Chapter 66: I Don't Need.

1K 30 2
                                    

Good Genius 2
Written by RIP

~~~

Sam POV

Nasa harap na ko ng pinto ng kwarto ni Aux. Huminga ako ng malalim saka nilingon ang mga kasama ko.

Tinanguan nila ako kaya muli kong binalik ang tingin sa kwarto ni Aux.

Oo, pumayag na ko sa gusto nila. Pipilitin kong mapapayag si Aux na sumalang sa heart transplant.

Sinimulan ko ng ikutin ang doorknob at binuksan ng kaunti ang pinto saka sumilip. Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang kakaibang Aux.

Tuluyan na kong pumasok sa loob pero hindi niya ko nilingon.
Sobrang payat niya, namumutla na siya at naka tulala lang.

Hindi ko lubos akalain na ganito ang makikita kong Aux.

Ibang iba ang itsura niya. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata, gulo gulo ang dry at mahaba niyang buhok. Halos wala siyang buhay kung titignan.

Sinimulan kong humakbang ng isang beses saka nag salita.

"Aux..." Tawag ko pero hindi siya lumingon. Nanatili parin siyang naka tulala at parang walang naririnig.

"Aux... si Sam to." Sabi ko. Nakita ko kung pano siya tumingin sakin. Halos malaglag ang puso ko ng makita ko ang kabuohan ng mukha niya.

Bukod sa eye bugs makikita mo ang kalmot na sa tingin ko ay gawa niya.

Tinitigan niya lang ako ng malamig.

"Aux kumusta ka na?" Tanong ko. Hindi siya kumibo.

"Aux... Nandito ako para--"

"Umalis ka na." Malamig at seryoso niyong sabi. Muli siyang bumalik sa pagkakatulala.

"Aux hindi ako aalis dito--"

"Hindi kita kailangan." Wika niya. Huminga ako ng malalin saka humakbang palapit sa kanya.

"Wag kang lalapit." Sabi niya kaya napatigil ako. Tumingin siya sakin saka tinuro ang pinto.

"Out."

"Aux--"

"I SAID OUT!" Sigaw niya. Umiling iling lang ako.

"Aux hindi ako aalis dito. Alam kong kailangan mo ng masasandalan kaya nandito ako ngayun." Sabi ko. Tumingin siya sakin na parang hindu niya ko kilala.

"Masasandalan?" Tanong niya saka natawa saka tumingin ulit sa bintana.

"Bakit... Sino ka ba?" Tanong niya kaya natigilan ako.
"Ano ba kita?" Tanong niya ulit saka tumingin sakin.
"Mahalaga ka ba?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot. Natawa siya saka muling binalik ang tingin sa bintana.

"Si Lerwin ang kailangan ko hindi ikaw." Pagkasabi niya non ay tuluyan na kong lumapit sa kanya.

Kinuha ko muna yung suklay sa tabing kama niya saka umupo sa likod niya at sinimulang suklayan siya.

"Ang laki laki mo na pero di ka parin nag aayus ng sarili mo." Sabi ko at sinimulang suklayan ang buhok niya, pero napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko at kunin ang suklay sa kamay ko saka binali yun.

"Wag na wag mong hahawakan ang buhok ko. Si Lerwin lang ang dapat gumawa non." Sabi nya habang naka talikod sakin.

Huminga ako ng malalim.

"Aux alam kong galit ka--"

"Hindi ako galit. Sadyang hindi lang kita kailangan." Sabi niya.

"Aux kailangan mo kaming mga kaibigan mo--"

"Hindi ko kailangan ng awa. Naaawa na ba kayo sakin para gawin nyo yan?" Tanong niya saka tumingin sakin.

"Kung naaawa kayo ibalik niyo si Lerwin para ibalik ko ang dating ako." Sabi niya saka muling tumalikod sakin.

"Aux.... Alam kong... alam kong naka simangot ngayun si Lerwin kasi nakikita ka niyang nagkakaganyan." Sabi ko saka humarap sa kanya. Tinignan ko ang mga mata niya.

Mga matang wala ng buhay, wala ng kulay at wala ng ngiti. Patay na patay na sila at alam kong pagod na pagod ng umiyak.

"Sa tingin mo ba sa ginagawa mo sa sarili mo matutuwa si Lerwin?" Tanong ko. Hindi sya kumibo.

"Ang alam kong Aux na minahal ni Lerwin eh yung masiyahin, mataray at laging may buhay ang katawan. Tignan mo nga tong skin mo ohh." Sabi ko

Hindi parin siya kumibo.

"Alam mo ba... Sabi sakin ng nanay ko noon na ang mga namamatay ay binabantayan ka at prinoprotektahan ka sa lahat ng mga disgrasya at sakit." Sabi ko saka ngumiti.

"Aux ganon ang ginagawa sayo ni Lerwin. Nilalayo ka niya sa disgrasya at sakit pero ikaw itong gumagawa ng sakit mo. Napapabayaan mo na ang sarili mo, pati ang puso mo." Sabi ko. Tumingin siya sakin.

"So nandito ka para mapapayag ako na sumalang sa heart transplant?" Tanong niya. hindi ako kumibo.

"Umalis ka na." Malamig niyang wika.

"Aux.."

"UMALIS KA NA! WALANG SINO MAN SA INYO ANG MAKAKAPAG PAPAYAG NA SUMALANG AKO SA HEART TRANSPLANT NA YAN! SI LERWIN ,SIYA ANG KAILANGAN KO AT HINDI IKAW!" sigaw niya saka ako tinulak tulak palabas sa kwarto niya.

Ng maka labas ako sa kwarto niya agad na sumalubong  sakin sila Jillian, CyL at ang mga magulang ni Aux at mga  kapatid ko.

"Ano pumayag?" Tanong ni Jillian.

Umiling iling ako dahilan para sabay sabay silang huminga ng malalim.

"Pero hindi ako susuko." Sabi ko

~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Good Genius (BG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon