik na ko mag pakamatay. Napa ngiti ako sa isip ko. May pake-alam na ulit siya sakin.

"Sobrang frustrate.... Hindi ko matanggap na hindi na ako." Sagot ko. Huminga sya ng malalim.

"Aux nag usap na tayo jan hindi ba?" Wika niya. Umiwas ako ng tingin at di kumibo.

So totoong hindi na ako?
Wala parin ba talaga siyang pake alam sakin?

"Sam... Pwede bang bumalik nalang tayo sa dati?" Tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Pwede bang tayo nalang ulit?" Tanong ko at hinawakan ang kamay nya.

"Pwede bang ako nalang?" Agad na tumulo ang luha ko sa mga sinabi ko.

Pang ilang beses ko na ba tong mag makaawa sa kanya?
Pero hindi. Hindi ako susuko. Kailangang maging akin ulit siya.

"Aux..." Tawag niya at hinawakan din ang kamay ko saka ngumiti.

"Tanggapin nalang natin. Tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa." Napa pikit ako sa sinabi niya. Binitawan niya na ang kamay ko at tumayo.

"I think we need to go. " sabi niya kaya umiling ako.

"No Sam please." Sabi ko at tumayo din. Wala akong pake alam kung may mga naka kabit pa saking kung ano ano.

Hinila ko siya at biglang niyakap.

"Sam please akin ka nalang... Akin ka nalang ulit please... Ako naman ang nauna eh. Mahal na mahal kita Sam diba mahal mo din ako?" Umiiyak kong tanong habang yakap siya.

Pilit niyang inaalis ang pag kakayakap ko sa kanya. Pero mas lalo ko lang iyong diniinan.

"Sam bumalik na ako para sayo... Bumalik ako para satin kaya please akin ka nalang ulit. Mahal na mahal kita." Umiiyak kong sabi.

"Aux please." Sabi niya at hinarap ako sa kanya.

Naka kunot ang kanyang nuo at unti unti yung nawala ng makita niya ang mukha ko.

"Aux wag mo ng pahirapan ang sarili mo please. Tama na, tumigil ka na." Sabi niya at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.

"Oo mahal kita. Pero noon yun Aux hindi na ngayun." Sabi niya.
Umiling iling ako sa sinabi niya.

"Please wag mo ng ipilit ang isang bagay Aux. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo." Sabi niya.

"Hindi Sam alam kong mahal mo ko." Pag kasabi ko non ay hinila ko siya palapit sakin saka hinalikan siya sa labi.

Gusto niyang kumalas pero mas lalo ko iyong diniin. Hinalikan ko siya ng wagas kahit gusto niya ng kumalas.

Damn i miss his lips.

"Sam..." Sa pag kakataong ito ay naitulak niya na ako palayo sa kanya. Sabay naming tinignan ang nag salita at mula sa pinto nakita namin si CyL na naka tayo at umiiyak.

"CyL...." Banggit ni Sam at tumingin sakin saka binalik kay CyL.

"Let me--" hindi natapos ni Sam ang sasabihin niya ng biglang umalis si CyL. Kunot nuo akong tinignan ni Sam bago niya hinabol si CyL.

Naka ngiti ngunit may luha kong sinundan ng tingin ang taong mahal ko na sinusundan ang kaibigan ko.

Ngayun Aux.... Anong napala mo?
Ilang beses ka ng nag makaawa?
Ilang beses ka ng nakiusap na bumalik siya sayo?

Napa upo ako sa likod ng pintuan at niyakap ang tuhod ko.

Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi na siya babalik sakin.
Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi na ako ang mahal nya.

"Aux wag mo ng pahirapan ang sarili mo please. Tama na, tumigil ka na."

Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Sam.

Tama siya. Ako ang nag papahirap sa sarili ko. Ako ang gumagawa ng sakit sa sarili ko.
Ako ang dahilan kung bakit din ako nasasaktan, kasi patuloy akong umaasa na babalik siya kahit hindi na talaga.

~~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon