Chapter 7

198 6 2
                                    

A/N: May mga typos po. Tamad ang Author kaya di na inedit :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Chapter 7

Binigyan ko na rin ng free time yung last class ko kaya napaaga ako ng labas. Tumingin ako sa relo at 11:30 pa lang pala. Habang naglalakad ako sa hallway, narinig ko yung boses ni Joshua na nagtuturo. Napasilip ako at nakita ko nga siyang nakangiti at nakaharap sa klase niya. Mukhang ka-close niya agad yung mga tinuturuan niya. Hindi na ko magtataka, friendly kasi siya e. 

Nagulat ako nung bigla siyang napatingin sa labas at nagwave siya sakin. Nagwave din ako pabalik. Pero ang di ko inaasahan ay ang pagsigaw ng mga estudyante niya. 

"Ayyyyiiiiiiieeeeeee.. Si Ma'am Bianca at Sir Joshua oh!" 

"Bagay po kayo!"

"Parehas maganda at pogi" 

Binawal niya naman agad yung mga estudyante niya. Napangiti na lang ako at tinuro yung harapan as a sign na aalis na ko.

Mga bata talaga these days, ang lalakas nang mang-asar. Naalala ko tuloy yung classmates ko, nakakamiss. 

Dumiretso ako sa MAPEH Center at dun muna nagmuni-muni. Bigla ko tuloy naisip si Vince. Kamusta na kaya yung batang yon? Dalawang araw ko rin siyang hindi nakausap. 

As if on cue, biglang tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko yung nakaregister na name at si Vince nga ang tumatawag. Co-incidence? Iniisip ko lang siya kanina ah.

"Hello?" Sagot ko dun sa tawag. 

"Teacher!" Masayang bati niya. Wow, ang jolly niya ngayon. Para bang ayos na sila ng daddy niya ah?

"Yes?" 

"I have a good news!" Napangiti naman ako agad. Alam ko na yung good news niya. 

"What is it?" 

"My daddy drives me to school today. And he said that he will also fetch me later." Sobrang nagwide na talaga yung ngiti ko. Yes! I did it! Buti na lang at nakinig yung si Sir sa letter na pinadala ko. 

"Wow! That's a great news! I'm so happy for you!" 

"I know you are. And he also wants to give you something as a gift. I'll give it to you later." 

"Aw. Thank you."

"No promblem teacher! Uhmmm. I have to go now. Bye!" 

"Oy! Nakangiti ka diyan?" Nagulat na lang ako nung biglang sumulpot si Brix sa harap ko at kasama na niya si Joshua. Ganun na ba ko katagal nakangiti lang dito?

Throwback (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon