Chapter 11

168 6 4
                                    

 A/N: Sorry sa mga typos! Tinatamad mag-edit ang author! :) 

-

"So that's for today class. I'll see you on Monday" matapos kong sabihin ang linya ko bago umalis sa isang classroom ay agad na nagsitayuan ang mga studyante at sabay sabay na nag-goodbye sakin. Ngumiti nalang ako at kinuha na ang mga gamit ko at lumabas na. 

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita hindi ako male-late sa tutor namin ni Vince. Buti naman kung hindi baka pagalitan ako nung driver nila. Psh.

Naglakad na ako papunta sa MAPEH Center para mailagay ko ang mga gamit ko doon at para narin kunin ang gamit ko sa pagtu-tutor kay Vince. 

"Brix! Aalis na ako a?" paalam ko kay Brix nang natapos ko ng isinop at kunin ang mga gamit ko.

"Sige sige Bianca, sabay kaming uuwi ni Josh ngayon e! Yiiieee!" sabi nya sabay talon nya na parang teenager na kinikilig. 

"Hmm, kayo ah! Baka naman nahuhuli na ako sa balita patungkol sa inyong dalawa?" sagot ko at binigyan sya ng makahulugang ngiti.

"Wala pa nga Bianca e! Hayaan mo pag meron na ikaw ang unang makakaalam! Hahaha" depensa nya agad pero nakita ko rin namang namula sya. Tsk tsk, ayaw pa kasing umamin.

"Haha sige. Osya, aalis na ako't baka malate pa ako sa tutor session ko" sabi ko at naglakad na papunta sa sakayan papunta sa coffee shop na palagi naming pinagtu-tutor-an ni Vince. Malapit lapit lang naman dito yun, pero mainit kasi kaya di na ako maglalakad, at isa pa baka ma-late nga ako ngayon. Sa Monday kasi periodical exam na nila Vince so kailangan na talagang mag-aral, wala naman kaming tutorial session pag sabado't linggo.

Nang makarating ako sa coffee shop, nakita kong tumakbo si Vince sakin at niyakap ako, syempre ako naman medyo umupo at niyakap din sya. Ang cute na, ang bango pa! Kung hindi lang child abuse, crush ko na'tong batang 'to! 

"Oh Vince? Why are you here?" tanong ko sakanya matapos bumitiw sa yakap. Napasulyap na rin ako sa coffee shop na nilalagyan ng mga decorations--- wait decorations? Anong meron?

"Hmm because teacher, we're going to my daddy's company to have our tutorial class" agad na sagot nya na sinundan pa ng ngiti. Juice colored

"But why? Diba we used to have our tutorial session here in your coffee shop?" tanong ko ulit na may kasamang pagtataka.

"Because there is a celebration here in the coffee shop, teacher so let's go" pasimple nyang sagot atsaka ako hinila papasok sa kotse nila. Syempre naglakad ako, ayoko namang pahirapan ko ang cute at mabangong bata na'to.

"Ahm Vince, so how's school?" pagbubukas ko ng topic dahil ang tahimik ng byahe namin, siguro mga 15 minutes na kaming bumabyahe. Wala naman kasi akong kaid-idea sa pupuntahan namin. Di man lang ako ininform ni Vince.

"It's really good teacher! I got a perfect score from the quiz in my 2 subjects" sagot nya at masiglang hinalughog ang bag nya para lang maipakita ang test nya na may perfect score nga! Ang talinong bata. Di ko nga alam kung bakit kailangan pa nitong magpatutor e. 

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon