Epilogue

187 7 2
                                    

Last chapter guys! Enjoy xx 

----

*Bianca's POV*

Sa buhay natin may mga umaalis, may dumadating. Swerte mo nalang kung may umalis at bumalik sa buhay mo. Minsan may mga nakakasakit sa atin, pero kung sinuswerte ka nga naman, sila rin ang magpapasaya sayo, magpapatawa, magpapakilig, at  magpaparamdam na mahalaga ka.

Nagsimula lang naman ang lahat nung narinig ko ang boses nya. nung nakitako sya. I don't really know na mai-inlove ako sakanya, dahil akala ko hanggang crush lang. Pero nang dumating yung time na ikinuha nya ako ng stuff toy, mas lalo akong humanga sakanya. Alam ko ang babaw ng dahilan na'yon pero hindi ko maiwasang mas humanga sakanya that time.

Until sa panahon naging mas malapit kami sa isa't isa. Yung tipong kami nalang palagi ang magkasama, sya ang nagpapasaya sa akin, sya ang naga-alaga sa akon, sya ang naga-alala sa akin, at yung mga panahong bestfriends pa kami.

And that time, hindi ko namamalayan na unti unti na akong nahuhulog, unti unti nang lumalim ang nararamdaman ko sakanya kahit na alam ko sa sarili ko na walang sasalo sa akin, walang magbabalik ng nararamdaman ko, pinabayaan ko ang sarili ko. I can't help it. I can't stop myself from falling inlove with him.

Until that time, ng umalis nalang sya bigla. Ni walang pagpapaalam na sinabi sa akin, ni walang paramdam na aalis pala sya. Like he doesn't care at all. Na wala sayng pakialam sa nararamdaman ko. Kaya naman nasaktan talaga ako nung umalis sya. I thought magkaibigan kami? Bestfriends pa nga hindi ba? 

Madalas sa kwarto lang ako, umiiyak at hindi parin matanggap ang pag-alis nya. Hindi ko kasi mahagilap ang ilang dahilan na pwede kong maintindihan. Baka may kailangan lang syang puntahan at biglaan kaya hindi sya nakapagsabi. But napaisip din ako, he can has his ways kung gusto nya talaga akong masabihan, kahit text manlang or sa internet. 

Lalo pang dumami ang naiisip ko ng tumagal na ng ilang months ang hindi nya pagpapakita sa akin. I started to think that maybe wala na talaga syang pakialam sa akin, siguro wala lang yung friendship namin, siguro wala lang yung pinagsamahan namin, siguro wala na talaga yung kauna-unahng taong minahal ko. Na isa na ako sa mga taong nainlove tapos iniwan. Pagkatapos magm-move on and then boom! Masaya na ulit. Kung ganun lang kadali, kayang kaya kong gawin yan.

Makaraan ang ilang buwan ay nalaman ko rin na nag-ibang bansa na sya. Gusto ko ng explanation mula sakanya, kung bakit sya nandun? kung bakit biglaan ata ang pag-alis nya? at kung babalik pa ba sya? Pero I decided to let that questions go. Wala akong connection sa kanya pati ang mga kaibigan nya wala, kaya walang saysay kung magtatanong ako ng magtatanong sa sarili ko na kahit ako walang kaide-ideya kung paano sagutin. Siguro naman may rason sya kung bakit sya umalis.

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon