Chapter 12/ Author's Note

189 6 15
                                    

A/N: Hello Guys! May gusto lang po sana akong itanong. Gusto niyo po bang ma-adjust yung story up to Chapter 20? Naisip po kasi namin if you want to add more flashback moments sa story. To get to know more about Vic. Just comment your suggestions below! We will appreciate it. :) 

At dahil sinipag kaming authors, nag-update kami ng 2 chapters in one day! Nabitin daw kasi ung lead cast ng story. Sorry ah? Enjoy. 

-----

Chapter 12

"Oy, ano ka ba pagong! Wag ka ngang umiyak diyan. Nakakakaba ka naman e." Suway sakin ni Joe habang may kinakapa sa bulsa niya. Nilabas nya yung panyo niya at inabot yun sakin. "Oh ayan, wag ka na ngang umiiyak nagmumukha kang ewan e. Ang tanda-tanda mo na, iyakin ka pa rin. Maiinis si Vic pag nalaman niya to."

"You mean, may communication pa rin kayo ni Vic?" Na-stop siya sa pagsasalita niya. Pinunasan ko yung luha ko at tinuon ung mata ko sa kanya. I know na may alam siya, pero bakit ayaw niyang sabihin?

"Yep. Hindi naman nawala ang communication namin." Sagot niya habang nagbuntong-hininga at hinilot pa yung sintido niya. "Patay..." Mahinang sabi niya. 

"Joe, kung may nalalaman ka man please? Sabihin mo saken." 

"Ganito kasi yan Bianca e, may communication kami nila Vic but it doesn't mean alam ko kung asan siya ngayon. Simula nung last month hindi pa uli kami nakakapag-usap." Bumagsak yung hope ko sa sinabi niya, wala rin pala siyang balita kay Vic last month pa pero baka naman... 

"May asawa na ba si Vic? O di kaya, Girl friend?" 

"Wait, wait.. wag mong sabihing you're not over him?" Amaze na sagot ni Joe. 

"Obvious ba?" Inirapan ko siya at nagtawanan kami. Baliw namin diba?

"Well, wala naman siyang naku-kwento about sa love life niya. Kung meron man, siguro invited naman ako sa kasal niya diba?" Tinaas-baba niya pa yung kilay niya. Pinalo ko ng mahina yung braso niya dahil sa kalokohang sinasabi niya. 

"Psh. Buti nga ikaw mai-invite if ever ikasal na siya e.." Ouch naman.   "pero ako? Baka kinalimutan na ko nun." Ouch ule. 

"ano ka ba Bianca, hindi ka kinakalimutan nun. Wag kang mag-alala okay? Babalik din si Vic sa takdang panahon." Makahulugang sabi niya. 

"Kelan kaya yun?" Takang tanong ko sa kanya. 

"Sooner or Later, basta malapit na." 

------

 [Monday, Vince's Exam]

"Good Morning Isabel!" Kararating ko lang sa MAPEH Center at isang gwapong nilalang na ang bumati sakin. Pero syempre, mas gwapo si Vic. 

"Ganda ng araw natin Josh ah?" Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. May nangyari siguro nung Friday. 

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon