Chapter 8

209 6 3
                                    

A/N: Hello guys! Chapter 8 na pala? Haha. So sorry sorry for the long wait. SUper busy talaga si Author kaya ganun. 

Comment your suggestions kung ano pang gusto niyong malaman about sa story. And, may special chapter for Vic wag kayong mag-alala!

------------------------

Chapter 8

Habang nasa sasakyan kami, di maalis sa isip ko yung sinabi ni Vince na sinundo raw siya ni Sir. Pero bakit si Manong ang nagda-drive? Ano yun? Umalis agad? Nakakadismaya. At hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman. 

"Teacher, you look sad. Why?" Tanong sakin ni Vince at hinawakan pa yung kamay ko. Ramdam mo sa pagsasalita at expression niya na talagang sincere siya. 

"It's nothing. Teacher is just a bit tired today." Sabi ko sabay pat sa ulo niya at ngumiti na rin ako. Napakagaan talaga ng loob ko sa batang 'to. 

"Okay. Promise me after this, you'll take a rest. Hm?" Sabi niya sabay ngiti. Napaka-cheeky niya! Waaaaah! Bigla tuloy akong napangiti ng malaki. 

"Yes, I will." sagot ko. 

"Yey!" Sabi niya sabay kuha nung braso ko at niyakap yun. 

Hay. Bakit ko nga ba kasi kailangang i-stress ang sarili ko kung di ko man nakita si Sir ngayon? Wala namang kaso yun. Siguro sa susunod, makikita ko na rin siya. 

"Yey!" Sigaw ni Vince at bumitak sa pagkakahawak ko. Tumakbo siya papunta dun sa play ground.

"Hey Vince! Be careful!" Sigaw ko sa kanya, nakalayo na kasi siya agad sakin. Oh di siya na! Siya na ang mabilis tumakbo. Nahiya naman ako sa kanya. Ang bagal kong tumakbo, huhu. 

Bago pa man ako makalayo dun sa kotse, bigla akong tinawag ni Manong. Lumapit ako sa kanya. 

"Bakit Manong?" Tanong ko. 

"Pinapasabi ni Sir na ikaw na munang bahala kay Vince habang naglalaro siya sa playground. Wag mo na daw munang turuan, sana si Sir ang sasama sa kanya ngayon pero nagpatawag ng emergency meeting yung board nila kaya wala siya." Paliwanag ni Manong. Napatango ako. Kaya pala. E bakit kailangan pang ipadala kay manong yung gusto niyang sabihin? Ede sana sinabi na lang sakin ng personal!

"Ahhhhh. Okay, ako nang bahala kay Vince." Sabi ko sabay alis na. Sinundan ko si Vince sa may playground at nakita ko siyang nakikipag-agawan sa isa sa mga swing kaya nagmadali na kong pumunta dun. 

"Teacher!" Sabi niya agad na nagsusumbong sakin dun sa isang malaking batang babae. Mas matangkad ng konti sa kanya at chubby yung bata. 

"What's the problem, Vince?" Tanong ko sa kanya at lumuhod para pantay kami. Kaso, mas matangkad pa ng konti sakin yung batang babae. 

"She wouldn't let me use the swing! I came here first!" Sabi niya. Aw, ang cute nyang magsumbong. Aish! Ano ka ba naman Bianca! May kaaway na nga yang alaga mo, cute pa rin iniisip mo? Abnormal. 

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon