Chapter 64: Kung Kelan

1.1K 35 3
                                    

Good Genius 2
Written by RIP

Dedicated to Samswaegger for making the amazing book cover for this story :') thank u ~RIP

~~~

Aux POV

When exo said, "People come and people go" i felt that.

Dumating sa buhay ko si Sam pero umalis din siya matapos ko siyang iwan ng ilan taon dahilan para makilala at minahal niya si CyL.

Muli, dumating sa buhay ko si Lerwin. Pero umalis din siya.
Iniwan niya din ako.

Ngayun sabihin niyo sakin, saan ba ako lulugar?
Anong dapat kung gawin?

Wala na akong ganang mabuhay. Dalawang tao na ang dumating sa buhay ko pero umalis din sila. Iniwan din nila ako.

Kaya ayokong mapalapit sa isang tao eh, ayokong sumaya at masanay na kasama sila kasi sa oras na umalis sila pakiramdam ko wala akong silbe.

Ano bang kasalanan ko? Nag mahal lang naman ako ah. Nag mahal lang naman ako pero bakit iniiwan nila ako?

Ganon na ba ngayun?

Ayoko ng mabuhay sa mundong punong puno ng akala.
Ayoko ng mabuhay sa mundong punong puno ng mga paasa.

Nasa harap ako ng lapida ni Lerwin. Pinag mamasdan ko ito at hinahawakan.

"Bakit pati ikaw iniwan ako?" Agad na tumulo ang luha ko matapos ko iyong sabihin.

"Lagi nalang may masamang nangyayare sa tuwing bumabalik ako." Sabi ko at yumuko.

"Una kay Sam, akala ko may babalikan pa ako pero wala na pala.
Tapos ikaw naman ngayun. Ang sabi ko susurpresahin kita pero bakit ako ang sinurpresa mo?" Tanong ko saka muling pinagmasdan ang lapida niya.

"Alam mo bang galit ako sayo kasi ang daya daya mo. Hindi mo na nga sinabi sakin na may sakit ka, hindi mo na nga tinuloy kasal natin tapos iniwan mo pa ako." Umiiyak kong sabi.

"Ang sabi ko sa sarili ko pag dating ko dito dapat di na ko iiyak pero bakit pinapaiyak mo ko ngayun? Ang daya daya mo." Sabi ko at pumikit.

"Na miss ko yung boses mo, yung pag tawag mo saking baby, yung pag tawag mo saking princess, yung pag halik mo sa nuo ko."

"Lerwin totoo nga yung sinasabi nilang ' saka mo lang mararamdamang importante ang isang tao pag wala na sila' "

"Alam mo ba, sobrang sakit sakin na pinaurong mo yung kasal natin. Hindi ko alam kung bakit ko yun naramdaman. Alam mo ba... Hindi ko nabawi si Sam." Sabi ko at huminga ng malalim

"Alam mo ba hindi ko na babawiin si Sam kasi... Kasi sabi ko sa sarili ko pag binawi ko si Sam may masasaktan. Masasaktan kayong dalawa ni CyL, ayokong maka sakit kaya di ko nalang tinuloy."

"Lerwin, kung kelan napapamahal ka na sakin saka ka pa umalis."

"Sorry.... Sorry kasi nong panahong nasa tabi kita hindi ko pinaparamdam sayo na mahalaga ka. Sorry kasi nong panahong kasama kita pakiramdam mo bale wala ka. Sorry kasi hindi ko nabigay sayo yung pag mamahal na gusto mo. Sorry kasi lagi kitang pinag tatabuyan." Lakong lumakas ang pag iyak ko na sinabayan ng pag ulan.

"Kung bibigyan ako ng pagkakataonh makasama ka gagawin ko lahat ng gusto mo. Mamahalin kita, aalagaan, at papasayahin. Kaya Lerwin please.... Please sana nasa panaginip lang ako. "

Nakaramdam ako ng panlalamigm sobrang lakas na ng ulan pero hindi ko iyon pinansin. Gusto kong kausapin si Lerwin.

"Alam mo ba... Kaya ako bumalik dito sa america kasi gusto kong makasama ka, gusto kong ituloy na natin yung kasal. Gusto kong iparamdam sayo lahat ng bagay na di ko naipaparamdam sayo."

"Kaso wala na... Umalis ka na, iniwan mo na din ako."

Unti unti akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib pero hindi ko yun pinansin.

"Lerwin... Bumalik ka na sakin. O di kaya kunin mo nalang din ako."

"Wala ng saysay o silbe na mabuhay ako kasi wala ng nag mamahal sakin."

"Iniwan na nga ako ni Sam tas iniwan mo din ako. Kaiwan iwan ba ako?"

Napahawak ako sa dibdib ko ng mas lalo yung manikip. Pero hindi parin ako natinag.

"Lerwin isama mo nalang ako."

Napapikit ako ng mas lalo kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Nahihirapan na kong huminga.

"P-please." Napa luhod ako at mas lalong napa hawak sa dibdib ko. Sobrang sakit na.

Gusto ko ng mag pahinga.

Jillian POV

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Aux na naka luhod sa harap ng puntod ni Lerwin.

Umuulan na ng malakas at basang basa na siya.

"Bitch!" Sigaw ko at patakbong nag tungo sa kanya ng tuluyan ng bumagsak ang katawan niya.

Nakahawak siya sa dibdib niya.

"Fuck! Sabi ko uminom ka ng gamot eh!" Sabi ko. Dumating na yung driver ko para alalayan at tulungan ako. Ng maipasok namin si Aux sa loob ng kotse ko agad kong kinapa ang pulso niya.

"Kuya dalian mo! Sa malapit na hospital dali!" Tarantang sabi ko.

Ang hina ng pulso niya.

"Fuck, Aux wag kang bibitaw bitch wag kang sumama kay Lerwin tangina."

"Kuya bilisan mo!" Sigaw ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon