Chapter 14

182 4 0
                                    

"Aubrey!!!" Tili ko nang makita ko si Aubrey na palapit na sa table kung saan namin siya hinihintay. Nandito kami ngayon sa mall, bibilhin na daw kasi yung kinakailangang materials para sa pag-aayos nung stage. 

"Ang ingay, babae talaga." Reklamo ni Wayne. 

"Uy Pagong! Miss na miss lang ako?" Natatawang tanong ni Aubrey sakin. 

"Ikaw naman kasi e, akala ko after class pa tong pagkikita natin tapos di mo sinabing ngayon na pala. Kinailangan pa tuloy akong kaladkarin ng tatlong to!" Tinuro ko silang tatlo at binigyan sila ng tigii-tigisang death glare. "E teka, may trabaho ka pa diba? Buti pinayagan ka ng boss mo?" Nagtatakang tanong ko. Busy tong babaeng to e! Tapos nandito at kasama ko ngayon? Aba imposible!

"Minsan lang kasi akong humingi ng day-off dun sa boss ko, kaya nung nagrequest ako sa kanya... pinayagan niya ko agad. Hehe." Naiilang na sagot ni Aubrey. Sino ba kausap nito? Kung san-san nakatingin e. 

"Sino bang tinitignan -----" Bago pa ko makatingin dun sa tinitignan ni Aubrey, hinatak na agad ako ni Joe. 

"Tara na nga, bumili na tayong materials kung san-san tumitingin e!" Sabi niya sabay hatak saken at kinaladkad niya ko. 

"Urgh. May paa ako, kaya kong maglakad!" Reklamo ko pa, napalingon ulit ako dun sa side na tinitignan ni Aubrey. Pero wala naman akong nakita.

------

"Ayos na siguro to." Sabi ni Aubrey sabay lagay nung folders na kinuha niya don sa basket. 

"Abay ayos na talaga yan! Ano bang balak mo ha? Magtinda ng school supplies?!" Reklamo ni Wayne. Tinignan ko yung basket na dala niya, punong-puno na nga ng iba't ibang materials. Medyo puno na. Mabigat nga siguro yun. 

"Wag ka nang magreklamo! Nagpresenta ka e!" Bara sa kanya ni Aubrey. Grabe tong si Aubrey, pinapahirapan niya talaga yung tatlo. 

"Gagawa pa lang naman ng banners, kala mo lalagyan buong Pilipinas." Reklamo naman ni Joe. 

"May sinasabi ka?" Mataray na tanong ni Aubrey. 

"Ah wala, sabi ko nga tara na sa cashier!" Nauutal na sagot ni Joe. 

-------

Inabot din kami ng halos 4 hours na paikot-ikot sa mga stores na pwede naming bilhan ng iba't ibang materials. Nag-isip na rin kami ng designs. Mag-12  na nang matapos kami. 

"So, ang motif ng reunion natin is black and white?" Tanong ni Aubrey habang naglilista siya sa notebook niya ng mga plano namin. 

"Oo, para mukhang disente." Sagot ni Wayne habang umiinom nung juice niya. Kumakain na rin kasi kami ng lunch. 

"Okay, okay." Sinulat na ni Aubrey yun sa notebook niya. "Formal or Semi lang?" Tanong uli ni Aubrey. 

"Kailangan ba talagang formal??? Matatawa talaga ko." Natatawang sabi ko. Hindi ko kasi ma-imagine na sobrang formal at disente naming lahat. Nae-excite tuloy akong makita sila. "Aray ko naman Joe!" Reklamo ko nung pinalo niya ko sa ulo. 

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon