Chapter 61: Leaving

1K 34 0
                                    

Good Genius 2
Written by RIP

~~~

Aux POV

After 1 week

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong sakin ni Jillian habang nag eempake kami ng mga gamit namin.

"Oo naman." Naka ngiti kong sabi.

"Hay sabagay mas magandang nasa america tayo kesa dito." Sabi nya saka umupo sa kama ko.

We're leaving.
Uuwi na kami sa america kung saan nandoon si Lerwin. Speaking of Lerwin hindi ko pa nasasabi sa kanya na pupunta kami sa kanila dahil gusto kong masurpresa siya. Well I'm sure masosurpresa talaga siya.

One week past at ang daming nag bago. Ang daming pananaw ko sa buhay ang nag bago. Ang daming feelings ang nag bago, isa na don ang nararamdaman ko para kay Sam.

Sa isang lingo sinanay ko ang sarili kong hindi siya makita at wag siyang hanapin. Well I'm sure hindi pa ako tuluyang nakaka move on. But I'm sure na pag nasa america na ako ay doon tuluyan ko na siyang makakalimutan.

After nang sagutan namin ng puntahan niya ko dito sa bahay. Lahat ng pananaw ko ay nag bago na din. Well I'm not bringing back bad genius, pero sa oras na may kumalaban sakin hindi ako mag dadalawang isip na pabalikin si bad genius.

And one more thing. Sa America ko na din sisimulan ang mahaba habang gamutan para sa lintik na puso ko.

Yes, mag uundergo nanaman ako sa isang surgery. Ang sabi ng doktor may isang part sa puso ko ang nagkaruon ng komplikasyon at masyado iyong naapektuhan.

As of now umiinom na ulit ako ng gamot. Nakaka inis lang dahil bumalik pa ang sakit ko sa puso. Mas maganda sana kong si Sa--

Nevermind.

"Bitch may message ka from CyL she said nasa cafe na daw siya." Tumingin ako kay Jillian at kinuha ang bag ko.

"Pack my things bitch. CyL and i need to talk." Sabi ko bago iwan si Jillian.

Agad akong nag tungo sa cafe kung saan makikipag usap ako kay CyL. Well ayoko namang magkaruon ako ng kaaway bago ako umalis diba?

Ng makarating ako sa cafe. Agad akong ngumiti ng makita si CyL na naka upo sa isang upuan. Lumapit ako don. Parang nagulat ata sya ng ningitian ko siya.

"Hey kanina ka pa ba? Sorry nag impake pa kasi ako ng mga gamit." Sabi ko at umupo sa tapat niya.

"Anong meron?" Tanong niya. Ngumuti ako saka kinuha ang Menu.

"Order muna tayo, treat ko." Sabi ko at sinimulang tignan kung ano ang masarap.

Tumawag na ako ng waiter at umorder.
Pagkatapos ay sinimulan niya na ang conversation.

"Aux I'm sorry..." Sabi niya kaya agad akong umiling.

"No... CyL I'm sorry." Sabi ko at ngumiti saka hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry kung nasira ko ang relasyon niyo ni Sam. Please CyL bumalik ka na sa kanya." Sabi ko na nag pakunot ng nuo niya.

Huminga ako ng malalim.

"Aaminin ko... Ang dami kong mali alam ko yun pero ginawa ko parin. Pinilit ko na ibalik siya sakin pero wala eh, ikaw na kasi talaga ang mahal niya. Wala na akong magagawa don kasi nalamangan mo na ako eh." Sabi ko at natawa.

"Ako yung gumagawa ng sakit ko. Pilit kong pinapamukha sa sarili ko na ako parin ang mahal ni Sam at may babalikan pa ako. Pero CyL, simula ng sumugod siya sa bahay ko at pinagalitan ako dahil nag break kayo ng dahil sa halik ko nag bago lahat ng pananaw ko." Sabi ko at ngumiti.

"Aaminin ko... Hindi pa ako 100 percent na nakaka move on pero siguro magagawa ko din yun if mag papakalayo layo ako." Sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
Huminga ako ng malalim.

"I'm going back to America and stay their for good. Doon na din kami mag papakasal ni Lerwin." Sabi ko at may kinuha sa bag ko. Isang invitation.

"Gusto kong pumunta ka sa araw ng kasal ko, kayong dalawa ni Sam." Sabi ko at ngumiti.

"Aux.."

"At isa pa CyL thank you." Sabi ko at hinawakan ulit ang kamay nya.

"Thank you dahil minahal mo si Sam. Thank you dahil ginawa mo ang mga bagay na di ko nagawa." Sabi ko. Nakita ko kung pano mag landas ang luha niya.

"Don't cry walang patay dito." Natatawa kong sabi saka niyakap siya.

"Aux... Hindi ka na galit sakin?"tanong niya. Umiling ako

" hindi na."sagot ko. Niyakap niya ako at saka humagolgul ng iyak.

I feel so comfortable right now.
Walang kaaway walang problema.
Kailangan ko nalang kausapin si Sam at gawan ng paraan kung pano sila mag kakabalikan.

Tanga na ba ako?
Ako yung gumagawa ng paraan para mag kaayus yung taong mahal ko at ang kaibigan ko.

"Aux... Bakit ka aalis?" Umiiyak niyang sabi. Ngumiti ako.

"Kasi nasa america ang groom ko." Sagot ko.

"Ayus ka na ba?" Tanong niya.

"Ayus naman ako ah." Sabi ko.

"I mean yung puso mo. Sinabi sakin ni Jillian na nag undergo ka ng heart transplant nong 15 years ago, bakit hindi mo manlang sinabi sakin?" Tanong nya. Ngumiti ako.

"Nakalimutan ko na kasi yun isa pa di ko naman na iniisip yun ngayun. Magaling na ako at di na babalik yung sakit ko." Naka ngiti kong sabi.

Tumingin ako sa orasan.

"CyL, i need to go. Kakausapin ko pa si Sam bago ako umalis at sana bumalik ka na sa kanya kasi mahal na mahal ka niya." Sabi ko saka tumayo at niyakap siya.

"See you sa wedding ko ha. Aasahan kong nandon ka." Sabi ko niyakap niya ako pabalik.

"Promise."

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Ig: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon