Chapter 10

166 6 4
                                    

Chapter 10 

"Ate, pakibilisan naman po please?" Pagmamakaawa ko dun sa babaeng nagxe-xerox nung mga papers para sa test ng mga estudyante ko. Kanina pa kasi ako nandito kaso, inuna niya pang i-xerox yung papel nung isang poging lalake. Hanep, e wala nga sa kalingkingan ni ANO yun e! 

"Wait lang miss ah? Anong gusto mong gawin ko dito? Pasabugin ko na?" Hala. Ang lala ni ate. Jusmeyo, kung hindi lang ako isang mabait na mamamayan baka sinagot ko na siya. Imbis na pumatol ako sa kanya, bumalik na lang ulit ako dun sa inuupuan kong bench kanina. 

Konti na lang talaga Bianca, kaya mo yan. Makakabawi ka din diyan sa aleng yan. 

"Oh miss, tapos na ung sayo." Tawag sakin nung ale. 

Tumayo na ko agad at inabot ko yung bayad ko dun sa babae. Pero bago ako umalis ng tuluyan, may sinabi muna ako sa kanya. Syempre hindi ata ako papatalo noh. 

"Alam mo ate, mukha nga talagang matagal nang sumabog yang machine na yan... natamaan nga ata yung mukha niyo? Ge po." Sabi ko sabay takbo. Mahirap na, baka habulin pa ko nung babae. Katakot. 

"Talaga? Ginawa mo yun? Loka ka talaga te!" Hindi makapaniwalang sabi ni Brix pagkatapos kong ikwento sa kanya yung inkwentro namin ni Ale sa xerox-an. Tawang-tawa nga siya e. 

"Tsk. Nakakainis kase! Hindi na ko nakapagtimpi kaya ayun." Sabi ko habang kumukuha ng tubig sa water dispenser namin. Buti at di pa time, pwede pa kong makapahinga ng konti. Kapagod kayang tumakbo!

"Hahaha, para ka talagang bata girl! Anyway Highway, kailangan ko nang mauna at aantayin ko pa si Josh sa next class niya. Bye!" Bigla na lang siyang nawala nang parang bula. Hala? Basta talaga tungkol kay Josh napakabilis ng babaeng yun. 

Pagkatapos kong i-compose yung sarili ko, binuhat ko na rin yung gamit ko at yung test papers. Magta-time na kasi at kailangan ko nang makapunta agad dun sa classroom para naman mahaba-haba ang oras ng pagsasagot nila. 

"Good Morning Class!"

"Good Morning Ma'am Ventosa." 

Inabot ko na sa kanila  yung test papers nila at hinayaan na silang magsagot. Habang nagsasagot ang lahat, bigla na lang may nagtaas ng kamay niya. 

"Yes?" Tanong ko. 

"Ma'am nilalagnat po si Rhea." Pagkarinig ko nun, pumunta agad ako malapit kay Rhea at kinapa ko yung noo niya. Nako, ang init nga. Kailangan na niyang maipunta sa clinic. 

"Do you wanna go home?" Tanong ko dun sa kanya. 

"Pero Ma'am pano po yung test?" 

"No worries, you can take special test from me. Your health is more important." Tumingin ako dun kay Leslie, yung nagtaas ng kamay. "Can you please take her to the clinic? Pagkatapos, bumalik ka na rin agad para makapagtest ka." 

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon